CHAPTER 42

90 11 1
                                    

Chapter 42

Rin's POV

Walang emosyon akong lumabas patungong pasilyo para kausapin ang hari. Nagulat siya nang nakitang palapit ako. Pagabag ang kaniyang mata. 

Tinitigan niya ako, bawat sulok ng aking mukha, matapos ay nagbaba na ng tingin at tumingin sa royal garden. May maliit na ilog din na tanaw sa pasilyo ng kaniyang palasyo. Tinuon ko ang aking mata sa kulay lila at rosas na bulaklak. Kapansin-pansin din ang mga paru-parong nasa ibabaw ng mga ito. 

Inalis ko ang bara sa aking lalamunan. "Gusto kong malaman ang lahat." Sambit ko saka tumingin sa kaniya ng hindi kumukurap. 

Nakasuot ang hari ng gonryongpo. Iyon ay ang kulay pula at makapal na roba habang may nakaburda namang dragon sa bawat parte nito. Every royal blood uses a dragon as a symbol for their royal authority because the dragon was favored with great power. Sa ulo niya rin ay may kulay itim na headgear. 

"Parang panaginip lang, Hye Rin.." nahihikbi niyang bulong. Nang sandaling tumitig siya sa akin ay may luha na ang kaniyang mata. Pakiramdam ko nahawa ako sa kaniya. 

Is it a real leap of blood?

"Gusto kong malaman ang lahat," inulit ko sa matatag na paraan iyong maiisip niyang galit ako even deep inside I was still yearning for father's warm presence. 

Hindi ko alam ang tunay na nangyari o kung ano man ang nangyayari ngayon but one thing is for sure, I can feel a connection with him unknowingly and his presence touches my heart's tip a bit. 

"Ikaw ang anak ko.." utas niya bago ako inisang hakbang at niyakap. 

Umiling ako ng ilang beses bago bumitaw ang bisig niya. "P-Paano? Sa kabila ng lahat paano? Paano mo ako naging anak?" Usal ko pa. 

Matagal akong may galit sa dugong bughaw dahil buong akala ko ay sila ang nasa likod ng pagkamatay ng kinikilala kong pamilya and now I'm belong to them? Pero paano?

"I fell in love with a commoner before, she's your mother.." panimula ng hari. "I am a crown prince that time, that's why everyone, every minister and even my deceased Father was opposed to me, to my love for your mother. Hindi raw maaring magkatuluyan ang maharlika at ang hampaslupa, iyon ang sabi nila. Lalo na't sa Norte ay mahina ang tingin sa mga babae. Kaya nais ng lahat ay prinsesa ang pakakasalan ko, para kahit papaano ay may kapangyarihan sa kaharian. But my love for your mother was just unbeatable. Kahit pa ang hari ay hindi ako napigilan. I fought for her..hardly. Hanggang sa pinagbubuntis na niya ang panganay ko.." 

Lumamlam ang mata ng hari. 

"And it's you, Hye Rin. Noong sanggol ka ay kasama ako nang sunugin ang balat mo para lagyan ng simbolo. Kaya hindi ako nagkamaling anak kita nang nakita ko ang balat mo.." 

Nang tumalikod ang hari ay binaba niya ang kaniyang damit para ipakita sa akin ang kaniyang simbolo. "Same as mine, my majesty.." 

Tumindig lahat ang balahibo ko. Parehas kami ng peklat sa likod. Ang simbolo ang kumikilala sa isang pamilya kung ano ang antas nito sa Norte. Hindi ako nagkaroon ng pagkakataong bigyan pansin ang simbolo ko dahil sa paghihiganti. Tinago ko ang simbolong ito kasama ng aking pagkatao.

"Lahat ng pamilya rito sa Norte ay may kaniya-kaniyang kinikilalang symbolo ngunit iba ang pamilya natin, Hye Rin. Dragon ang tatak natin samantalang simpleng letra lamang ang  sa iba." 

Humarap siya saka naglabas ng mabigat na hangin sa bibig. "Subalit sadyang malupit ang mga tao dahil tinugis nila ang iyong ina. Hindi sila sang-ayon na simpleng babaeng taga nayon ang pakakasalan ko. Sinabi nilang hindi iyon patas. Bilang hari ay kailangan kong maging mabuting ehemplo sa nakararami."

Love In Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon