FINALE

704 27 8
                                    

SAMANTHA

Masasabi kong mas masaya na ang buhay ko ngayon kasama ang mga mahal ko sa buhay. May mga magulang pa akong madalas bumisita sa bahay para bisitahin ang kanilang mga apo, in-laws na ang babait dahil laging nagpapadala ng prutas at gulay, mga kaibigan na paminsan-minsan ay dumadalaw sa amin, may asawa akong maalaga at responsable tapos panghuli ay may mga anak akong cute at maganda.

Sabi ng nakararami ay pinagtitibay ng  away ang isang relasyon pero sa tingin ko ay mali ang konsepto na 'yon. Oo, normal ang misunderstanding sa isang relationship pero kapag araw-araw na lang na puro ay toxic na 'yon para sa akin. Hindi rin ako sumasang-ayon na boring ang isang relasyon kapag hindi kayo nag-aaway o masyadong laid-back. Ang daming kong na-realize noong nakilala ko sa Justine at ang dami niyang pina-realize sa akin.
Hindi lang siya kung hindi pati na rin sa mga experiences ng mga malalapit sa amin.

Maayos ang pagsasama namin ni Justine at hindi naman kami madalas mag-away. Wala kaming away tungkol sa kabit-kabit o third-party kasi masyado na raw kaming matanda para sa mga gano'n. Kung tungkol naman sa pera ang usapan ay hindi kami nag-aaway dahil doon kasi maayos naman ang usapan namin noon na ang pera niya ay pera niya at hindi niya kailangan ibigay ang pera niya sa akin. Maayos naman ang kita ng restaurant ko at may nakukuha naman ako sa joint business namin ni Amari.

May isang beses pala inaway ko siya dahil tinuruan niya si Shin kung paano mag-drive ng kotse. Hindi ko siya pinatulog sa kwarto tapos naramdaman ata ng kambal na wala ang Dada nila kaya sabay silang umiyak. Ang ending tuloy ay pinapasok ko siya para patahanin 'yung dalawa. Mas gusto ata nila ang Dada nila kaysa sa akin dahil kapag gutom lang sila saka nila ako hinahanap.

Para siyang ewan kapag binabantayan niya 'yung mga bata kasi kinakausap niya ito na para namang naiintindihan nila kung ano ang sinasabi niya. You are my sunshine pa ang theme song nilang tatlo dahil kapag kinakanta 'yon ni Justine ay tuwang-tuwa sila. Ni-record ko na nga rin 'yung kanta niya para kapag kaming tatlo lang dito sa bahay ay 'yun ang pinaparinig ko para tumahan sila. Masyado silang spoiled sa Dada nila kaya tuloy nagiging kamukha na nila ito.

"Love." Gising ko sa kanya kasi nakatulog siya habang binabantayan ang dalawang bata. Binabasahan niya ata ng kambal dahil may libro siyang hawak tapos siya naman itong nakatulog.

"Hmmm...."

"Sa kwarto ka na matulog."

"....too lazy to wake up... Dito na lang ako."

"Pagti-tripan ka lang nitong dalawang ito." Saad ko dahil gusto ni Shiro na humiga sa kanya.

"I want Jollibee.."

"What?" Mukhang nananaginip pa siya.

"Jolliii....bee."

Hinayaan ko lang na lang matulog at dinala 'yung kambal sa sala kung saan naabutan namin ang ate nila na busy sa pag-i-skateboard.

"Shin, ilang beses na ba kitang sinasabihan na hindi ito ang tamang lugar para mag-skate ka." Sita ko at agad naman siyang tumigil sa ginagawa niya. Itong si Shin lahat ng uso ay gusto niyang subukan.

"Kalma lang, mommy. Tuwang-tuwa nga itong kambal habang pinapanood ako, gusto rin ata nilang mag-skate." Sabi niya saka kinuha si Haru na panay ang ngiti at naglalaway pa.

"Whatever. Pwedeng pakuha ako ng ice cream sa ref, gusto kong manood ngayon."

Weekend ngayon kaya nandito kaming lahat sa bahay. Hindi kami madalas lumabas dahil ayaw ni Justine at Shin sa madaming tao. Habang tumatagal ay nagiging magka-ugali na talaga silang dalawa.

"Akala ko ba magswi-swimming tayo ngayon?"

"Ikaw na lang kung gusto mo dahil tinatamad ako at isa pa masyado pang mainit sa labas."

ChancesWhere stories live. Discover now