CHAPTER 32

169 14 72
                                    

Rin's POV

"Kaya pala pursigido kang tulungan kami kasi nilalandi mo na si Kaizer!" Patuloy na insulto sa akin ni Ianah na para bang sigurado siya sa mga pinagsasasabi niya. "You're a whore, Bitch! Makati ka pa sa higad!"

"Shut the fuck up, Ianah! You're too much!"

Hindi makapaniwalang tumingin si Ianah kay Kai. "Ano kakampihan mo siya? Iba ka rin talaga 'no? Ganoon ka nalang ba ginayuma ng malanding iyan?"

Mula sa likuran ni Kai ay kita kong gumalaw ang kaniyang panga. Senyales na galit na siya pero pinipilit pa rin niyang kumalma. Samantalang ako ay nanatiling walang imik marahil ay may parte sa sarili kong nagsasabing ako ang mali. Dapat ay hindi ako bumigay kay Kai dapat sana ay sinang tabi ko nalang muna ang nararamdaman ko.

Pero kahit pa ganoon at nakita kami ni Ianah wala akong pinagsisihan sa lahat ng magagandang bagay na nangyari sa pagitan namin ni Kai. Ang lubos na bumabagabag sa akin ay ang katotohanang alam na ni Ianah ang nag-iisang bagay na pinakatatago ko. Pakiramdam ko mas naging komplikado lang ang lahat.

"Kaya pala lagi ka nalang wala! Iyon pala nawiwili ka ng sumama-sama sa malanding ito! It's also the reason why you seemed not problematic on how we can get out of this fucking country!"

"Ianah, please tumigil ka na! What you saw was all matters between me and Rin. You're out of it so please, bumalik ka na sa bahay," Pilit pinahinahon ni Kai ang kaniyang boses. "Your rants won't stop me from loving Rin."

Puno ng galit na umiling si Ianah. "No! I'm not done with her!" Tumingala si Ianah upang mapigil ang mga maliliit na luhang namumuo sa kaniyang mga mata. "Love? You love her? This fast? Apat na taon tayo magkasama, Kaizer! Tapos mas minahal mo pa 'yong sandali mo lang nakasama?"

"Yes, and you can't blame me. I fell," daliang sagot ni Kai. Mas pinag-init nito si Ianah.

Sa halip na magsalita ay sinugod ako ni Ianah. "Lumapit ka rito! Dudurugin ko talaga ang mukha mo! Malandi ka! Malandi!" Hinihingal niyang sigaw ngunit hindi hinayaan ni Kai na dumapo ang ulti mo dulo ng daliri ni Ianah sa akin.

"Fuck! I said stop it! I'm losing my temper!" Tiim bagang na asik ni Kai. Iyong nagbabanta. Napapalunok nalang ako sa nangyayari.

Pabatong inayos ni Ianah ang nagkalat niyang buhok saka may nanlilisik na mga matang tumingin sa akin. "Ano mananahimik ka nalang d'yan? Paaawa effect gano'n ba? 'Wag lang talaga akong makalapit sa 'yo dahil lalagasin ko 'yang buhok mo!"

Napapikit nalang si Kai bago nagpakawala ng malalim na hininga. Nakakalokong tumawa si Ianah matapos pasadahan ng tingin ang kabuuan ko. "I never expected you were this cheap, Kaizer. Tingnan mo nga 'yang babaeng yan. Wala man lang class! She doesn't have the body, the face! Walang hubog ang katawan niya!" Taas kilay niyang asik. Ang paraan niya ng pagtingin sa akin ay napakababa na animo ganoon ako kapangit sa mga mata niya.

Walang pinagbago ang reaksyon ko. Marahil ay wala naman akong pakielam sa sinasabi niya.

"Walang-wala ka sa akin, alam mo ba?" Sarkastikong aniya bago muling nakakalokong tumawa. "But I can't freaking understand why Kaizer's eyes laid on you, you even got him! And this is crazy! Sabagay sabi nga na daig ng malandi ang maganda!" Taas kilay niyang bulyaw bago mataray na pinaikot ang kaniyang dalawang mata.

Pairap ring itinuon ni Ianah ang paningin sa akin. "Coquettishness is really not an exception and you're one of them. Pero sana naman matuto kang kumilala ng pag-aari ng iba! Tinuro rin ba sa 'yo ng nanay mong mang-agaw? O baka naman sa nanay mo mismo ikaw namana ng kalandian? Run through blood, yuck!" Awtomatikong tumiim ang mga bagang ko sa pang-iinsulto ni Ianah.

Love In Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon