CHAPTER 23

184 15 161
                                    

Blessed birthday to my best in everything, I'm kinda not showy but she's the best. You're in a legal age now. Come on! Tanda mo na haha. Wishing for your good health and success. Hope that God give extension not only to your life but to our friendship as well. You and Gels made me realized that the best kind of friendship is a God centered relationship. I love you always. I can't wait to see you again after this lockdown. Still misses you, stay safe, gott. Enjoy your day. Again, happy birthday. ♡︎

Rin's POV

"Nakahanda na ba ang lahat?" Tanong ko kay Min Jun habang sabay kaming naglalakad sa tagilirang pasilyo ng palasyo ng Hari at Reyna.

Itong palasyong ito ay isang tipikal na bahay lamang. Hindi ito gawa sa nagtatayugang mga bato at bakal. Para lang din itong normal na hanok ngunit gawa ang iba't-ibang parte nito sa mataas na kalidad na kahoy at iba pang materyales. Maging ang mga plorera ay gawa sa purong ginto.

Karaniwan sa mga kagamitan dito sa palasyo ng hari ay mga antigo. Mula sa lamesa, upuan, karpet at mga paintings. Nagmula pa ang mga ito sa mga sinauna naming ninuno. Malamang na nakagawian na ng Norteng yakapin at mahalin ang mga sinaunang tradisyon.

Sa usapang kalinisan, walang makakatalo sa palasyo ng kamahalan. Ang kulay brown na sahig nito ay halos kuminang sa kintab. Walang ni isa mang mata ang magkakaroon ng pagkakataong dumapo sa malibag na puwesto. Marahil ay maselan ang Hari.

Ang isa pang pinagkaiba ng palasyo ng hari sa ibang magagarbong bahay dito ay mahaba at malawak ito. Tama lang para sa mag-asawang Hari at Reyna. Sa pasilyo naman nito ay may mga kawal na nagbabantay sa bawat sulok upang masiguro ang kaligtasan ng kamahalan.

Sa labas ng palasyo ay may isang malawak na espasyo. Dito isinasagawa ang mga normal na pulong kung sakaling may iaanunsyo ang Hari sa mga ministro, kawal, at ranggo.

Dito rin sa espasyong ito pupugutan ng ulo ang anim na rebeldeng sangkot sa pagsunog ng bayan namin at sa tangka nilang plano laban sa Reyna.

Nang tuluyan na kaming makapunta sa harapan ng palasyo ay agad kong idinako ang sariling mata sa anim na rebelde. Isa-isa silang nakaupo sa anim na bangko habang nakatali ang kanilang katawan.

Ang ilan sa kanila ay pipikit-pikit na nakatingala habang sinasalubong ang sikat ng araw dahil na rin siguro sa hirap ng kanilang dinanas. Malamang na lahat ng mga nagkakasala ay pinahihirapan muna bago pugutan ng ulo. Kaya naman hindi na kataka-taka ang karumaldumal nilang itsura ngayon. Pare-pareho silang walang damit pang-itaas at talaga namang lumalatay ang hampas ng latigo sa kanilang katawan. Makikita mo ang bawat bahid ng dugong bumabalot sa katawan nila.

Sa likuran ng bawat isa sa kanila nakatayo ang mga Ranggo'ng may sari-sariling hawak na espada. Sila mismo ang pupugot sa ulo ng mga lapastangang rebelde.

"Tanungin silang muli," malaking tinig ng Hari. Kaya naman napalingon ako sa likuran ko. Kung saan nakatapat ang pinto. Sa loob nito naroroon ang Hari. Nakaupo mismo sa kaniyang trono.

Sa ganitong pagkakataon, hindi lumalabas ang Hari para personal na makita ang mga taong papaslangin. Ang Hari ay nananatili sa loob ng kaniyang palasyo habang kalapit ang Reyna. Nakikinig lamang sila.

"Sino ang nasa likod nitong kalapastanganang ito? Anong dahilan ng rebelyon ninyo laban sa Reyna?" Tanong ng Ministro ng hukom na si Ministro Jang. Nakatayo siya malapit sa kaliwang bahagi ko kasama ang iba pang mga ministrong naka-suot ng pulang Hanbok.

Nang tapunan ko ng tingin ang mga rebelde ay walang nagbago sa ekspresyon nila. Wala silang balak na sumagot man lang.

Nilingon ako ni Ministro Jang para tanguan. Senyales na dapat ko ng gawin ang gawain ko bilang Ranggo.

Love In Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon