34

354 25 3
                                    


JUSTINE

After our mini vacation with Samantha's family, we're back to our normal routine. Well, not really the normal one because it's Christmas holiday so it's just me hanging out with my family members. I want to celebrate Christmas with Samantha but of course we both have plans together with our family so it's a no for now. I really did enjoy our Japan trip even though she's been teasing me a lot. What a hormonal woman she is.

I'm still thinking about what Shin said to me when we were in the museum. We kinda talk about me marrying her mom and us being a family. I'm glad she likes the idea of me and her mom getting married. It's just that it is still early to talk about marriage but it's not bad to talk about the future. I mean, I wanted a future with them.

"Ang lalim naman ng iniisip mo. Anong meron?" Wika ng kapatid ko at hindi ko napansin ang pagdating niya.

"Wala. What's with you and that Louis?" Bigla na lang siyang nagbaling ng tingin. Mukhang may something talaga.

"I don't know. I don't want to assume she likes me because of those sweet gestures of hers. She would sometimes invite me for lunch and I admit that I like her company. What do you think? Do you think she likes me or she's just being friendly?"

"That's fine if you both like each other but please do not rush things, especially when it come to this kind of matter. Mag focus muna kayong dalawa sa studies niyo." I'm not good when it comes to giving advice and I know she knows what she's doing so I just made my statement short.

Hindi pa kami gaanong nag-uusap ni Louis pero minsan nakikita ko siyang hinahatid ang kapatid ko at madalas pa ata silang magkatawag na dalawa. Ayos lang naman sa akin kung magkagustuhan sila pero as much as possible ay saka na ang ligawan pagka-graduate na lang.

"Wow. Nagbibigay ka na ng advice sa akin, big sister duty."

"I know I'm awesome. I'm the best sister you'll ever had."

"Nah, more like a brother. Anyway, Mama is asking if you're gonna spend the New Year with your mini family." Natawa ako sa term niya na mini family. Mini ba dahil dalawa lang sila o dahil sa height?

"Gustuhin ko man pero baka hindi rin kasi may plano rin sila at ayoko naman kayong iwan dito." S'ympre naisip ko na sa isang bahay na lang kami mag-celebrate kaso walang matitira at mag-alalaga sa mga alaga namin kasi nga nakabakasyon ang mga kasama namin dito sa bahay.

"Ayieee. Mami-miss mo lang kami eh at aminin mo na kasi na gusto mo lang akong maka-bonding."

"Nope. Mas gusto ko pa kayang kasama ang mga aso ko kaysa sa'yo." Sabi ko saka siya binelatan at tumakbo patungo sa sala.

__________

Natapos ang Pasko at Bagong Taon na kasama ko ang pamilya ko. Masaya ako at nakompleto ko ang Simbang Gabi at s'ympre ay nagsabi rin ako ng hiling dahil ayon nga sa sabi nila ay kapag nakompleto mo ang misa ay matutupad ang hiling mo. Updated din ako sa kung anong ganap kay Samantha at Shin. Maging sila ay nakompleto rin nila ang Simbang Gabi.

Tawag at video call lang ang naging komunikasyon namin at masasabing consistent naman ang pag-uusap namin. Madalas nga lang ay gabi kami nag-uusap dahil parehong busy sa umaga.

At ngayon ay nandito ako ngayon sa restaurant nila dahil balak ko siyang sorpresahin. Sinabi ko na mamayang gabi pa kami magkikita pero masyado ko siyang na-miss kaya naisip kong puntahan na lang siya. May dala rin akong bulaklak para sa kanya. I don't really like giving flowers but it's for her so I don't mind.

"Ooooppps! Shocks! I'm so sorry." Turan ko at agad na pinulot ang gamit ng taong nakabanggaan ko.

Nakatingin kasi ako sa cellphone ko habang papasok sa restaurant ni Samantha at mukhang hindi rin nakatingin itong isa. Mabuti na wala siyang dalang kape o ano man at wala naman din sira ang phone niya.

ChancesWhere stories live. Discover now