24

400 23 2
                                    

SAMANTHA

Alas-tres na nang umuwi ang mga bisita pwera kay Justine. Nakipaglaro siya kay Shin at tinuruan din niya ang anak ko kung paano mag-bike. Nang makatulog ang anak ko ay ipinaalam niya ako kina Dad, magde-date raw kami. S'ympre pumayag sila at gusto ko rin naman. Gamit namin ang motor niya at casual date lang din kami ngayon dahil dinala niya ako kung saan may mga nakahilerang street food. Kasabayan namin 'yung mga magjowa na mga hayskul at college students.

Iba ang date namin ngayon, usually tinatanong niya ako kung saan ko gusto o kung ayos lang ba na sa lugar na 'yon ang pupuntahan namin. Hindi naman ako against sa date na ito, masaya nga ako dahil pakiramdam ko bumalik ako noong college days namin. Comfort food ko kaya ang kwek-kwek at kikiam lalo na kapag masarap ang sauce.

"Dahan-dahan lang naman, hindi ka mauubusan." Wika niya nang makita ang laman ng plastic cup ko.

"Shut up. Na-miss kong kumain ng mga ganito kaya hayaan mo na ako." Palibhasa puro kikiam lang ang nasa baso niya at tatlong siomai. Maalaga talaga siya sa katawan at kitang-kita ko naman ang outcome ng pagiging health-conscious niya.

"Okay, okay. Kumain ka lang para may lakas ka mamaya."

"What?!" OA na reaksyon ko dahil iba nanaman ang nasa utak ko pagkarinig ko sa sinabi niya.

"Sabi ko marami tayong gagawin mamaya pagkatapos natin kumain. Hindi natin gagawin kung ano man ang iniisip mo, maghunos-dili ka." Pagklaro niya pero natatawa pa rin siya.

"Baliw, wala akong iniisip." Pagde-deny ko dahil alangan naman na umamin ako. Ako na ang green-minded.

"Kunwari naniniwala ako. Ayos lang ba sa'yo na nandito tayo ngayon?" Tanong niya habang naghahanap kami ng mauupuan.

"Ayos na ayos. Na-miss ko rin kumain ng street foods. Saan nga tayo pupunta pagkatapos natin kumain?"

"Secret."

"Secret-secret, dami mong alam. Ang konti ng kinuha mong pagkain. Share na lang tayo sa calamares na 'to." Offer ko sa isa pang plastic cup na hawak ko. Ako ang nagbayad sa mga kinakain namin ngayon dahil kada labas namin ay lagi siyang nag-i-insist na siya na lang.

"I'm fine. Sa'yo na 'yan at alam kong baka kulang pa nga iyan sa'yo."

Pasalamat talaga itong tao na 'to at malakas siya sa akin kung hindi ay baka nakurot ko na siya dahil pinagtatawanan pa niya ako. Kasalanan ko bang masarap kumain ng street foods?

__________

"You're really unpredictable. Wala akong idea na pupunta tayo ngayon sa isang observatory." Bulalas ko nang makarating kami sa sinasabi niyang secret.

"Gusto kong maiba rin naman. I mean kada labas ay kumakain lang tayo o hindi kaya nasa mall o playground. May meteor shower ngayon kaya naisipan kong dito ka dalhin." Tama naman siya at first ko rin makapunta sa ganitong lugar.

Pansin kong kaunti lang ang kasama natin at siguro sila 'yung mga mahilig sa astronomy. 'Yung iba may dala pang sariling telescope at mga malalaking camera. Perfect timing ngayon dahil maaliwalas ang kalangitan kaya magandang mag-stargazing.

"This is awesome. C'mon, let's take a photo." Tatlong shots lang ang nakuha ko dahil umayaw na siya. Tsk, KJ.

Mamaya 'yung meteor shower pero sumisilip na ako sa telescope. Siya ang nagfo-focus dahil hindi naman ako marunong sa mga ganitong bagay, medyo komplikado ang telescope sa gaya kong first-time makahawak nito. Ibang-iba ang itsura ng mga bituin kapag tinignan ito sa telescope at pati rin 'yung buwan. Kapag gamit lang ang mata ay aakalain mong perpekto ang hugis nito pero kapag sinilip sa instrumentong hawak ko ay makikita na hindi pala siya perfect. Kitang-kita ko ngayon ang mga craters niya.

ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon