CHAPTER 12

276 23 123
                                    

Chapter 12: Goodnight

Rin's POV

Gumuhit ang tuwa sa mukha ng babaeng kaharap namin. Ipon ang kaniyang buhok at may bulaklak sa gitna. Singkit ang mata at pino naman ang labi. Nagbaba ako ng tingin sa kulay puti at bughaw niyang hanbok. 

Siya ang tagapamahala sa mga gisaeng o mga babaeng upahan. Mga babaeng hindi pera ang binigay na kapalit kundi buhay. Kinakailangang magpagamit ng mga upahang kababaihan para mabigyan pa sila ng pagkakataong huminga kinabukasan. 

Ang tulad nilang alipin ay walang magagawa kundi maging sunod-sunuran.

Salitan niya kaming sinulyapan, "Aigoo! Mabuti at nagkusa kayong pumunta rito. Pinoproblema ko pa naman kung saan kukuha ng babae ngayong kulang ang mga babaeng hinihingi sa amin." Kita ko pa ang paglingon sa akin ni Kai nang tumiim ang aking bagang.

Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga. Kung hindi pala kami dumating dito, malamang ngayon ay basta nalang siya kukuha ng babae sa nambukhan. Iyong pwersahang, gaya ng ginawa nila sa anak ng matanda. Si Eun Young. 

Gayon pa man, sa kabila ng pagtiim ng bagang ko, hindi ko pa rin magawang magalit sa babaeng kaharap namin ngayon dahil wala naman siyang kasalanan. Ginagawa niya lang ang tungkuling nakaatas sa kaniya. Tungkulin na mangolekta ng mga kababaihan. 

Naiintindihan ko siya sapagkat sa oras na hindi niya ito gawin, buhay niya mismo ang kapalit. Isa lang din siyang babaeng mahina at sunud-sunuran. 

Walang ibang dapat sisihin kundi ang mga taong may mataas na posisyon tulad na lamang ng hari at presidente. Ang magkapatid na kinamumuhian ko. Para sa akin napakalaking kasalanang isinilang sila sa mundo. 

"Mabuti pa, ihatid ko na muna kayo sa silid upang makapagpahinga. Kailangan niyo ng lakas para bukas," sambit ng babae at nilahad ang daan papasok sa pasilyo.

Hindi katakataka ang pagsasalita niya gamit ang lenggwaheng meron si Kai. Sinabi ko kasing kailangang masanay ni Kai sa pagta-tagalog. Wala siyang ideya na taga labas si Kai at kung magsasalita kami gamit ang korean, malamang na walang maiintindihan ang lalaking kasama ko. 

He'll be in danger too.

"Teka, saan niyo siya dadalhin?" Nangibabaw ang boses ni Kai nang sumabay ako sa babaeng maglakad, samantalang siya ay pinigilang sumunod.

Halos napipikit ako, sobrang laki ng boses niya. May chance na mahalatang lalaki siya at nagpapanggap. 

Napalingon ako sa taga pamahala nang nagtataka niyang sinulyapan si Kai. 

Pinandilatan ko ng mata si Kai, bigla siyang natauhan. Pilit ang ngiting hinarap niya ang babae habang maarteng hinawi ang kaniyang pekeng buhok. "I mean—" nginitian ko si Kai ng todo, sinasabing umayos siya. Kung anong ngiti ng labi ko ay siya namang talim ng aking mata. 

Naging mabilis ang pangyayari, nakabawi rin siya. "Ang ibig kong sabihin, saan niyo siya dadalhin? Hindi ba dapat na magkasama kami?" Nagawa niyang paliitin ang boses na animo'y isang napakahinhin at maliit na dalaga. Gayong napakalaki niyang pahamak!

Nilingon ako ng tagapamahala, "Ihahatid ko na siya sa kaniyang silid," inosenteng niyang untag. Agad na kumibot ang mga labi ni Kai.

Tinitigan ako ng babae, "Magkaiba ang silid na tutuluyan niyo," hindi ko nagawang alisin ang kamay niyang dumapo sa aking pisngi. "Nakabibighani ang ganda mo. Sa isang espesyal na tao kita irereserba."

Halos napalunok ako. Nang lingunin ko si Kai ay madiin ang pagkakadikit ng kaniyang bagang. Kita iyon sa kaniyang panga. Maging ang magkasalubong niyang kilay ay hindi nakaligtas sa paningin ko.

Love In Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon