19

367 24 1
                                    

SAMANTHA

Matapos ang muling pagkikita namin ng hayop na 'yon ay gumulo nanaman ang buhay ko. Lahat ng mga kawalanghiyaan na ginawa niya ay bumalik sa akin. Mabuti na lang agad na dumating si Amari pagkaalis ni Justine. As usual nanggagalaiti siya matapos ang kwento ko pero alam kong mas malala ang magiging reaksyon ni Dian at Jasper.

Days after ay hindi na rin tumatawag si Justine kasi nagmessage ako na medyo busy ako. Busy naman talaga ako dahil umaaligid 'yung Marco na 'yon sa resto at nagbabalak na kausapin ako. Sobrang kapal ng mukha sa totoo lang. Ang daming nagbago sa kanya, mula mukha na noon ay alagang-alaga niya pero ngayon ay napabayaan na lang at 'yung katawan na pinagmamayabang niya noon ay naging isang malaking t'yan na lang. Wala akong pakialam kung nakakarma siya ngayon pero deserve naman niya.

Kahapon ay nasa restaurant kaming tatlo at unexpectedly ay nandoon din si Justine kasama ang kapatid niya. Ni hindi man lang niya ako pinansin at pakiramdam ko umiwas pa siya. I feel so guilty. Maganda na sana ang araw ko kaso muli nanamang nagpakita si Marco. Galit na galit tuloy si Dian pagkakita pa lang sa kanya. Habang tumatalak naman siya ay nakita ko si Justine pero maya-maya ay pumasok na rin sa kotse. Inawat ko na lang din si Dian dahil baka masuntok pa siya. Wala naman kasing sinasanto 'yung ulupong na 'yon at kayang-kaya niyang manakit ng tao mapa-babae man 'yan o ano.




_________

Plano ko talagang huwag munang pumunta sa restaurant ngayon dahil kakausapin ko si Justine. Thankfully, nagsabi siyang pupunta pero lunch time kaya naman nagluto ako. Na-disappoint lang ako dahil pagdating niya ay kumain na pala siya. Mga paboritong ulam pa naman niya ang niluto ko tapos ako lang din naman pala ang kakain.




"He's Marco, the sperm donor. Kasama ko lang siyang gumawa pero hindi naman siya naging tatay ng anak ko. Hindi niya deserve na matawag na tatay, tangina niya." Totoo naman talaga na hindi niya deserve maging tatay.

Tahimik lang si Justine habang nagsasalita ako na parang pinapahiwatig niyang nakikinig lang siya.

"Nagkakilala kami sa isang birthday party. Friend niya 'yung isang katrabaho ko noon. Ayon, nagkapalagayan ng loob hanggang sa naging magkarelasyon. Lumipat siya sa unit ko at noong time na 'yon ay naghahanap pa lang siya ng trabaho. Masasabing okay naman 'yung unang taon hanggang sa napapansin kong puro ako na lang. Ako ang gumagawa ng mga gawaing bahay, nagbabayad ng bills, bumibili ng mga gamit niya at minsan nagsustento sa mga kapatid niya. Actually, sina Dian ang nakapansin tapos na-realize ko rin naman pero late na. Kinausap ko naman siya about sa issue na 'yon pero lagi niyang sinasabi na ang selfish ko kesyo parang pera lang pinagdadamot ko pa. Noong mga panahong 'yon hindi ko nga ma-treat ang sarili ko ng bagong damit dahil ang dami kong bayarin plus 'yung sa mga kapatid niya pa. After ilang usap  naging maayos naman kami, nagpunta pa nga kami sa Japan dahil dream place niya raw 'yon at gusto ko rin namang pumunta kaya pinag-ipunan ko. Natural may nangyaring lambingan doon pero gumagamit naman siya lagi ng condom kaso that time ay may pinlano pa siya. I don't know pero I'm sure na binutas niya 'yung condom. Paano ko nalaman? S'ympre hindi na ako dinatnan kaya nag-PT ako, tatlong subok at lahat positive. Another confrontation nanaman at inamin naman niya kaya galit na galit ako that time. Wala na nga siyang ambag sa bahay tapos hindi man lang siya nag-isip, hindi kami ready para bumuhay ng isang baby—hindi ako financially at mentally ready." Naiiyak nanaman ako habang nagkukwento at 'yung halatang concern si Justine habang nakikinig.

"Hindi pa 'yon ang pinakamalalang ginawa niya. The moment na sinabi kong buntis ako ay sinabi niyang hindi sa kanya 'yong batang dinadala ko tapos kung anu-anong pambibintang ang sinasabi niya na may iba akong lalake whatsoever. I'm so done with his bullshit kaya pinalayas ko siya. Umalis naman siya pero kinabukasan may tanggap akong video mula kina Amari. Sex scandal tapos mukha ko ang  nandoon. Tangina niya, may sinet-up siyang camera noong nasa Japan kami. Sinend niya 'yon sa mga kaibigan niya at pati sa parents ko. Gusto ko na lang mamatay noong araw na 'yon. Hindi ko alam ang gagawin kaya nagwala ako sa unit. Lahat ng pwedeng mabasag ay binasag ko pati 'yung cellphone ko. Ilang oras din 'yung iyak ko tapos namalayan ko na lang na nakatulog pala ako tapos paggising ko kasama ko na si Dian. Sinabi kong iuwi ako sa bahay." Hindi ko na ikukwento kung anong nangyari pag-uwi ko kina Mommy kasi umiyak lang naman ako noon sa kanila hanggang sa nagdesisyon akong pumunta sa ibang bansa. Actually may gagawin sana si Dad sa taong 'yon kaso sinabi kong hayaan na lang muna. Inipon ko na lang 'yung mga ebidensya para kung sakaling kakailanganin ay handa ako.

ChancesWhere stories live. Discover now