48

404 20 0
                                    

JUSTINE

"Dada!" Napabalikwas ako mula sa mahimbing kong tulog dahil sa sigaw ni Shin.

"Dada! Wake up! They pooped."

"Gising na ako. Pakikuha 'yung mga diapers nila at wipes na rin." Utos ko at mabilis naman siyang kumilos.

"Kayong dalawa talaga kailangan pati sa pag-poopoo ay gusto niyong sabay pa kayo. Tawa-tawa pa kayong dalawa, lalo na ikaw Haru." Tumatawa lang dalawang paslit at parang tuwang-tuwa sa pinaggagagawa nila.

Matapos ko silang malinisan ay nilapag ko ulit sa silang dalawa sa kanilang playground at nakikipaglaro laro sila sa ate nila habang ako naman ay nagluluto ng hapunan.

Ang bilis ng panahon. Kailan lang ay naglilihi pa lang si Samantha tapos ngayon ay may kambal na kami at 9 months na sila. Grabe ang pinagdaan ni Samantha at ng dalawang ito kasi hindi nila naabot ang 9 months. Premature babies sila dahil 7 months pa lamang ay lumabas na sila. Halos isang buwan sila sa ospital noon at nakalagay sila sa NICU dahil sa ilang complications. Nalungkot si Samantha dahil pakiramdam nanaman niya ay kasalanan niya kung bakit maagang lumabas 'yung dalawa pero pinaintindi naman ng doctor na wala siyang kasalanan at nangyayari naman talaga ang mga gano'ng bagay. Normal naman ang panganganak ni Samantha at muntik na talaga akong himatayin habang pinapanood ko siya. Iba 'yung hirap niya sa labor na 12 hours din yon at mas grabe ang hirap niya sa noong umiire na siya. Matapos ang ilang test at obserbasyon sa mga bata ay pinayagan na silang makauwi at sobrang saya namin nang maiuwi na namin silang dalawa.

Doble-dobleng ingat at pag-aalaga ang inilalaan ni Samantha sa kambal at ayaw na ayaw niyang mahiwalay sa kanila. Maging si Shin ay uwi agad pagkatapos ng school hours para lang mabantayan ang kanyang mga kapatid. Si Haru ay babae at Shiro naman ay lalake. Pareho silang bungisngis at nakakagigil ang kanilang mga pisngi na parang siopao.
Ang chubby nila at 'yung mga kamay at paa nila ay parang longganisa na ngayon. Mahilig si Shiro sa mga aso at si Haru naman ay tuwang-tuwa sa mga baka at kambing na nasa farm.

"Love."

"Gising ka na pala. Gutom ka na ba? Mabilis na lang itong niluluto ko kaya upo na muna d'yan." Wika ko sa bagong gising kong asawa at bitbit niya ngayon si Shiro na dumedede sa kanya.

Nauna silang kumain dahil ako muna magbabantay sa mga bata na ang kukulit dahil gusto laging binubuhat at hinehele. Dalawa lang naman ang kamay ko kaya salitan sila at tuwang-tuwa talaga sila na pinapahirapan ako. Ayos lang naman dahil gusto kong binubuhat sila.

"Oh! Sampung segundo lang akong tumigil sa paghelo sayo tapos ganyan na ang itsura mo. Ito na, ihehele ka na mahal na prinsesa." Bumalik ang tuwa sa mukha ni Haru nang maramdaman niya ang paghele ko sa kanya.

"Ayaw ng mommy at ate Shin niyo na tinatawag ko silang sunshine kaya ikaw, kayong dalawa na lang ni kuya Shiro mo ang sunshine ko. You are my sunshine, my only sunshine. You make happy when skies are gray. Dapat behave kayong dalawa kay mommy." Para akong ewan na nakikipag-usap sa kanila pero mukhang naiintindihan naman nila ang sinasabi ko.

"Love, kain ka na. Ibaba mo na muna si Haru."

"Play ka lang muna anak with your kuya and ate kasi kakain lang ako saglit." Nang maibaba ko siya ay panay ang gapang niya patungo sa kambal niyang busy sa kanyang laruan.

"Take you time, love. Hindi naman kami aalis dito."

"Baka lang kasi ma-miss nila ako pero sige I'll take my time kasi masarap 'yung niluto kong ulam."

___________

"Tulog na sila agad? Ilang minuto lang akong nag-shower tapos napatulog mo na sila." Saad ng asawa ko na kakalabas lang mula sa banyo.

ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon