29

377 25 0
                                    

SAMANTHA

Matapos ang camping namin ay dumeretso kami sa farm nila Justine. Ang saya pa rin naman pero mas masaya dahil marami ulit nakwento si Tita at pati si Tito mas dumaldal na rin kaysa noong dinner namin.

Pagkatapos din ng first kiss namin ay naging mas confident na rin siya pagdating sa akin. Before kasi ako ang unang naghahawak sa kamay niya pero ngayon nagagawa na niya akong i-hug at siya na rin minsan ang nagki-kiss. S'ympre hindi namin ginagawa 'yon sa harap ni Shin. We're still not doing the deed yet.

"What do you think? Bagay ba sa akin?" Tanong ko sa taong ka-videocall ko ngayon habang pinapakita ang suot kong dress.

"Yep. The dress suits you well and you're gorgeous. I like your hair. Magdala ka ng jacket or anything na pwedeng pantapal in case na lamigin ka." Puri niya sa akin at sa buhok ko. Natawa ako sa bilin niya pero naghanap na rin ako ng cardigan na susuotin ko mamaya kung sakaling lamigin nga ako.

Mamaya na kasi 'yung highschool reunion namin at sabi ng nag-organize ay formal daw ang theme. Sa isang hotel pa ang venue namin. Formal daw ngayon kasi noong mga nakaraan ay sa beach ang naging venue nila at wala ako noong panahon na 'yon dito sa Pinas. May votation naman na nangyari at formal party nga ang nakapagkasunduan nila. I'm wearing a lacey black dress right now. The cuts are nice and it's not too revealing for my taste. I'm showing some skin but I think I'm decent enough.

"Thank you and I miss you. Kumusta pala 'yung project niyo?" May isang oras pa naman ako kaya napagpasyahan kong chikahin muna siya. Si Shin ay kinuha muna nila Mom kaya ako lang dito sa bahay kasama ang mga alaga namin.

"Miss na rin kita pati si Shin. About that pala, chineck ko kanina 'yung site tapos nabadtrip lang ako sa nakita ko. They did a really really terrible job—they did nothing. Sobrang useless at mukhang pera ang nakuha naming contractor. That bastard runaway after receiving the initial payment. Ang ganda ng usapan namin tapos bigla na lang siyang nawala matapos makuha 'yung pera. Nag-file na kami ng case laban sa kanya. It's really hard to trust someone nowadays lalo na kapag ganitong bagay." May halong gigil na kwento niya. Kaya naman pala mukhang stress na stress na siya.

Seryosong tao si Justine pero mas seryoso siya pagdating sa mga ganitong bagay, I mean business.  Naging maganda naman ang usapan nila ng contractor at kasama pa niya ako noong nagkita sila para sa signing of contract. Personal na kakilala pa man din niya 'yong tao na 'yon tapos tatakbuhan lang siya. Ito rin 'yung reason kung bakit hindi siya makadalaw sa amin kasi inaasikaso niya itong bagong business niya. 2 weeks na kaming puro videocall at text lang. Malapit na rin matapos ang bakasyon at pasukan nanaman ng mga bata.

"Kaya pala ganyan ang mukha mo. Ano na ang gagawin mo sa project niya sana? 'Di ba bibisita 'yung business partner mo?"

"Yep. Sinabi ko na nagkaroon ng aberya at naghahanap na rin kami ng bagong contractor. Anyway, alas-dos na kaya dapat lumarga ka na kasi baka nandoon na rin 'yung mga kasama mo. I'll see you soonest."

"Maaga pa kaya. Gusto mo ba puntahan kita d'yan bukas? Hindi naman kami busy ngayong week." I miss her so it's a win-win for both of us.

"As much as I want to see that pretty face of yours in person, I'll refuse the offer. Busy kasi lahat ngayon dito dahil harvest ulit. Ako na lang pupunta sa'yo pagkatapos ng harvest, I promise. Baka next week luluwas ako o kung hindi man baka next next week, basta nandyan ako kapag birthday mo." Oh yeah, I'm turning 34 few weeks from now. Gosh! I don't feel excited. I'm getting old but I think I'm also getting hotter.

"Fine. Sige babay na, ingat kayo d'yan. Tawagan kita mamayang gabi kapag nakauwi na ako."

"Bye. Drive carefully and don't forget to bring your jacket. Drink responsibly." Paalala niya ulit kaya pinakita ko ang hawak kong cardigan.

ChancesWhere stories live. Discover now