PROLOGUE

1.5K 78 72
                                    

"Kai-bai-bo!" Sigaw ko habang kinakalog ang kamay at nakikipag laro sa mga kaibigan ng rock paper scissors. 

Lubos ang saya ko sa tuwing natatalo ko ang aking kalaro. 

"Ayaw ko na, Rin! Lagi ka nalang panalo! Dinadaya mo na yata ako e!" Angal ni Shi Jae. 

Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga nang bumalik sa aking alaala kung ilang beses akong panalo sa larong iyon. 

Subalit mapaglaro ang buhay dahil minsan,  sinubok ako. Iyong ipinaramdam sa akin na hindi lahat ng laro ay kaya kong ipanalo.

"Rin! Rin! May tao sa bahay niyo!" Ani Ah-Ra.

Nagmadali akong tumakbo patungo sa aming hanok. Sa likod ako dumaan sa pangalawang sikretong pinto para gulatin ang aking mga kapatid at si ina. 

Pinagpagan ko ang mahabang damit dahil sa alikabok nito. Nang nag-angat ako ng tingin ay napako ang mga paa ko sa sahig. Natigilan ako nang tumama ang patalim sa leeg ng aking kapatid. 

Nanigas ako. Pakiramdam ko umatras sa takot ang aking dila. 

"Paslangin ang lahat, walang ititira," sambit nang nakakamaskarang lalaki. Abala sila sa bangkay ng ama at kapatid ko. 

Hanggang sa may humila sa akin. 

"Hye Rin-a," Paulit-ulit ang boses ni ina habang nakatitig sa akin, pula na ang kaniyang mata. Lumunok pa siya habang nakaluhod at nakahawak sa balikat ko. "Kahit anong mangyari, anak.. huwag kang lalabas," 

"Eomma.." Bulong ko habang bumubuhos ang mga luha sa aking mata. Mariin kong tinutop ang sariling bibig. Nanginginig ang aking mga kamay habang nakasilip sa butas ng kabinete na aking pinagtataguan.

Hinatak ako ni Ina at pinasok dito. Pinagtago.

Tanging ang luhang patuloy na pumapatak sa aking mga mata ang makakapagpatunay ng takot na aking nararamdaman nang nasaksihan ko kung paano pinahihirapan si ina, ama at ang dalawa kong nakakatandang kapatid. 

Sa murang edad. Nasaksihan ko kung paano pinaslang ang aking buong pamilya.

Ang larong wala akong nagawa kundi titigan lang. Larong pinadanas sa akin kung gaano hindi makatarungan. Ang larong ibinigay sa akin ng kapalaran at pinakita kung gaano ito kalupit. 

Ang lupit ng larong ito ay bumuo ng sakit at galit habang lumalaki ako at tuluyan ng nagkaisip. Sumusumpang dadating din ang araw at makakaganti ako. Mabibigyan ko ng katarungan ang maaga nilang pagkawala. 

Pinapangako ko na ako mismo ang tatapos sa mga taong pumaslang sa pamilya ko. Mga taong binigyan ako ng dahilan para mabuhay sa galit. 

Abot abot ang kaba ko habang nakahilera lahat ng mga ranggo na pipiliin mula sa amin upang pamunuan ang pamamalakad sa bayan ng hari at sustinahin ang magandang regulasyon para sa mga mamayaan nito. Ang mapipili sa amin ay matataguriang pinuno ng mga ranggo o punong ranggo ng aming kaharian. 

Ang kahariang ito ay matatagpuan sa Norteng bahagi ng bansang Korea. Lugar na mayroong sariling paniniwala at batas na sinusunod. Kung saan walang karapatan ang mga kababaihan. 

Kilala lamang sila bilang isang mahina na nilalang.

Higit sa lahat, ang bansang ito may kakaibang paniniwala at prinsipyo. Dito ay legal ang pagpatay. Hindi mahalaga ang buhay. Ang tao ay parang mga hayop. Hayop na sunod-sunuran. Mga hayop na pagkadaka ay puwede ng patayin.

Itong mga bagay na ito ang gusto kong baguhin. Patutunayan ko na patas ang lahat. Walang mahina at malakas. Lahat ay may karapatan. Babae man o lalaki. Higit sa lahat, dapat nilang malaman na mahalaga ang buhay.

Mula bata ay pangarap ko ang makasama sa mga ranggo. Nais kong mamahala sa bayan ng aming kaharian. 

Para sa isang malaking paghihiganti. 

Kahit anong mangyari ay hahanapin ko sila.

"Byung Woo Rin." Itinindig ko ang aking sarili nang tawagin ang aking pangalan ng punong tagapagsanay.

"Ne, seoksanim." Buong puso kong usal na ang ibig sabihin ay yes, master. 

"Bilang isa sa mga mahuhusay na Ranggo, sa iyo ang nayon." Masigla akong yumuko bilang paggalang.

Sari-saring emosyon ang aking naramdaman lalo na at ang ibig sabihin lang niyon ay nagawa ko.

Pumasa ako. 

"Ne, algessuemnida," itinindig ko pa lalo ang sarili. "Jeongmal gomabseubnida, Seoksanim." Pagpapasalamat ko sa punong tagapagsanay.

Pero hindi ganoon naging kampante ang buong sistema ko sapagkat delikado ang larong pinasok ko. 

Sa bansang ito ay walang karapatan ang mga babae. 

Ngayong isa na akong ranggo, hindi lamang basta pangkaraniwang ranggo ay iisa lang ang maaari kong kahinatnan.

Sapagkat sa oras na malaman nila ang tunay kong pagkatao, kamatayan ang haharapin ko.

Love In Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon