12

440 26 0
                                    

SAMANTHA

Mula noong bumisita si Justine sa bahay ay pakiramdam ko naging close na rin kami. S'ympre hindi pa personally close pero nagkukumustahan kami bago sila mag-usap ni Shin. Speaking of Shin, nagustuhan niya 'yung necklace pero hindi ko ito pinapasuot kapag papasok siya sa school kasi baka mawala lang niya.

"Mommy! Hurry up, Ninang Dian is here already."

"Good evening beautiful people! Ready na ba kayo?" Bati ng bisita namin.

"Of course and please lower your voice. Anong naman ang trip mo at bakit nakasuot ka ng sunglasses ngayong gabi?" Puna ko dahil bihis na bihis siya tapos magmamaneho lang naman.

"Ngayon lang ako poporma kaya pagbigyan mo na. Ikaw din naman g na g ka sa pa-shorts mo ngayon." Ngayong Biyernes ng gabi kasi kami bibiyahe papunta kina Justine at saktong off nitong kaibigan namin kaya sa kanya na kami sasabay. Nauna na sina Jasper doon.

"Whatever. Tara na nga at tanggalin mo 'yang sunglasses mo dahil baka maaksidente pa tayo dahil d'yan."

"Opo mommy Sam. Shin, turuan mo nga itong mommy mo paano maging chill, tignan mo wala man lang kachill-chill sa katawan. " As if naman naiintindihan ni Shin ang mga pinagsasasabi niya.

"Mauna na nga kayo sa kotse para makaalis na tayo." Bumelat pa muna si Dian bago binitbit ang bag ng anak ko at sinundan din siya ni Shin.

"Bilis-bilisan mo sis dahil baka hating-gabi na tayo makarating doon."   Untag niya ulit sa akin.

"Nagla-lock na nga at bakit d'yan ka nakaupo. Don't tell me ako ang magmamaneho." Puna ko sa kanya dahil wala siya sa driver's seat. Pagpasok ko ay may nakaupo na pala sa tabi niya.

"Guys, ito si Batman. Siya muna ang makakasama natin ngayon dahil tinatamad ako mag-drive." Pagpapakilala niya sa driver namin ngayon at medyo natawa ako sa pangalan na binanggit ni Dian.

"Good evening po sa inyo, Bruce po ang pangalan ko at hindi Batman. Pwede na po ba tayong umalis?" Bahagya akong tumango na nakita naman niya sa rear view mirror.

"Ano bang pangalan ni Batman? 'Di ba Bruce Wayne. Ang pangalan mo Bruce Wayne rin at ngayon lang ako naka-encounter ng babaeng Bruce ang name, medyo weird." Gatong ulit ni Dian. Cool naman ang name niya at mas naging cool kasi babae siya. Bukas na bukas kakausapin ko talaga isang ito, baka mamaya isa nanaman ito sa mga naka-one night niya tapos ginawa pang driver.

________

Alas-onse pasado na at malapit na rin kaming makarating. Nag-message na  ako kay Justine na malapit na kami gaya ng sinabi niya para mabuksan nila 'yung gate. Nabanggit ko rin na may isa pa kaming kasama na ayos lang naman sa kanya dahil hindi raw problema ang matutulugan. Tulog na si Shin at maging si Dian na talaga namang feeling doña sa lagay niya ngayon. Itong si Bruce naman kanina pa walang imik at ni minsan hindi pa ito bumaba para umihi o mag-inat man lang.

"We're here, ipasok mo lang d'yan sa may gate." Wika ko na ikinatango niya saka bumusina muna sa mga guard.

"Dian, gising na dahil nandito na tayo." Maya-maya ay tinanggal na niya ang nakalagay sa mga mata niya.

"Mukhang hinihintay tayo ng new friend mo sis." Turan niya nang mapansin din si Justine na naghihintay sa labas nila.

"Welcome sa aming lugar. Ako nga pala si Justine. Anyway, gusto niyo ba munang kumain o ihahatid ko na kayo sa mga kwarto niyo?" Rinig kong sambit niya kay Dian at Bruce dahil nakababa na sila.

"I'm Dian, nice to meet you. Tungkol pala sa room, dalawa na lang kami sa isang kwarto nitong kasama ko."

"I'm Bruce, actually naka-follow ako sa mga social media accounts mo."

ChancesUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum