CHAPTER 10

297 24 124
                                    

Chapter 10: Chirp

Rin's POV

Nilagpasan ko siya sa halip na tanggapin ang kamay niyang nakalahad sa harapan ko. Walang lingon akong naglakad palayo. 

Lumunok ako ng mariin. Sinisiguro kong iyon na ang huli. Isang malakas na halakhak ang narinig ko sa kaniya bago siya humabol sa akin. Pinagtalunan ng isip ko kung ipupusod ko pa ba ang aking buhok. 

Sa huli, napagdesisyunan kong wag nalang itong baguhin dahil magmumukha lang akong konserbatibo. Mas paghihinalaan niya ako. 

Humalakhak si Kai nang nagpantay ang aming lakad. "Next time watch your step, Rin."

Gusto kong maging sarkastika gayong siya ang may gawa kaya nangyari sa akin iyon. Kung hindi niya sana ako inakbayan, hindi ako titiwarik. Sa pangalawang pagkakataon, minabuti kong hindi kumibo. Ayaw kong kausapin ang abnormal na si Kaizer. 

Umangat ang kamay ni Kai kaya naalerto ako. Nagulat siya nang hinuli ko ang kaniyang braso ng walang tingin at buong puwersa itong pinaikot. Matunog siyang dumaing nang bitawan ko ito. 

Hindi na siya makakaulit.

Ngumiwi siya sa sakit, "Damn! Are you going to break my arm?" Suminghap si Kai at umangal habang hinihilot ang braso. "I didn't know you were this brutal!" Sumilay ang ngisi sa mga labi ko.

Pasinghal akong nag-angat ng tingin sa kaniya. "Watch your distance, man, if you don't want me to be this brutal," sumabay pa rin siya nang tumalikod ako. 

"Bakit masama bang umakbay sayo? Normal lang iyon! Gano'n kami ng mga kaibigan ko. That's why I did not hesitate to put my arms across your shoulder!" He explained.

Ngiwi ang iginati ko, "We're not friends, okay? So, stop bothering to do that nonsense." I uttered straight to the point.

Hindi pinalagpas ng tainga ko ang buntong hininga ni Kai, "Yeah, right. Besides, I don't want us to be just a friend. I can give you something more than what I did," nalukot ang aking noo. "I'm only waiting for a perfect timing where you're ready to like it and wholeheartedly willing to accept it." Nilingon ko siya na para bang kontrolado niya ako.

Masuyo siyang ngumiti kaya binalik ko ang tingin sa daan. "You're so talkative. Can you please shut your mouth? You're not helping!" 

Tinawanan niya lang ako. Wala siyang ibang ginawa kundi tumawa, ngumisi, at humalakhak. "Oh, come on! Why? Am I distracting you, baby? Tell me." Nakangising aniya.

Naglabas ako ng hangin sa bibig, "Why would I?"

"Is it because of my handsome face?" Patanong niyang sagot. 

I sighed, nauumay, "Stop your silly imagination, Kai." 

He softly glanced at me,"I'm starting to love my newest nickname now." 

"Shut up, will you? I'm losing my patience!" Binantaan ko si Kai, puno ng pagtitimpi. 

Pinangako ko sa sariling matapos lang ang lahat ng ito, hindi ko na ulit hahayaang magtagpo pa ang mga landas namin. 

Pinaghawak niya ang kamay sa likod "I won't stop. I'll talk whenever I want." Umikot ang mata ko sa napapagod na paraan at hindi na muling kumibo.

"Stop staring or else I'll break every inch of bones you have." Naasiwa ako sa titig ni Kai. 

He smiled, sa maginoong paraan, "You look wonderful with your hairstyle." Kinapa ko ang buhok, wala sa sarili. Sinamaan ko siya ng tingin. Sinisiguro kong makikita sa mga mata ko kung gaano nauubos ang pasensya ko ngayon.

Tinutok ko kay Kaizer ang paningin habang ang kanan kong kamay ay abala sa bagay na ginagawa. Tumigil ako at sinenyasan siyang lumapit.

"Why?" Tumaas ang kaniyang kilay, nagtataka man ay lumapit siya sa akin. Napansin ko ang kataasan niya kaya para wag mahirapan,  sinenyasan ko siyang lumapit pa.

Love In Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon