25

380 26 2
                                    


SAMANTHA

Ngayon sana ang araw na bibisita kami sa Shrimp Farm nila Justine pero nilalagnat si Shin. Naglaro naman kasi sa ulan kahapon kasama ang mga alaga niyang pagong. Hindi ko alam kung anong trip niya at pati mga pagong ay sinama niya. Tumawag na rin ako kaninang madaling-araw kay Justine na huwag na kaming sunduin kasi nga may sakit ang anak ko at hindi kami makakasama.

"Baby, wake up. You need to eat so you can take you medicine. C'mon, I cooked your favorite." Pinipilit ko pa rin siyang gisingin dahil alas-otso na tapos wala pa siyang kain. Napuyat din ako sa pagbabantay sa kanya kagabi dahil nga mataas ang body temperature niya.

"Mmmm. Mommy, my head is ouchy." Naiiyak na sambit niya sabay hawak sa kanyang ulo at nanatili pa rin na nakahiga.

"I know, that's because you have a fever. Eat ka na para hindi na ouchy ang head mo." Hindi pa siya masyadong gumagalaw kaya pinaupo ko na lang siya at sinimulang subuan ito kahit ipinikit niya muli ang kanyang mga mata.

Mabuti na lang at hindi siya masyadong nag-tantrums kaya naubos ang hinanda kong pagkain niya. Napainuman ko na siya ng gamot niya at nabihisan na rin. Ngayon ay nandito kami sa sala dahil gusto niyang manood kaya nilatag ko na rin ang foam para may mahigaan kami. Medyo maayos na ang pakiramdam niya at bumaba na rin ang kanyang lagnat kumpara kagabi kaya pumayag akong manood na lang kami. Tumawag pa kanina si Mom para kumustahin ang kalagayan niya kasi nasabi ko na may lagnat itong apo nila.

"Is Jay-jay coming today, Mommy?" Tanong niya habang nasa kalagitnaan siya ng panonood.

"Yes po. Tumawag siya kanina pero tulog ka. She'll come later." Nag-text din siya kanina at tinanong kung kumusta na ang pakiramdam ni Shin. Didiretso pa sana siya rito kaso sinabihan ko na puntahan na lang kami after ng meeting niya.

"Why later pa?"

"Because may pinuntahan pa siya saglit. We're supposed to go with her but then you got a sick." Pagpapaliwanag ko sa batang yakap ko. Excited pa naman akong makita ang shrimp farm nila.

"I'm sorry, Mommy. I got sick because I didn't listen to you and still play under the rain with Uno and Dos. I'm sorry because I got you worried." Sumiksik na rin siya sa akin at halatang nagpapa-baby.

"Okay po pero dapat hindi ka na maglalaro sa ulan kasi nagkakasakit ka."

"Opo. I won't play under the rain anymore, it's ouchy."

_________

Lunch na pero wala pa si Justine. Kaninang tumawag ako sa kanya ay cannot be reached na rin siya. Nagsabi siya na mga lunch ang dating niya kaya inaasahan ko ang pagdating niya. Maya-maya ay biglang tumunog ang doorbell namin kaya agad dali-daling tumayo si Shin.

"It's Jay-jay!" Sigaw ng anak ko sabay takbo palabas.

Paglabas niya ay sumunod na ako sa kanya pero biglang nawala ang ngiti ko pagkakitang hindi Justine ang kausap niya.

"Shin! Go inside muna baby."

"Mommy, he's looking for you po."

"Shin, please listen and just go inside." Muli kong utos at mabuti na lang sumunod na siya.

"Anong ginagawa mo rito? My goodness! Nakuha mo pa talagang pumunta sa pamamahay ko." May diin na turan ko sa taong kaharap ko ngayon.

"Please, bigyan mo pa ako ng second chance para patunayan ang sarili ko. Kailangan niya ng ama at huwag mo naman 'yon ipagkait sa kanya, huwag mo naman ipagkait sa kanya ang pagkakaroon ng buong pamilya." Sobrang bobo na pahayag niya na halos gusto ko nang humagalpak sa tawa.

ChancesWhere stories live. Discover now