CHAPTER 41

96 11 0
                                    

Looking forward to your comments! Again, thank you for reading this far! Love lots! Stay safe and blessed!

____________________

Chapter 41

Rin's POV

Nanginginig ang laman ko. Dumating na ang kinakatakutan ko. This is the end of everything. Wala na akong pagkakataon upang malaman kung sino ang nagpapatay sa pamilya ko at mas dinurog ako ng katotohanang hindi ko na matutulungan sina Kaizer para bumalik sa bansa nila.

Everything happened so unexpectedly. Tumulo ang butil ng pawis ko habang tutok na tutok sa akin ang araw at nakaluhod sa labas ng palasyo ng hari.

Nakasanayan sa Norte na sa tuwing may hahatulan ng kamatayan ay pinapanood ito ng lahat, bata man o matanda. Nakagat ko ang labi dahil lahat ng tao ngayon ay masama ang tingin sa akin na para bang hangga't maaari ay ayaw na nilang makita ang presensya ko. Tila ba pinagdarasal na nilang mawala ang isang taksil na gaya ko.

Tuloy ay ito na naman ang mata ko, pinangingiliran ng luha. Naimagine ko na ito dati. Napag-isipan ko ng dadating din sa puntong ito. Sa puntong malalaman na ng lahat ang tunay na pagkatao ko, kaya noon pinagtibay ko ang sarili. Sinabi kong dumating man ang araw na ito, hinding hindi ako iiyak.

Subalit lahat ng iyon ay parang bulang naglaho dahil walang ginawang iba ang mata ko kundi ang lumuha. I cried harder it is because I'm a failure.

I helped them. In my whole existence, though wrath and revenge was on my system but I never let my people to feel my inside cruelty. I helped them as much as I could but now all my goodness was in vain. Walang nakaalala ngayon ng kabutihang ginawa ko.. sa isang pagkakamali ko lang..sa isang maling nagawa ko lang..hinusgahan nila ako.

I have a reason.. I disguised myself for a reason..

I'm crying not because I want them to help me in return. I'm crying not because I want them to save me. Umiiyak ako kasi sana kahit sa huling pagkakataon ko, hindi sila galit sa akin. I want to feel loved at this moment because this is my weakest point.

Kahit si Kai ngayon wala.. pinipiga ang puso ko ng buong buong sa katotohanang walang kasiguraduhan kung ligtas ba siya ngayon.

Siya nalang ang mahal kong natitira.. ayaw kong pati siya..mawala rin..

"Enero labing dalawa, taong dalawang libo dalawampu't dalawa. Hinahatulan ng kamatayan si Byung Woo Rin sa pagbabalat kayong lalaki at pagpasok sa palasyo upang magpanggap na ranggo. Nasa batas ng kaharian na ang kalapastanganang nagawa ng kahit na sino kaagano man kaliit o kalaki ay may kahatulang kamatayan."

Pasigaw na anunsyo ng punong Ministro Chan. Umugong ang bulungan ng mga tao. Pinalilibutan pa rin ako ng kawal at mga ranggo. Ang hari naman ay nasa gitna, pinapanood ako. Nasa gilid niya ang reyna at si Yoona na nakangisi sa akin.

"Nababatid din ng lahat na hindi lang pagbabalat-kayo ang ginawa ni Byung Woo Rin kundi ang pagtatago sa mga dayuhang taga Pilipinas. Hindi niya ito pinagbigay alam sa nakakataas kundi ay ginawa pa itong pagkakataon para makipagrelasyon.." pinutol ni Ministro Chan sasabihin bago tumingin sa akin ng may nanlalait, nandidiri, at malupit na mata.

"Byung Woo Rin, isa kang kahihiyan ng kaharian!" Aniya pa bago may tumama sa aking bato mula sa mga tao. Sinisigaw na pugutan na ako ng ulo.

"Paslangin na ang isang iyan!" Sigaw ni Ministro dahilan para lumapit sa akin ang lalaking nakatakip ang mukha. Kuminang pa ang espada niyang dala. Suot din niya ang patusok na sombrero.

Lumunok ako ng mariin saka ko kinuyom ang aking mga kamay. Nang itaas ng lalaki ang kaniyang espada ay pumikit na ako. Tila ba namanhid ang buo kong katawan.

Love In Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon