43

366 23 0
                                    

SAMANTHA

Wala si Justine ngayon kaya kami lang ni Shin kasama si Hachiko na kanina pa lakad nang lakad habang nanonood kami. Sabado bukas kaya pinayagan ko si Shin na mag-movie marathon kami.

"Hachi, come here. What's wrong hmmm?" Turan ko pero sumiksik lang siya sa akin.

Usually ay tahimik lang siya kapag nanonood kami pero ngayon ay para bang hindi siya mapakali. Kumakawag-kawag pa 'yung buntot niya.

"Maybe he's hungry pa, mommy." Turan naman ng anak ko dahil mukhang bothered na rin siya sa kinikilos ni Hachi.

"I don't think so, baby. Look, may laman pa 'yung bowl niya at mukhang hindi man lang niya ito nagalaw." Turo ko sa kainan ni Hachi na mukhang hindi naman niya nabawasan.

"Is he sick or something?" Ngayon naman ay lumipat ng pwesto si Hachi at kay Shin na siya sumiksik.

"I don't know, he seems fine. Let's just bring him to the vet tomorrow." Mukha naman siyang maayos pero dapat makasigurado ako dahil malulungkot ako kapag may nangyaring hindi maganda sa kanya.

Habang busy si Shin sa panonood ay sinubukan ko namang i-text si Justine at himala dahil ang bilis niyang nag-reply. Madalas kasi ay aabutin pa 'yon ng ilang minuto at minsan ilang oras tapos tatawag na lang siya. Mas gusto niya rin ang video call para makita niya ang mukha ko.

Na-appreciate ko 'yung pag-stay niya rito sa bahay para lang samahan ako at isinasama niya rin ako sa mga lakad niya nitong mga nakaraang araw. Nag-enjoy naman ako sa pagsama sa kanya dahil ang dami kong natunan tungkol sa pagpapatakbo sa farm. Ang mamahal pala ng mga farm animals at strict din pala ang business na gano'n. Tinanong ko bakit farm at agriculture ang pinasok niyang business at sagot niya lang ay dahil magandang investment daw at nag-e-enjoy siya sa kung ano ang ginagawa niya. She's really passionate on whatever she's doing and that's another thing to admire about her, she's passionate about the things she do.

_________

"Holy...! Anong ginagawa mo rito at paano ka nakapasok?!" Nagpa-panic at halong kaba na turan ko kay Andrew na kaupo sa sofa.

Alas-onse na at galing ako sa kwarto ni Shin dahil sinamahan ko siya hanggang makatulog at bumaba lang ako dahil may narinig akong kung anong nabasag at akala ko kagagawan ni Hachiko.

"Omaygad! Anong ginawa mo kay Hachiko?!!" Galit na tanong ko dahil kita ko na nakabulagta na si Hachi sa sahig at may dugo pa. Gusto ko siyang lapitan pero natatakot ako.

"Calm down, Sam. Pinatulog ko lang siya at huwag na rin subukang sumigaw." Bigla akong nanginig nang ipakita niya ang hawak niyang baril. Mas lalong nadagdagan ang kaba ko dahil sa pinakita niyang baril at hindi ko alam kung ano ba ang gagawin ko.

"What do you need, Andrew?" Kalmadong tanong ko saka tuluyang bumaba mula sa hagdanan.

"Ikaw lang naman, Sam. Hindi ko alam kung ano ang nakita mo sa taong 'yon at pinatulan mo siya. Pumapatol ka na pala sa mga tibo ngayon. Ang dami-daming lalake pero sa isang tomboy ka lang mapupunta. May itsura nga siya pero wala naman siyang maibibigay na anak sa'yo. My goodness, you can be with someone better." Litanya niya at sa pagkakataong ito ay gusto ko siyang pagsasampalin dahil sa pang-iinsulto niya kay Justine at sa akin.

Ang layo nilang dalawa. Mas malayong lamang talaga si Justine sa kanya sa looks man 'yan o sa ugali. Kung sa pera lang din ay hindi naman sila nagkakalayo pero ang kapal pa rin ng mukha ng isang ito na insultuhin si Justine sa harap ko pa mismo. Gaya lang siya ng nakakarami na masyadong mataas ang tingin sa sarili.

"Umuwi ka na, please lang." Malumanay na wika ko pero hindi siya nakinig at lumapit pa sa akin.

Amoy na amoy ko ang alak sa kanya pero palaisipan pa rin sa akin kung paano siya nakapasok.

ChancesWhere stories live. Discover now