CHAPTER 35

158 13 40
                                    

Rin's POV

Pang-limang araw na akong gigising na ganitong klase ng buhay ang aking sinasalubong. Iyong malayo sa nakasanayan namin ni Kai.

Pinanindigan niya ang bagay na sinabi dahil hindi na niya ako kinulit pa. Nakakapanibago man pero hindi na ako nilalambing ni Kai. Kahit pa kinakausap niya pa rin ako sa napaka-kaswal na paraan. Minsan rin ay nahuhuli kong ninanakawan niya ako ng tingin.

Aaminin kong hinahanap hanap ko ang mga yakap at matatamis niyang salita ngunit pinipilit ko itong baliwalain tutal ito naman ang aking gusto. Sa tuwing binabalikan ko ang mga masasayang sandali naming magkasama ay parang may tila maliliit na karayom sa aking dibdib. Paulit-ulit silang tumutusok sa aking puso at napakasakit niyon.

Iyon bang mapapaisip nalang ako na sana ay panghabang-buhay nalang kaming masaya at magkasama. Na sana ganoon nalang kami lagi. Na sana hindi nalang kami dito nagkita. Na sana nasa lugar kaming malayo sa Norte kung saan malaya naming magagawa ang sinisigaw ng aming puso.

Sana nasa ibang lugar nalang kami nang sa gayon ay maisigaw ko kung gaano ko siya kamahal.

Napatagilid nalang ako ng higa nang maalalang hindi ko pa nasasabi kay Kai kung gaano ko siya kamahal. Kung gaano ako kinikilig sa mga pinaparamdam niya sa akin.

Alam kong hindi ako showy pero hindi naman ako manhid para hindi makaramdam. Para hindi maramdaman ang pagmamahal ni Kai. Babae pa rin ako at may epekto sa akin si Kai. Ang laki ng epekto niya lalo na sa aking puso na natatakot akong mapahamak siya. Kinakatakot ko pa ang kapahamakan niya kaysa sa sarili kong kapahamakan.

Nakakatawa man pero ganoon ko siya kamahal.

Sinabi kong tumigil na siya pero hindi ibig sabihin noon ay kakalimutan ko na siya. Simula nang sandaling makilala, ayuin, yakapin at halikan ako ni Kai, tinatak ko na sa sariling siya lang ang lalaking magmamay-ari sa aking puso.

Si Kai lang ang mamahalin ko sa ilalim ng bughaw na kalangitan. Mamahalin ko siya kahit walang kasiguraduhan ang takbo ng aking buhay.

Bago pa ako tuluyang lamunin ng malungkot na isipin ay bumangon na ako para magbihis at bumalik sa palasyo.

Subalit sa kasamaang palad ay paglabas ko nang pinto ay siya namang daan ni Ianah. Mabilis siyang napatigil at pairap na sinalubong ang aking tingin.

Ito palang ang unang unang beses na nakita ko siyang muli matapos ng nalaman niya tungkol sa akin. Hangga't maaari kasi ay iniiwasan si Ianah.

"Hanga din naman ako sa 'yo." Sarkatikang asik niya. "Sa buong buhay ko, hindi ko pa nakitang lumuhod sa harapan ko si Kaizer para lang makiusap na tigilan kita at itago sa iba ang nalaman ko tungkol sa 'yo!" Puno ng hinanakit na sambit ni Ianah.

"G-Ginawa niya iyon?" Hindi makapaniwala kong tanong.

"Oo!" Nakakaloko niyang anas. Bago tinulak ang magkabila kong balikat. "Dont let your guard down, two faced Rin, because I will do everything to make Kaizer come back to me again." Putol niya. "Even if it'll harm your life." Bigla ay naging seryoso ang kaniyang mukha.

Nanatili lang akong nakatitig sa kaniya bago ko nakita ang ngisi sa mga labi ni Ianah. "I'm also warning you to be careful. Hindi mo pa kilala si Kaizer." Sinuyod niya ng tingin ang buong katawan ko. "Baka tulad ko," putol niya saka pairap na inalis ang paningin sa akin. "Isa ka lang sa mga babae niya."

Sandaling inayos ni Ianah ang buhok bago muling nagsalita. "Ako na ang nagsasabi sa 'yo, hindi mo pa kilala ng husto si Kaizer. Baka sa sandaling makuha na niya ang gusto niya sa 'yo ay balewalain ka na niya. Iyon bang isa ka nalang sa mga napagsawaan niya." Makahulugang sambit ni Ianah.

Love In Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon