CHAPTER 43

103 12 0
                                    

Chapter 43

Rin's POV

“Where are you going?” Tumigil sa paghakbang ang aking mga paa nang habulin ako ni Kai palabas ng silid.

Hinila niya ang pulsuhan ko para iharap ang katawan ko sa kaniya. “Well, I have an important matter to talk about with the king,” paliwanag ko saka salitang tinitigan ang mapungay niyang mata. 

Ngumiti si Kai habang isa-isang pinasadahan ng tingin ang bawat sulok ng aking mukha. Tila kinakabisa niya ito. 

“Thank you, Rin,” sinsero niyang bulong sa malambing na paraan. “I finally had a chance to meet my father after a long time.” Bumaba ang paningin ng lalaking ito sa labi ko at alam ko na ang susunod. 

He stole a peck on my lips. Ang bilis ng halik na iyon na para bang iniingatang walang makakakita sa amin. 

“Come inside, I’ll introduce you to my father..” usal niya habang magkadikit ang aming noo. 

Uminit ang pisngi ko lalo pa at minasahe ng palad niya ang aking batok at buhok sa likod ng tainga ko. It gives goosebumps and unfamiliar sensation.

“Kilala na ako ng ama mo, Kai..” paliwanag ko. 

He chuckles, “I know. Sino ba naman ang hindi makakakilala sa ‘yo? Pero, I want to introduce you as my girl. Nothing else, baby..” Aniya. Pinadulas niya ang braso paikot sa aking beywang para hilahin ako papasok sa loob. 

Namilog ang bibig nila Ashley at Gwayne. Si Ianah naman ay natatawang umiling samantalang ngumisi si Kayler at Axel. 

Bumagsak ang panga ng doctor. Pinanlakihan niya ng mata ang anak. Sinenyasan niya itong bitawan ako na para bang isa akong kayamanan na kung sino ang magtangkang humipo ay siguradong may paglalagyan. 

Dumapo ang labi ni Kai sa buhok ko at nasagot noon ang nagtatanong na mata ng doctor. 

“Explain this to me, son!” naiiling siyang siminghap. “She’s the North Korea’s princess at hindi siya maaring hawak-hawakan nalang basta. Baka bigla nalang may tumamang palaso sa iyo!” 

Humalakhak si Kai at pinagsiklop ang aming mga daliri. “I don’t care, dad. I love their princess, I bet they have nothing to do with that,” humakbang si Kaizer para lumapit sa ama. 

Tumikhim siya, saka nakangising nilibot ng tingin lahat. Nilingon niya muli ang ama, “Dad..I know you already know this woman. Well, right now, I’m introducing her to you as my love, my girl, and my life.” 

Ngumisi ang ama ni Kaizer. Pakiramdam ko nahihiya siya sa ginagawa ng anak dahil alam niyang prinsesa ako. Alam niyang hindi maaring maging kaswal nalang sa akin. I smiled at him, telling that’s it’s alright. 

Sumipol naman si Kayler bago nakipagngisihan sa kapatid. “You have the guts, bro! I’m proud of you!” Mapang-asar nitong sambit.

“What are your plans now, Mr. Sinead? Will you bring her to the Philippines? Well, and marry her there? I bet I’m right, do I?” Singit ni Axel ng panay ang ngisi. “Jeydiel, Axel, and Shawn will surely be surprised. Ikaw na komplikado ay mag-uuwi na ng babae.” Dagdag pa ni Alex.

Tumawa si Kai. Iyon na naman ang nakakatunaw pa rin niyang ngiti. “I can’t just decide alone, Alex,” nagbaba ng tingin si Kai sa akin. “I want to hear her side. Pero kung ako lang, as much as possible gusto ko na siyang iuwi at pakasalan.” Pinisil ni Kai ang palad ko. 

Nakagat ko ang labi. Gulong gulo ako. May parte sa aking gustong sumang-ayon sa lalaking mahal ko. A part of me that is willing to live with him in his so-called country. Pero paano naman ang bansa ko. Will I drop it down heartlessly? 

Love In Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon