26

391 27 1
                                    

JUSTINE

Apat lang kami rito sa bahay pero para bang nasa sampo kami dahil ang ingay nila. Well, napag-usapan siguro nilang tatlo na asarin ako ngayon kasi kaninang paggising ko pa lang ay puro pang-aasar lang ang inabot ko sa kanila na pinangungunahan pa ni Papa. Kung hindi tungkol sa buhok ko ay inaasar naman nila ako tungkol sa panliligaw ko kay Samantha. Lovesick puppy my ass.

Speaking of buhok ay okay lang naman ang ginawa ni Samantha sa buhok ko. Korean hairstyle raw ang ginawa niya at proud na proud pa siya nang matapos niya akong gupitan. Binigyan pa nga niya ako ng tip kung paano ayusin ang buhok ko. Mabuti na lang marunong ako mag-style ng sarili kong buhok.

"Sabi ni Mama punta kayo sa palengke para bumili ng lulutuin at mga rekado para mamaya." Sabi ng kapatid ko nang tumabi sa akin at sumisilip sa hawak kong phone.

"Sama ka?"

"Ayoko nga. Gagawin lang ako ni Mama na taga-bitbit. Maawa kayo sa muscles ko." Dramatic na saad niya.

"Sama ka na para may kasama ako." Pagpupumilit ko dahil ang boring kapag dalawa lang kami ni Mama.

Kapag pa naman nasa palengke siya ay akala mo mga kumare niya 'yung mga nagtitinda kung makipagkwentuhan.

"5k?"

"Aanhin mo naman ang 5k? Binigyan na kita noong isang linggo tapos hihingi ka ulit." Minsan kailangan talaga ng pera para kumilos itong kapatid ko na ito, namimihasa na talaga.

"May nakita akong sapatos noong isang araw tapos kulang 'yung pera ko kaya pumayag ka na. Ako magka-carwash sa kotse mo tapos ako na rin maglalaba sa mga damit mo rito." Nagawa pa niyang mag-puppy eyes sa akin.

"Sige na, sige na. Isama mo na rin 'yung bed sheet at mga punda ko dahil konti lang naman ang nagamit kong damit dito. Ang dami mo na ngang sapatos tapos bibili ka nanaman." Nagawa ko pa siyang pagsabihan dahil nasa benteng pares na ata ng mga sapatos niya ang nandito. Hindi pa nga ata niya naisusuot 'yung iba.

"Mas mahal pa nga 'yung mga sumbrero mo kaysa sa sapatos ko." Tugon niya ulit.

"Anak, halika na para maaga tayong matapos sa pamamalengke. Sasama ka ba Jaime?" Maya-maya ay turan ni Mama kaya gumayak na kami.

Wala si Papa ngayon dahil nasa bahay ng isang kumpare niya at uuwi rin naman mamaya. Nag-tricycle na rin kami dahil malapit lang naman ang palengke sa bahay.

"Kayong dalawa sa mga gulay at prutas kayo dahil alam kong maarte itong si Jaime. Ito ang listahan ng kailangan niyong bilhin. Tawagan niyo na lang ako kapag kayo ang unang natapos sa pamimili." Bilin ni Mama at binigay sa akin ang listahan.

"Itago mo nga muna 'yang phone mo Hayme. Kapag 'yan nanakaw hindi ako tatakbo pala habulin 'yung magnanakaw." Saad ko sa kasama kong nakatutok lang sa kanyang cellphone. Nakuha niya pa talagang mag-selfie.

"Ito na nga po itatago ko na."

Hindi na ako umimik at nauna na sa paglalakad paloob ng palengke. Mas lalong umiingay habang papasok kami at talagang busy ang mga tao rito. May mga nagsisigawan at mayroon ding mga kargador na panay ang buhat sa mga sako-sako at mga naka-karton na supply. Masyadong maingay ang palengke para sa akin kaya agad akong nagtungo sa hilera ng mga gulay at prutas para matapos na kami sa pamimili.

"Ate, dalawang kilong carrots, tatlong pirasong broccoli, dalawang bundle ng green peas, tatlong kilong patatas, isang kilong sibuyas, kamatis, bawang at luya." Sabi ko sa nagtitinda habang binabasa ang nasa listahan ni Mama. Natawa ako sa huling sinabi ko dahil para bang ni-recite ko lang 'yung nasa bahay-kubo.

Ako na rin ang pumili sa mga gulay para makasigurado na maganda pa ang mga ito. Minsan kasi madadaya rin ang mga tindera. Iisang stall na ang pinagbilhan ko dahil nandito naman lahat ang kailangan namin.

ChancesWhere stories live. Discover now