31

411 21 4
                                    

JUSTINE

Months passed and it's Christmas again. It's not really Christmas but it's December and I'm looking forward to it. The major good news is, Samantha just made us official last month so we're in a relationship now.

It happened unexpectedly because we were just hanging out in their house and then she said her statement—that she's saying yes to me. I'm happy that we're finally in a relationship. We eventually celebrated that night and Shin is also happy for us.

Bukas ay 6th birthday ni Shin kaya naman ngayon ang flight namin papuntang Japan para i-celebrate ang birthday niya. Tinanong nila kung gusto kong sumama sa family bonding nila at agad akong pumayag. Si Samantha ang nag-plano ng trip at kung ano ang mga gagawin namin tapos tinanong niya rin ako kung saan ang mga magagandang destination doon. Ako na rin pala ang nag-book sa hotel na tutuluyan namin. Excited ako kasi ito ang unang out of the country namin.

"I'm so excited." Turan ng katabi ko na parang koala kung makakapit sa braso ko.

"Kahapon mo pa po 'yan sinasabi. Mas excited ka pa kay Shin. Matulog ka na muna para naman makapagpahinga ka." Sabi ko saka siya ginawaran ng halik sa ulo kahit nasa katabing upuan lang namin ang parents niya. Mabuti na lang tulog na itong si Shin na kanina lang ay ang kulit-kulit. Na-miss niya kasing sumakay sa eroplano kaya ang hyper niya kanina.

"KJ mo. Matutulog na ako, bantayan mo kami." Natawa na lang ako sa tinuran niya saka umiling. Madalas siyang clingy kaya pinagbibigyan ko na lang din tutal ay cute naman siya.

Nakatulog na rin siya matapos ang ilang minuto habang ako naman ay dilat na dilat pa. Hindi kasi talaga ako sanay matulog kapag biyahe na lalo na at ilang oras lang naman ang biyahe. 4-5 hours lang ang travel time kaya hindi na ako matutulog plus hindi ako sanay na natutulog nang nakaupo tapos dinadaanan ng mga flight attendant at iba pang pasahero.

____________

Exactly 4 o'clock ay nakarating na kami sa tutuluyan naming hotel. Isang hapon na nakapangasawa ng pinay ang may-ari nito kaya may mga workers sila na mga pinoy. Pinili ko talaga ito para hindi na mahirapan itong mga kasama ko sa pakikipag-communicate dahil nga hindi sila marunong magsalita ng lenggwahe nila rito. Nakakapagsalita at nakakaintindi naman ako ng salita nila kaya walang kaso sa akin. Gising na gising na rin ang mag-ina at mukhang nagkakasundo na agad sila sa mga gusto nilang gawin.

"Dalawang room na lang sana ang kinuha mo. Pwedeng-pwede naman tayong tatlo na magkakasama sa isang room. Sayang lang ang pera mo." Pahayag ni Samantha nang malamang iba ang kwarto ko sa kanila.

"Mommy is right, Jay-jay. Dapat here ka na lang sa amin para we can sleep together." Pagsang-ayon naman ni Shin na nagtatatalon na sa kama.

Hindi na lang ako nagsalita at tinulungan si Samantha sa pag-aayos ng kanilang gamit. Alam niya naman ang rason kung bakit tatlong kwarto ang kinuha ko. Unang-una ay para may privacy sila. Pangalawa pagbibigay respeto sa parents niya, ayokong isipin nila na masyado kaming sabik sa isa't-isa. Panghuli ay masyado siyang clingy kaya para maiwasan ang tukso ay hindi ako tumatabi sa kanya sa pagtulog. Never pa naman din kaming nagtabi kahit lagi niyang sinasabi na sa kanila ako matulog. Minsan tinawag niya pa akong prude dahil lang doon.

"Magpahinga ka muna tapos mamaya na tayo mag-dinner. Punta lang ako sa room ko. Do you want to come, Shin?" Masayang tumango ang bata saka sumakay sa likuran ko. Hindi ko nagawang humalik kay Samantha dahil nandito ang bata. Kahit naman open ang relationship namin sa parents at dito kay Shin ay dapat nilulugar pa rin ang PDA.

"Is mommy mad at you po?" Curious na tanong niya habang nakahiga kaming dalawa sa kama ko. More like nakahiga pala siya sa may tiyan ko.

"Of course not. Are you mad at me?" Siguro medyo naiirita lang 'yon pero mamaya ko na siya kakausapin.

ChancesWhere stories live. Discover now