17

392 27 1
                                    

SAMANTHA

It's December already, December 24 to be exact. Dalawang oras pa bago ang Christmas Eve at habang naghihintay ay kausap ko ngayon si Justine. Ako ang kausap niya dahil tulog na si Shin, gigisingin ko na lang siya mamaya. Sina Mommy at Daddy nagpapahinga na muna dahil tapos na namin lutuin ang mga handa para mamaya.

"Alam mo, tulungan mo na lang silang maghanda ng mga pagkain. Isang oras na tayong nag-uusap." Usal ko sa taong nasa kabilang linya.

"Kaya na nila 'yon. 'Tsaka ngayon lang ulit tayo mag-uusap kasi pagkatapos ng birthday ni Shin ay nangibang bansa kayo." Katwiran niya. Tama naman dahil huling kita ko sa kanya ay noong birthday ni Shin noong 12 pa 'yon at nagpunta kami sa Korea ng isang linggo para mamasyal kasama namin sina Mom at Dad.

"Lagi naman tayong nag-uusap through chat."

"Chatting is different from calling. I prefer to hear your voice than typing a long ass message. Anyway, I'll call you later." Paalam niya at siya na rin ang nag-end sa tawag.

She's sweet and all but we're not in the dating stage. Nagpapakita siya ng motibo pero kailangan ko pa ng panahon. Ilang buwan pa lang kaming magkakilala at ayaw kong maulit ang katangahan ko noon. Sa ngayon siguro masasabi kong nasa talking, texting and calling stage kami. I know, ang lakas maka-millennial.

Nakadalawang date pa lang kami. Una ay 'yung friendly date na pinangako ko noong birthday niya at pangalawa ay noong lumabas ulit kaming tatlo kasama si Shin at pumunta sa isang amusement park. Kasama rin siya noong birthday ni Shin at 'yung regalo niya ay dalawang turtle tapos siya rin ang nag-set-up sa tank nila plus may betta fish pa na kasama. Inasar tuloy siya nila Jasper na nagpapa-impress daw siya sa amin ng anak ko pero hindi niya na lang pinatulan. Bike naman ang niregalo ko sa anak ko na nagustuhan niya dahil si Justine raw ang magtuturo sa kanya. Honestly, puro si Justine na lang ang bukambibig ni Shin. Walang araw na hindi niya nababanggit ang pangalang Jay-jay.

Aware ang mga kaibigan ko lalo na si Amari na madalas kaming mag-usap ni Justine kasi kahit nasa work ay minsan tumatawag siya para mangumusta. Binibigyan niya lang ako ng mapang-asar na ngiti pero hindi pa namin nagpag-uusapan ang mga bagay na 'yon. Hindi dahil ayaw kong pag-usapan pero alam nilang magsasabi rin naman ako sa kanila kung meron mang something. Si Dian lang naman ang masikreto minsan pagdating sa relationship niya pero nasa sa kanya na 'yon kung gusto niya mag-share. Huling usap namin ay si Bruce naman ang binabanggit niya. Sa ngayon wala namang problema kung ini-entertain ko 'yung mga tawag ni Justine dahil wala naman akong dine-date.

________

"Dapat nagpapahinga ka muna dahil mamaya pa ang handaan." Turan ni Dad sa akin. Hindi ko napansin ang pagdating niya rito sa kusina.

"Ayos lang po ako Dad. Hindi naman ako inaantok kaya naisipan kong magkape muna habang naghihintay." Tumayo na rin ako para ipagtimpla muna siya ng kape. Sa kanya ko ata namana ang hilig sa pag-inom ng kape kasi si Mom ay hindi naman mahilig.

"Alam mo ba 'yang mommy mo, laging excited kapag may mga okasyon kasi alam niyang darating kayong dalawa. Bored na bored na siya rito kasama ang mga aso at naiirita na raw sa pagmumukha ko." Pagkukwento niya.

"Sabi ni Mommy ikaw daw ang excited kapag may mga okasyon lalo na kapag Christmas." Natatawang sabi ko dahil lagi niyang excuse si Mom pero siya naman talaga 'yon.

"Masyadong madaldal talaga 'yon. Sino nga ulit 'yung Justine?" Minsan parang ewan si Dad. Nakilala na nga niya 'yung tao noong birthday ng anak ko tapos magtatanong pa sa akin.

"Kaibigan po ni Jasper at Amari." Ayaw ko naman sabihin na kaibigan ko rin. Friends na nga ba kami?

"Siya pala 'yung bukambibig ng apo ko. Nanliligaw na ba 'yon sa'yo?" Mukhang maha-hotseat pa ako ngayon.

ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon