CHAPTER 31

213 17 83
                                    

Rin's POV

"What's going on?"

Tanong ko kay Min Jun bago nilibot ang paningin sa grupo ng mga ranggo. Dahil umuwi ako kagabi, wala akong ideya sa nangyayari. Basta nalang ako kinaon ni Min Jun.

Seryoso lang na nagmamasid ang kalapit ko. "Inimbitahan ng Hari ang lahat ng mga ministro, kawal at ranggo para sa isang mahalagang anunsyo."

Ilang minuto lang ay lumabas na ang Hari sa loob ng kaniyang palasyo. Inalalayan pa siyang mabuti ng kaniyang pribadong tagapaglingkod para umupo sa royal chair katabi ang reyna.

Mayroong limang baytang na hagdan mula sa kinauupuan ng hari. Hindi kataasan ang hagdanan na iyon. Sa baba niyon din naroroon ang mga ministrong pinamumunuan ni Ministro Chan.

Katapat namin ni Min Jun ang mga Ministro. Nasa magkabilang gilid kami ng Hari. Sa kaliwang bahagi ang mga ministro samantalang kami naman ay nasa bandang kanan.

"Ministro Chan," tipid na usal ng Hari. Binasag ang nakakabinging katahimikan.

Puno ng galang na yumukod si Ministro Chan sa Hari bago itinuon ang paningin sa grupo ng mga kawal at ranggo. Tumikhim pa muna ang Ministro. Batid na niya ang dapat niyang gawin.

"Gusto ko sanang malaman niyo na kailangan maging alerto ang bawat isa sa inyo. Mas higpitan ang pagbabantay na karaniwan ninyong ginagawa. Magmasid ng maayos," patuloy nito. "Dahil sa palagay ko'y may taksil sa palasyo." Dagdag ni Ministro na kinagulat naming lahat.

Gustuhin man naming magtanong sa pambibitin niya ay hindi namin nagawa dahil mas pinili nalang naming makinig. Nanatiling may nagtatanong na tingin ang bawat isa sa mga kawal at ranggo.

"Usap-usapang naririto ang nawawalang anak ng pinuno ng mga rebelde. Ang kanilang rebelyon ay laban sa kamahalan," ani ng matanda na may nagmamasid na tingin. "Hindi pa namin nasisiguro kung iyong anak ba ang pakay nila o ang buhay ng hari, lalo na ng reyna."

"Kaya kailangan maghigpit ng bawat isa sa inyo. Lalo pa't may kasabwat ang mga rebelde dito sa palasyo. May taong personal na nagpapapasok sa kanila dito," nang sandaling matapos ang matanda sa pagsasalita ay kusang nagdako ang mga mata ko kay Ministro Jang.

Bigla ay naalala ko noong gabing may kausap siyang mga lalaki. Hindi ko mapangalanan kung may kahulugan bang paghihinala ang deretso kong pagtitig sa kaniya. Inaalam ko kung may pagbabago bang mangyayari sa ekspresyon ng mukha niya ngunit wala akong nakita.

Normal lang na nakikinig si Ministro Jang. Kung sakaling sabihin ko kay Min Jun ang nasaksihan kong pakikipagkita ni Ministro Jang sa hindi kilalang mga lalaki ay batid kong hindi niya ako paniniwalaan. Kahit ranggo ako ay hindi ko pa rin maiwasang hindi malito.

Tama ba na magbintang nalang ako basta? Kahit pa ako mismo ang nakakita sa pakikipag-usap ni Ministro, hindi pa rin tama na paghinalaan ko agad siya gayong maging ako ay hindi pa rin sigurado sa bagay na nakita ko. Pati, isa si Ministro sa naging mabuting tao sa akin. Halos ituring na rin niya akong parang tunay na anak.

"Ako na ang aasikaso ukol sa bagay na iyon. Ang kailangan niyo nalang ay pag-ayusin ang bagay na nakatalaga sa inyo." Dagdag pa ni Ministro.

Hindi rin nagtagal ang pulong. Matapos ng paulit-ulit na paalala ni Ministro Chan ay bumalik na rin ang lahat sa kani-kanilang normal na gawain. Gaya nang nakasanayan dito sa Norte, sa sandaling mahuli kung sino ang taksil sa palasyo ay pupugutan ito ng ulo kasama ang mga rebelde.

Normal na sa Norte ang pagkakaroon ng kabi-kabilang rebelyon. Sino ba namang tao ang magtitino kung may kakaibang pamamaraan at batas dito. Kahit saang anggulo tingnan. Norte ang kahulugan ng kaguluhan at hindi pagkakaunawaan. Karamihan dito ay mapagmataas. Kaya hindi na nakakapagtaka ang mga rebelde.

Love In Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon