11

420 25 0
                                    

SAMANTHA

Kakatapos lang namin kumain ngayon at mukhang inaantok na itong anak ko. Tungkol naman sa food na hinanda ni Justine ay thumbs up para sa akin. Nagulat ako sa chicken wings dahil spicy flavor. Sinabi niya naman na nilagyan ng konting anghang dahil tinanong niya kay Shin kung gusto ko.  Mukhang madami nang nai-chika ang anak ko sa kanya tungkol sa akin. Ang daldal nila pareho habang kumakain kami kanina.

Nagulat talaga ako kanina nang makita ko siya sa labas ng gate namin. Nakita ko na lang na nag-bike pala siya papunta rito kaya naman pala pawis na pawis. Nag-offer ako ng shirt pero may baon naman daw siya.

Nagtataka lang ako kasi until now hindi siya nagtatanong kung bakit walang tatay ang anak ko. Alam kong nakita na niya ang mga pictures na nakasabit sa walls namin at wala ni isang pagmumukha ng taong 'yon.

Matapos kong makapaghugas ng pinagkainan ay nakita kong tulog na ang anak ko sa ginawa nilang fort. Si Justine naman nanonood lang sa TV pero naka-mute naman.

"Hindi mo naman kailangan i-mute 'yang TV. Heavy sleeper si Shin kaya hindi 'yan magigising." Sinunod niya naman ang sinabi ko tapos naupo na rin ako sa single couch para makanood.

"Do you also like Ghibli movies?" Tanong ko kasi tutok na tukok siya panood ngayon. Howl's Moving Castle kasi ang palabas.

"Oo pero hindi lahat. May ilang animated movies din akong gusto. Ikaw ba?"

"Gusto ko rin pero iilan pa lang ang napanood ko. Naiyak nga ako sa Grave of the Fireflies nila, jusko. Limited ang mga napapanood kong anime movies kasi mostly kung ano 'yung pinapanood ni Shin 'yun na rin ang napapanood ko." Kabisado ko na rin 'yung ibang theme song ng pinapanood niya.

"Yeah. Creative ang mga Japanese at makikita mo 'yung culture nila sa kanilang ginagawang palabas kahit anime pa 'yan. Pati 'yung pinagdaanan nila noong WW2 karaniwan makikita sa mga palabas. Hanga rin ako sa disiplina nila noong pumunta ako sa bansa nila."

"Agree. Nakapunta na rin ako ng Japan." Maganda talaga ang bansa nila at organized pa sila. Ang saya mag-shopping doon at mag-grocery. Doon nga nabuo ang anak ko kaya pinangalanan kong Hanako. Nevermind about the father.

Mukhang hindi naman niya narinig ang sinabi ko dahil busy siya sa pagkalkal sa kanyang bag.

"Ito nga pala, late birthday gift ko. Happy birthday." Inabot niya sa akin ang isang rectangular box at akmang tatanggihan ko sana sana siya na ang naglagay sa kamay ko.

"Salamat pero hindi mo naman kailangan magbigay ng regalo." Lalo pa na hindi naman kami gaanong close.

"Hindi naman talaga pero minsan lang sa isang taon tayo nagdiriwang ng kaarawan kaya deserve natin ng gift kapag birthday. Pwede mo na 'yang buksan para kapag hindi mo nagustuhan ibalik mo sa akin tapos papapalitan ko."

"Okay, pero mamaya ko na 'to bubuksan. Mukhang mamahalin pa naman." Tatak pa lang ng box halatang mamahalin na eh.

"Medyo lang pero cute kasi siya sa paningin ko kaya kinuha ko na. Actually that's a pair, one for you and one for Shin." Dahil sa sinabi ay na-tempt akong buksan ang binigay niya.

Wala na rin kaming topic kaya itinuon ko na lang din ang atensyon ko sa TV pero napanood ko na itong palabas kaya minsan ay napupunta lang ang mga mata ko sa kanya. Pati ba naman sa panonood masyadong seryoso ang mukha niya. Dumako pa ang paningin ko sa mga paa niya at talaga namang nakakainggit ang mga galamay niya sa paa, mukhang nananampal ng sahig. Malinis din ang mga kuko niya sa paa at wala naman akong nakitang peklat sa mga binti niya kaya flawless din.

________

Alas-tres na nang magising si Shin at laking tuwa niya dahil nandito pa rin si Justine. Muntik pa siyang umiyak pero agad naman niyang nakita si Justine na palabas mula sa banyo kaya dali-dali na siyang nagpakarga.





ChancesWhere stories live. Discover now