10

406 27 0
                                    

JUSTINE

Nagkaroon kami ng camping at kasama ko sina Joy. Walang signal doon kaya naman hindi ako nakatawag kay Shin. Pagkauwi ay tumawag ako kay Samantha kaso ayaw daw ako kausap ng anak niya kasi nagtatampo. S'ympre magtatampo talaga 'yon kasi sinabi kong tatawag ako pero hindi naman pala. Mahalaga pa naman doon sa bata ang mga pangako. Napag-alaman kong birthday pa pala ni Samantha noong June 12 at hindi ko man lang siya nabati.

"Saan ka pupunta?" Tanong ng kapatid kong si Jaime nang makita ako.

Sabado ngayon at may NSTP pa siya kaya maaga rin nagising. Actually nandito na ako kahapon pa dahil may inasikaso ako at nakipagkita na rin ako kay Amari at Jasper.

"May susuyuin lang."

"Manunuyo ka na naka-bike attire? Bakit hindi mo gamitin itong motor mo o kaya ikaw muna gumamit dito sa kotse. Mate-turn off 'yung nililigawan mo kapag ganyan." Itong kapatid ko masyadong patawa. Susuyuin lang sabi ko tapos nag-assume na siya na manliligaw ako.

"Hindi ako manliligaw. Nagtatampo 'yung bata na kinukwento ko sa'yo kaya pupunta ko siya ngayon. Malapit lang sila rito, mga isang oras na padyak. Ayaw kong magdrive dahil traffic." Hiningi ko pa 'yung address nila kay Amari kaya inasar-asar niya tuloy ako.

"Oowkey. Ano naman ang laman ng bag mo?" Usisa niya ulit.

"Shirt, wallet and phone." Hindi ko na binanggit 'yung regalo ko kay Samantha. Nakita ko lang ito kahapon sa mall kaya binili ko na bilang birthday gift.

"Sige, ingat ka. Bili ka ng bulaklak para sa nanay." Pahabol na sabi niya bago pumasok sa kotse.

"Dami mong alam. Sige na, alis na ako."

______

Nang makarating sa kanilang gate ay agad kong pinarada sa gilid ang bike ko saka pinindot ang doorbell. Maganda ang exterior ng bahay nila at masasabi kong malaki ito kung dalawa lang naman silang nakatira.

Bumungad sa akin ang isang Samantha na nakasuot ng robe at basa pa ang buhok.

"Hi." Sambit ko saka nagtanggal ng head gear at mask dahil hindi niya ata nakilala.

"Oh my! Anong ginagawa mo rito at paano mo nalaman ang address namin? Halika, pasok ka. I-park mo na lang 'yang bike mo sa loob." Napangiti pa ako dahil halatang medyo taranta siya sa biglaang pagbisita ko.

Naabutan ko sa sala ang natutulog na bata yakap pa niya ang bigay kong laruan.

"Dito ka muna, magbibihis lang ako saglit." Tumango naman ako at inikot ng paningin ko ang buong kabuuan ng bahay.

Maraming picture frames ang nakasabit at karamihan mukha ni Shin. Minimalist ang style nitong bahay nila dahil maluwang ang sala at wala silang masyadong furniture. Siguro dahil alam ni Samantha na malikot itong anak niya at ayaw niyang maaksidente sa loob mismo ng bahay. Tinitigan ko ang bawat picture na nakasabit at agaw pansin 'yung picture ni Samantha bitbit ang sanggol tapos may dalawang babae sa gilid, si Amari 'yung isa. Kuha ito noong bagong panganak pa lang si Samantha dahil halata naman sa picture.

"Kumain ka na ba? Gusto mo ba ng kape, tubig, o juice?"

"Water na lang." Sagot ko saka sinundan siya sa may kusina nila.

"Pasensya na kung biglaan ang punta ko. Tungkol sa address niyo, nakuha ko kay Amari kahapon. Susuyuin ko lang sana 'yung anak mo na hanggang ngayon ay nagtatampo pa rin."

"Hmmm. Nagtatampo pero panay tanong sa akin kung tumawag ka na." Natatawang turan niya habang naghahanap ng kung ano sa ref nila.

"Ako na lang magluluto para inyo." Offer ko kaya humarap ulit siya sa gawi ko.

ChancesWhere stories live. Discover now