18

359 22 1
                                    


JUSTINE

It's been 5 days after the incident happened. She said she'll call me but she didn't so I called her. That was also my last call because after that she's didn't answer any of my call, instead, she sent a message saying she's busy.

Napag-alaman kong 'yung lalaking nakabangga sa sasakyan ay 'yung ex niya pala. Nakuha ko ang pangalan niya at pareho siya sa pangalang binanggit ni Jasper noon na ex ni Samantha at ama ni Shin.

"Kasing lalim ng Bermuda Triangle 'yang iniisip mo. Uso mag-share minsan lalo na kapag usapang pag-ibig. Ano pala ang nangyari sa lakad mo?" Sabi ni Joy sabay tabi sa akin. Weekend ngayon kaya nandito kami sa tambayan.

"Ayos lang naman, nabili na namin 'yung lupa na katabi ng shrimp farm."

"Hindi ako interesado sa mga hipon. Ang tinatanong ko ay 'yung kay Samantha." Inis na turan niya.

"Secret."

"Secret-secret ka pa d'yan. Tell me nga, do you like her na?" Sobrang conyo talaga ng kaibigan ko na ito.

"You're so conyo. I kinda like her though—I admire her. Should I pursue her?" Single naman siya at single rin ako. Hindi ko lang alam kung dating ba siya.

"Bakit naman hindi? You're both single naman."

"I don't know. I feel like we have connection at some point but I don't know if she feels it too." Plus, knowing the situation, I don't if she's up for a relationship now.

Nagkita ulit sila ng ex niya at may tendency na magbalikan sila o hindi kaya i-pursue ulit siya ng lalaking 'yon.

"That sucks. You should still try to. I know you have your torpe side but c'mon, she's a catch. Pasok na pasok siya sa standards mo." I agree with what she said, she's totally a catch.

"Alam nating pareho na hindi madali 'yon. Things are so simple yet complicated. Madaming what if at maraming bagay ang dapat i-consider." Bumuntong hininga pa ako matapos magsalita.

This is not highschool love story that  you can easily confess and be all lovey-dovey. I don't just think about my feelings but I'm also considering hers. She has things to handle right now and I don't want to add more problem or confusion for her think about.

"I get your point. Kaya gusto ko na lang mag-travel at mag-alaga ng mga pusa hanggang pagtanda eh, ang hassle ng salitang pag-ibig. Minsan kikiligin ka nga pero sa huli iiyak din naman. Tangina, 'yung tipong 3 years kayong magkasama tapos sa huli sa lalake rin siya mapupunta. Alam ko namang hindi kami matutuloy sa kasalan pero solid 'yung sakit kapag nagkukwento siya tungkol sa pangarap niyang pamilya. Gusto niya ng mga anak and I can't give that to her. 2 years after namin maghiwalay may asawa at anak na siya tapos ako hindi pa rin maka-move on." Madamdaming paglalahad niya pero may kasamang tawa pa pagkatapos.

I feel so bad for her but it really happens in real life. Madaming cases na gano'n, 'yung alam niyong mahal niyo naman talaga ang isa't-isa pero hindi 'yon sapat.

"Anyway, enough with this drama shit. I'm talking to someone since Christmas." Muling sabi niya na ikinagulat ko.

"Edi maganda para naman may silbi na ang phone mo at hindi ka na puro nood lang ng porn." Pang-aasar ko. Totoo naman kasi dahil lantaran pa siya kung manood.

"Nagsalita ang walang porn sa phone. Nakita ko nga puro video ni Eva Elfie ang pinapanood mo. Mahilig ka pala sa teen category." Pakialamera talaga. May password na nga 'yung mga 'yon tapos nakita niya pa rin.

Normal naman na manood ng porn at walang gender ang panonood ng gano'n. You can choose to watch or not to watch. Just don't judge a person just because they watch erotic videos. Hindi porke't babae siya tapos nanonood siya ng porn ay aasarin na siya o hindi kaya sasabihan ng kung anu-ano.

ChancesWhere stories live. Discover now