CHAPTER 37

179 12 5
                                    

Rin's POV

Sa araw-araw na lumipas walang ibang laman ang isip ko kundi ang senaryong nasaksihan ko sa pagitan ni Kai at Yoona. Paulit-ulit iyong nagdudulot ng kirot sa aking puso.

Hindi ko na rin mapigilang mainis sa sarili dahil ito naman ang gusto ko, ang tuluyan akong kalimutan ni Kai, ang itigil na ang kung ano mang namamagitan sa amin. Pero ang hirap pala.

Ang hirap niyang kalimutan. Ang hirap balewalain ng lahat. Lalo na sa tuwing nakikita kong magkasama sila ni Yoona. Ang hirap umarteng ayos lang ako na hindi ako nakakaramdam ng selos na ako dapat ang kasama niya na ako dapat ang nginingitian niya.

Mas lalo akong dinudurog ng katotohanang agad siyang nakahanap ng babaeng kapalit ko. Hindi ko rin lubos maisip na sa lahat ng babae bakit si Yoona pa.

Ang gulo ng sitwasyon, na kahit sarili ko hindi ko maintindihan. Maging ang kung anong dapat kong maramdaman.

Ganito ba talaga magmahal? Napaka-komplikado.

"Hindi ka ba muna magpapahinga, Byung-nim?" Paglapit sa akin ni Min Jun mula sa kabilang grupo ng mga baguhang ranggong nagsasanay.

"Hindi, hindi pa naman ako napapagod." Paliwanag ko bago sinuyod ng tingin ang mga ranggong abala sa kani-kanilang ginagawa.

Kahit malayo ako sa kanila ng ilang dipa ay tanaw ko ang bawat kilos na kanilang pinapakawalan.

"Mali ang paghawak mo sa espada!" Buong boses kong asik bago lumapit sa lalaking ranggo.

"Ireum?" Name? Tanong ko.

Umayos ito ng tindig. "Park Ji Su-imnida, Choisonwi," Park Ji Su is my name, highest rank.

Tumaas lamang ang dalawa kong kilay bago kinuha ang kanan niyang kamay. "Hindi sa gitna ang hawak ng espada, mawawalan ka ng suporta," panimula ko.

"Dito ka humawak," nilagay ko ang kanang kamay niya sa itaas na parte ng hawakan ng espada. "Dito naman ang isa," pagtukoy ko sa lower grip nito, malapit sa pommel ng sandata.

Masusi naman niya iyong sinunod. "Algettjo?" Did you get it? Tanong ko pa.

Yumuko ito. "Ye,"

Tumango ako bago nilagay ang parehong kamay sa likod. Agad nagtama ang paningin namin ni Min Jun. Pabuntong hininga akong lumapit sa kaniya.

Muntik ko nang makalimutan ang kaniyang presensiya.

Bigla ay nag-iwas ng tingin si Min Jun saka pinagkrus ang kaniyang braso. Sabay naming pimasdan ang bawat ranggong masigasig na nagsasanay.

Puno ng sakripisyo para sa Norte.

Iyong iniwan nila ang kanilang pamilya para ibigay ang buhay para sa proteksyon ng Hari, ng palasyo at ng mga maharlika.

Maharlikang ni hindi manlang makita ang kanilang halaga. Mga maharlikang napakababa ang tingin sa iba.

Sa maka-ilang beses ay nagpakawala ako ng malalim na hininga saka tumingala para bigyang tingin ang kahel na sinag ng araw.

Hapon na.

"Uuwi ka ba ngayon?" Tanong ni Min Jun matapos ang pagsasanay.

"Oo, bakit?" Kunot-noo kong tanong.

"Akala ko kasi sa dormitoryo ka matutulog." Dagdag niya pa.

Patuloy kami sa paglalakad. "Hindi muna siguro."

Love In Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon