CHAPTER 34

131 12 31
                                    

Rin's POV

"Hindi ako basta-bastang titigil nalang, Rin." Nangungusap ang mga matang ani Kai.

Muli akong nagpakawala ng malalim na hininga. "Leave my room, now." Wika ko sa mahinang boses. Iniingatang walang makakarinig sa amin.

Nasapo ni Kai ang noo. "Hayaan mo munang gamutin kita." Pabuntong hiningang aniya. Hindi ko na rin ito kinagulat pa.

"Hindi na kailangan-"

"Why you're so stubborn?" Nangungusap pa rin ang kaniyang tinig.

Tuloy ay walang emosyon akong napabuntong hininga. Pilit nilalabanan ang tawag ng puso.

"Whatever you say, Rin. Hindi ako aalis dito ng hindi ko nalilinis ang sugat mo sa likod. I also have to ask you where did you get that?" Ani Kai. Hindi na ako hinayaan pang magsalita.

Bigla ay naalala ko ang nangyari sa amin ng mga rebelde. Wala rin akong balak na ikwento kay Kai ang lahat ng nangyari. Na natamo ko ang sugat na ito dahil sa pagmamadaling makita siya.

"Kai, please, it would be a big help if you will just leave." Seryoso kong bulong habang nakatitig ng diretso sa kaniyang mga mata.

Sandaling yumuko si Kai bago muling pinagtagpo ang aming paningin. "Baby why you're pushing me away? Bakit mo ako pinagtatabuyan? Are you still upset? Tell me. May nagawa ba ako? If Ianah's bothering you, please don't mind her dahil mananatili lang iyon sa kaniya." Usal ni Kai bago marahang hinawakan ang aking kamay.

"How can you be so sure? Alam kong may pagtingin sa 'yo si Ianah kaya p'wede ba? Hindi iyon magiging madali sa kaniya. Sa tingin mo hindi niya sasabihin sa mga kaibigan ninyong babae ako?" Hindi nagawang makapagsalita ni Kai. Nanatili lang siyang nakatitig sa aking mukha.

"Ayaw kong masira lahat ng mga plano ko dahil dito." Ani ko saka mabilis na nag-iwas ng tingin sa kaniya. "Tama ang aming tagapagsanay. We should always keep off hindrance before it became a risk."

Napapapikit na napaawang ang mga labi ni Kai. "Am I a hindrance to you?" Batid kong nasasaktan ang kaniyang tinig.

"No. You're not yet my feelings are hindrance." Putol ko. "Kaya please, leave me alone now, Kai, all alone." Pigil hininga kong usal.

Ganoon nalang kalalim ang buntong hiningang hinugot at pinakawalan ni Kai bago muling magtama ang aming paningin.

"I won't give up on you, baby, even if it is meant to pain me." Sinabi iyon ni Kai sa nanghihinang tinig. Iyong mahihimigan mong kaunti nalang ay mababasag na ito.

Tuloy ay tila paulit-ulit na kinurot ang aking puso. Ayaw kong nakikita siyang nasasaktan. Iyon din ang dahilan kung bakit ko ito ginagawa. Ayaw kong humantong sa sitwasyong parehas kaming mahihirapan. Parehas kaming masasaktan lalo pa't narito kami sa kakaibang uri ng mundo.

Mundong hindi dahilan ang pagmamahalan upang lumaban. Lugar kung saan madalas ang masaktan.

Matapos ng sadaling katahimikan ay dahil nga siya si Kai, hindi pa rin siya lumabas ng silid. Bagkus ay nagtungo siya sa aking likuran at doon umupo. "Let me do this, please.." bulong niya nang sandaling gumalaw ako.

Napabuntong hininga ako bago tuluyang naramdaman ang mga braso niyang mula likod ay nagtungo sa aking tiyan upang dito alisin ang pagkakatali ng belt ng aking hanbok. Kasunod niyon ay sinimulan ng ibaba ni Kai ang laylayan ng manggas ng aking damit dahilan upang tuluyang bumungad ang kaliwa kong balikat.

"Who did this to you?" Mahinahon ngunit tiim bagang niyang tanong.

"Nothing. It's part of being a rank. Don't mind it." Dalian kong sagot.

Love In Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon