CHAPTER 14

261 21 127
                                    

Hanbok is the traditional dress of North and South Korea. But please be reminded that in North Korea (Where this story takes place) it is called Joseonut (조선옷 ) instead of hanbok. Pero para mas malinaw at madali hanbok pa rin ang gagamitin kong term dito sa story. Hindi naman kasi lahat alam 'yong joseonut. Iyon lang, maraming salamat.

_______________________

Chapter 14: Father

Rin's POV

Magbababa ng tingin, ngingisi-ngisi sabay iiling. Iyon ang ginagawa ni Kai habang naglalakad kami sa mahabang pasilyo papunta sa likod ng upahan. 

Pasiring akong lumingon sa tabi, kung saan hindi ko siya makikita. Sinusubukan kong dumistansya sa kaniya, kaunting lapit nalang kasi ay maririnig na ni Kai ang tinatambol kong dibdib.

Kinakabahan ako. Lalo na ngayon, sabay kaming maliligo. Wala akong kakayahang hulaan ang maaaring mangyari. Ang hirap intindihin ng utak ni Kai. Nakakabaliw. 

Pareho kaming lalaki kaya iisipin niyang walang maslisya ang maligo ng sabay. Normal iyon. Napahinga ako ng malalim at inabala nalang ang sarili sa pag-iisip ng maaaring palusot. 

Sinadya kong magbagal sa paghakbang kaya nasa likod niya ako. Hangga't maaari kasi, ayaw ko muna siyang makausap. Tutal puro hindi magagandang bagay ang lumalabas sa kaniyang bibig. Sinabihan ko siya na diretsuhin lamang itong pasilyo, at pagkatapos ay makakarating na kami sa batis.

Batis na para lamang sa mga babae dito sa upahan. Pribadong pag-aari ito na ipinasadya para sa kanila. 

Presko at malamig na hangin ang sumalubong sa amin nang tuluyan naming natunton ang dulo ng pasilyo. Apat na baitang ng hagdan nilagpasan namin bago kami nakatapak sa batuhang lupa. Sa hindi kalayuan, natanaw ko agad ang grupo ng mga kababaihang abala sa kani-kanilang paglilinis ng katawan. Hindi naman sila literal na nakahubad. There's still a color white and thin fabric covering their private parts. 

"Oh, shit!" Nakuha ni Kai ang atensyon ko nang suminghap siya. Tutop na niya ang sariling bibig saka natutulirong humarap sa akin. 

"What?" Walang emosyon kong tanong habang may nanlulumong tingin. 

Lumunok siya at kinagat ang pang-itaas na labi. "Seriously? Dito tayo maliligo?" Nilingon niya pang muli ang mga babae bago ibinalik ang tingin sa akin.

"Yes," walang gana kong anas.

Marahan akong humakbang para lagpasan siya. Binalik ko ang tingin sa mga babaeng may kani-kaniyang buhay. Ang ilan ay nagtatawan habang nakasandal sa naglalakihang buhay na bato. Iyong iba naman ay tahimik, may ilan ding tila malalim ang iniisip.

Hindi mapakali ang aking mata. Nagbabakasakaling mamamataan si Eun Young. Sinulyapan ko isa-isa ang mukha ng mga babae. May ideya ako sa itsura ni Eun Young base sa sinabi ng kaniyang ama. 

Ginambala ng buntong hininga ni Kai ang aking ginagawa.

"I thought it would only be the two of us," aniya. 

Mula sa mga babae, tumapon ang paningin ko sa kaniya at bago pa ako makapag-react ay natawa na siya.

"Kidding. I'm just not comfortable being surrounded by women while taking a bath," hindi makapaniwala ko siyang inilingan. Ang kapal!

"Not comfortable, huh?" Sarkastikong tanong ko bago siya  tinalikuran. Nakakarindi siyang kausap. Sa kabastusan niyang iyan, nasisiguro kong natutuwa pa siya gayong bawat sulok na tapunan ng paningin niya ay may babae. 

Marahan akong naglakad sa gilid ng mabatong batis. Ang ilan sa mga babae ay nginingitian ako. Ang ilan naman ay balewala lang. Nilibot kong muli ang buong lugar. Humahanap ng pinaka-komportableng pwesto.

Love In Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon