44

388 21 0
                                    

JUSTINE

Tonight is the night I'm going to propose to her. I have the ring and the plans are all set but I'm nervous. I was practicing my lines everyday. I know I'm ready but it's hard not to freak out. I'm freaking out and my hands are cold.

"Jay-jay, mommy's looking for you."

Nabaling ang tingin ko sa pagpasok ni Shin. Dalawang taon lang ang nakalipas ay grabe naman din ang tinangkad niya. Kaunti na lang ay maabutan na niya ang mommy niya.

"Okay, let's go?"

"Are you nervous?" Tanong niya kaya naman agad akong tumango.

Nalaman niya ang plano ko dahil nakita niya 'yung singsing na nakalagay sa compartment ng kotse. Hindi na siya nagtanong dahil nagtititili na agad siya pagkakita. Tinignan niya pa ito at pasado naman sa kanya. Mas excited pa nga siya sa akin. May binili rin akong necklace para kay Shin na may kaparehong design sa singsing ng mommy niya na ngayon ay suot-suot na niya. Dapat next month pa ako magpo-propose dahil next destination namin for Christmas holiday ay sa Hawaii pero excited ako kaya ngayon na lang. Nasabi ko na rin sa parents ko at parents niya. 'Si Tita ang nagbigay ng pep talk sa akin at si Tito naman ay cool lang noong sinabi ko na papakasalan ko ang kaisa-isang anak nila.

"Here, I got you some of my gummy bears so you won't feel nervous. Ate Jaime said that I should give you some words of encouragement so I'm doing it now." Inabot niya sa akin ang isang maliit na supot naglalaman ng candies at gummy bears kaya marahan akong natawa.

Sa kakasama niya sa kapatid ko ay nakukuha na niya ang humor nito. Madalas kasi na si Jaime ang bantay kapag lumalabas kami ni Samantha. Kapag isasama namin siya ay tumatanggi siya minsan para naman daw may alone time kami ni Samantha. Hindi naman  din nagrereklamo ang kapatid dahil hindi naman makulit na alagaan so Shin.

Natigilan kami sa pag-uusap dahil parating sa gawi namin si Samantha.

"Ang tagal niyong dalawa, nagugutom na ako. 'Tsaka bakit parang masyado mo namang pinaghandaan ang dinner na ito at ganyan ang ayos mo." Turo niya sa suot kong white polo sleeves na may ternong shorts at paborito kong Birkenstock. Maayos din ang pagkakasuklay ng aking buhok at nag-spray pa ako ng pabango.

Nandito kami sa Boracay para mag-celebrate ng anniversary namin. Last week pa 'yon pero ngayon lang kami nakapunta dahil may klase si Shin. Hindi naman gaanong magarbo ang plinano ko dahil simpleng dinner lang tapos ay tatanungin ko na siya. Gusto ko ay private lang sana at saka na 'yung mga audience kapag wedding day na.

Sa tingin ko ay ito na rin ang pagkakataon para sa mga ganitong bagay dahil tapos na ang kaso laban kay Andrew at nahatulan siyang guilty sa kasong rape at paggamit ng illegal na droga. Pinagbayad din siya ng malaking halaga. Sinubukan pa nilang umapela pero ibinasura lang 'yon ng korte. Traumatic para kay Samantha ang nagyari kaya lumapit kami sa isang psychologist at naka-ilang session din siya. Habang nasa healing process siya ay naging maingat din ako sa galaw ko. The first few months ay medyo sensitive siya kapag nahahawakan ko siya.

"Hindi naman. You look great, by the way." Compliment ko sa kanya at nagkataon pa na parehong kulay ang suot namin dahil naka-white dress siya. She looks good in white dress and I'm sure she'll look good in her wedding dress.

..
.
.
.
.
.
.
.

Pagdating namin sa pina-reserve kong pwesto ay agad siyang tumingin sa akin.

"Did you just rented this place?"

"Uh huh. Gusto ko lang ng tahimik na dinner na may magandang view kasama kayo. I swear, hindi masyadong mahal ang binayad ko rito." Pagdadahilan ko at hindi ko na binanggit 'yung amount kung magkano ang rent na binayaran ko dahil sisimangot lang siya sa akin.

ChancesWhere stories live. Discover now