39

367 26 4
                                    

JUSTINE

Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang sinabi ng Andrew na 'yon. I'm threatened but I'm hoping he wouldn't stoop so low just to get Samantha. Hindi naman kasi empty threat ang sinabi niya dahil kitang-kita naman na may gusto siya sa girlfriend ko.

Mabuti na lang at dumating sina Bruce kanina at nagpalitan kami ng mga sentimyento sa buhay. Nag-aalala siya para kay Dian at sa magiging baby nila dahil kahit gusto niyang pakasalan si Dian ay hindi naman legal dito sa Pinas ang same-sex marriage. Worried din siya kung ilalagay ba siyang father o mother sa birth certificate ng anak niya. Nasabi niyang nasapak pala siya ng daddy ni Dian nang malaman na nabuntis niya ito. Nag-sorry din naman siya pagkatapos at sinabi na sana man lang ay pinakasalan muna niya si Dian bago sila gumawa ng bata.

Iniisip din niya ang tungkol sa pera. Pagdating kasi sa pera ay mas lamang talaga si Dian at mas established na ito kumpara sa kanya kaya balak niyang pasukin ang business dahil may ipon naman siya. Ire-recommend ko na lang siya sa mga kakilala ko na kapareho sa linya ng ginagawa niya para hindi na siya mahirapan mag-adjust kung sakali.

Sinabi ko naman sa kanya ang tungkol kay Andrew. Natatawa raw siya sa mga lalakeng katulad ni Andrew na hindi makatanggap ng pagkatalo at sobrang taas ang tingin sa sarili. Sabi niya sa akin na ang mga babaeng katulad ni Samantha ay hindi madaling pikutin at paikutin kaya kumalma lang ako. Sinabihan niyang dalasan ko na lang ang pagdalaw kina Samantha at Shin dahil baka may masamang gawin ang kumag na 'yon at dapat daw sabihin ko rin kay Samantha itong bumabagabag sa akin.

"Samantha and Shin deserve a normal family and life. I can give them a normal life, you can't. Wala kayong future together ni Samantha."

'Yan ang eksaktong mga salita na sinabi niya pagkatapos ng contest at kaya ako nag-walkout. Ayokong patulan ang sinabi niya at gumawa ng eksena kaya umalis na lang ako at agad umuwi sa bahay para magmuni-muni.

Siguro nga tama siya parteng I can't give them a normal life kasi hindi naman talaga "normal" sa karamihan dito sa bansa kapag nakakakita ng same sex couple at may bata pang kasama. Kanina sa program ay ramdam ko ang ibang tingin ng mga tao sa amin, may ilan na positive ang sinasabi pero 'yung iba kung makatingin parang ewan. Ilang beses na akong nakarinig at nakatanggap ng mga hindi kanais-nais na salita pero hindi ibig sabihin ay nasanay na rin ako. May mga times na gusto ko silang patulan pero sayang lang sa oras at pinakamalupit ay 'yung nasa loob pa kami ng simbahan pero may naririnig akong pasimpleng judgement na kesyo bawal pumasok ang mga gay sa simbahan o kaya pasaring na lalake ay sa babae lamang.

________


Gaya ng sinabi ni Bruce sa akin ay naging madalas ang pagbisita ko kina Samantha. Bakasyon na rin ng mga bata kaya madalas kaming magkasama ni Shin dahil ako minsan ang sumasama at sumusundo sa kanya kapag may training siya ng Taekwondo at may art class siya.
Pagkatapos ko siyang sunduin ay dederetso kami sa restaurant para sunduin naman ang mommy niya.

Ngayon ay  nakatambay kami rito park malapit sa restaurant. Kakatapos lang ng klase niya at nagyaya siyang magmeryenda muna raw kami. Nilibre niya ako dahil binigyan siya ni Samantha ng 50 pesos na pang meryenda niya sana kanina pero hindi naman ginastos.

"Jay-jay, my new teacher thought you're my father and she thinks that you're a man. Sabi niya mana ako sa'yo kasi same tayo na good-looking. I just said thank you and didn't correct her. Please don't be mad." Kwento niya habang nginunguya ang isang fishball at may sauce pa siya sa gilid ng labi.

"I'm not mad but why didn't you correct her?"

"Because I was happy. I'm happy when she said that you're my dad and that I got my looks from you. I'm happy whenever someone says I'm your daughter." Umiiyak na siyang nakayakap sa akin.

ChancesWhere stories live. Discover now