21

415 31 0
                                    

SAMANTHA

Matapos ang agenda ko kay Amari ay nandito na ulit ako sa restaurant tapos napapansin ko na kanina pa nakangiti itong mga crew ko. They're so weird.

"Okay, what the hell is happening? Tapos na kaya ang Valentine's Day kaya bakit nag-uumapaw ata ang kasiyahan niyo?" Tanong ko sa manager na mukhang kinikilig-kilig pa.

"Masama po bang kiligin kahit walang dahilan? Ikaw Ma'am ah, kaya pala blooming ka nitong mga nagdaang linggo kasi may manliligaw ka." Kahit kailan etchosera talaga sila. Itong mga crew ko iba-ibang age sila pero lahat sila usisero minsan lalo na itong si James na siyang manager, isa siyang bisexual at siya ang nangunguna sa mga showbiz chismis at trends.

"Ano ngang meron saka paano niyo nalaman 'yan?" Naisipan ko munang makipag-chismisan sa kanila total ay wala gaanong tao ngayon dahil alas tres pa lang.

"Ay si Ma'am parang ewan. Nasa table 21 na po 'yung manliligaw mo, isang oras na siya d'yan. Sabi ko na nga ba may something kayo ni Justine." Pagkasabi pa lamang ni James sa pangalan ay napatingin agad ako kung saan ang table 21 at nandoon nga si Justine. Nakuha pa niyang kumindat sa pagtingin ko sa pwesto niya. Hindi ko na tinapos pakinggan ang sinasabi ni James at pumunta agad kung saan nakaupo itong mokong.

"What the hell? Sabi mo bukas pa ang balik niyo tapos ngayon nandito ka na." Pabulong lang din ang sinabi ko dahil may mga kumakain sa mga katabing table.

"Alam kong masyadong korni pero balak ko talagang i-surprise ka ngayon. Nagpaiwan 'yung ibang friends ko sa Japan tapos nauna na lang ako dahil nakausap ko naman na si Mr. Takeshi." Pagpapaliwanag niya saka pinaghila ako ng upuan.

"Pumayag siyang mag-invest?" Well, sinabi niya sa akin na kaya sila pupuntang Japan ay para mag-get together at isa pang purpose ay para kausapin ang isang investor.

"Yep. Next month bibisita sila rito saka namin pag-uusapan ang mga plano. Anyway, are you busy?"

"Hindi naman, let's have a date?" Duh, girls can ask for a date too.

"Sure, isama natin si Shin dahil baka magtampo pa 'yon. Gawin mo na ang kailangan mong gawin tapos hintayin na lang kitang matapos para masundo natin siya."

"I'm not doing anything nga. Doon na lang tayo sa office, you can bring your foods there."

Nauna na akong naglakad pero naramdaman kong hindi siya sumunod sa akin kaya nilingon ko siya at nakaupo pa rin talaga siya.

"Hintayin na lang kita rito. Baka isipin ng mga kasama mo may ginagawa tayong milagro sa office mo kapag dalawa lang tayo." Mahinang sabi niya.

"Nah, bahala na sila kung anong iisipin nila. Halika na nga." Hesitant pa siya kaya hinila ko na lang siya patayo at hinintay na bitbitin ang mga pagkain niya.

Pagdating sa office ay hinayaan ko muna siyang kumain at chineck ko ang mga dapat i-check sa aking laptop. So far maganda pa rin naman ang lagay nitong restaurant at tumataas ang kita monthly. Thankful ako sa mga kasama ko dahil nagshe-share sila ng strategies at idea na patok naman sa mga customer. Kinailangan ko na rin na kumuha ng isang part timer para maging admin sa IG at FB account ng restaurant. Siya ang nagbabasa sa mga comments and suggestions doon. Pinapaalam din niya sa akin kung may mga message galing sa ilang celebrity na gustong makipag-ex-deal.

"Do you have some bond paper and pencil?"

"Meron, bakit?" Turo ko kung saan ang mga drawing materials ng anak ko saka kumuha siya isang bond paper at lapis.

"Stay still, I'll draw you. You can still do what you're doing just don't look at me." Hayag niya bago nagsimula sa pagguhit sa akin.

Sinunod ko ang sinabi niyang huwag tumingin sa pwesto niya at nanood na lang ng video sa YouTube. Matapos ang dalawampung minuto na panonood ay nilapag na niya ang kanyang drawing.

ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon