27

385 23 1
                                    


SAMANTHA

After that dinner I became more intimate with Justine. Not that intimate but we hold hands and I would sometimes give her a kiss on her cheek. I'm not being needy, I'm just becoming clingy.

"Kaya mo pa?" Tanong ni Justine pero nang-aasar naman 'yung ngiti na ipinupukol niya sa akin.

"Stop muna tayo, pagod na ako." Hingal na hingal na turan ko.

"Ang bilis mo naman mapagod. 15 minutes pa lang tayong naglalakad tapos rest ka na agad."

"Mabilis akong mapagod sa kapag ganitong activity pero tumatagal naman ako kapag ibang activity na ang usapan." Tinignan ko siya sabay tinaasan ng dalawang kilay.

"Okaaaay. Kunwari wala akong narinig, my goodness, my not so innocent mind." Umiling-iling pa siya tapos muling naglakad.

Ngayon kasi ang camping namin at nauna na 'yung mga kasama namin. Si Jasper ang nagbuhat sa anak ko kaya puro gamit ang bitbit namin ngayon—bitbit pa ni Justine.

"Bilisan mo maglakad, balita ko may mga ligaw na ahas minsan dito." Muling sabi niya nang makitang nakaupo pa rin ako. Agad rin naman akong kumilos pagkarinig sa sinabi niya.

"Huwag mo nga akong tinatakot."

"Hindi kita tinatakot. Nagsasabi lang po ako ng totoo. Takot ka ba sa mga ahas?"

"Malamang. Fascinating sila panoorin sa TV pero baka magtatatalon ako sa gulat kapag nakakita ako ng ahas dito. They're interesting creature at the same time dangerous." Ewan ko sa anak ko dahil para sa kanya cute ang mga ahas. Kailan pa naging cute ang mga ahas at saan banda sila cute? Ang weird talaga kapag bata.

"Just like you, fascinating and interesting, sometimes dangerous."

"You're basically telling me I'm a snake." Inirapan ko pa siya dahil sa sinabi niya. I'm a sensitive woman, duh.

"Of course not. Snakes have long body, you don't have that. Iksi-iski kaya ng biyas mo." Grabe, masyado na talaga akong binu-bully ng isang 'to.

"Edi ikaw na may mahabang biyas. Justine, the ultimate height bully."

"You're cute but we both know it's not true." Nagawa pa niyang tumanggi, totoo naman na height bully siya. Height doesn't matter kaya sa kama.

"Bully ka naman talaga sabi ng Mama mo. Nananapak ka pa nga ng kaklase mo noon, siga ka eh." Maraming nakwento si Tita noong pumunta kami sa bahay nila at mostly tungkol kay Justine.

"Sobrang bastos kasi ng kaklase naming 'yon. Highschool na kami tapos nagtataas siya ng palda ng mga kaklase naming babae. Tuwang-tuwa pa siya sa ginagawa niya kahit sinisita na siya. Marami kaya kaming nanapak sa kanya noon at deserve niya 'yon dahil ang bastos niya."

"Nagka-crush ka na ba noon sa isang teacher niyo? Ako kasi oo. Noong high school kami may naging teacher kami na pogi. He's super pogi talaga tapos talented pa kasi dancer siya kaya ang dami namin nagka-crush sa kanya." Nalaman na lang naman na hinuli siya ng pulis dahil rapist pala siya. Binibiktima niya ay mga students at mabuti na lang walang naging biktima sa school namin dahil nabisto siya agad.

"Hindi namin siya naging teacher pero crush ko siya. UCLA days pa 'yon at first year ako noon tapos madalas akong tumambay sa library at lagi ko siyang nakikita kapag nandoon ako. Turned out na she has a wife pala at may baby na rin siya that time. 'Yung wife niya ay naging boss ko noong nagta-trabaho ako as part-time crew. Naging friend ko na rin 'yung asawa niya kasi Asian din siya at until now nagkukumustahan kami. Tatlo na ang anak nila ngayon."

"Ang galing naman. You have a lot of friends." Sa lahat na lang ata ng pupuntahan niya ay may magiging kaibigan siya.

"Hindi naman masyado, sakto lang. Pansin ko wala ka masyadong kaibigan."

ChancesWhere stories live. Discover now