CHAPTER 29

167 17 47
                                    

Hi! Don't forget to vote, comment and follow me for updates <3

Rin's POV

Maaga akong nagising kinabukasan. Sa tanggapan na rin ako nag-umagahan bago tuluyang naglinis ng katawan. Pinatuyo ko pa muna ng maayos ang buhok ko bago ko ito itinali gaya ng tipikal na ayos nito. Ito rin ang dahilan kung bakit ako natagalan. Ngayong araw ay uuwi ako sa bahay.

Habang naglalakad sa paroroonan ko. Bawat mga ranggo o kahit mga tagapaglingkod na nasasalubong ko ay nginingitian ako. Ginagantihan ko naman iyon. Minsan pa ay babatiin nila ako ng magandang umaga. Tango lang ang sinasagot ko. Hindi naman kasi ako iyong tipo ng taong pala bati.

Nakapikit kong sinalubong ng tingin ang araw habang ang aking dalawang kamay ay magkahawak sa likuran. Ang sarap sa pakiramdam ng katamtamang init na idinudulot nito sa aking katawan. Nakaka-relax.

Dahil nasa kondisyon akong maglakad, hindi ko na tinawag pa ang puti kong kabayo. Tutal mas mabuti iyong napapraktis ang katawan.

Bawat lugar na nadadaan ko ay may mga batang naglalaro. Ang ganda nilang pagmasdan. Kung titingnan sila ay para bang nakatira sila sa payapang lugar. Walang lungkot na mababasa sa kanilang mga mata. Marahil ay mga inosente pa sila at wala pang muwang sa mundo.

Mapait akong nangiti dahil no'ng panahong ganiyon ang edad ko, pulos sakit na ang bumabalot sa puso ko. Hindi ko man lang na-enjoy ang pagkabata. Iyong walang araw na hindi ako umiiyak dahil sa pananabik sa kalinga ng isang pamilya. Pamilya na kinuha sa akin ng mga walang habag na tao.

Siguro nga habang buhay ko nalang mararamdaman ang sakit na mawalay sa pamilya. May parte sa aking nawawalan ng pag-asa na mahahanap ko pa ang tao sa kabila ng pagpaslang sa aking pamilya. Ilang taon na akong naghahanap ng kasagutan ngunit panibagong problema lamang ang aking nakukuha. Senyales ba ito para tumigil na ako?

Iyong ipagpapatuloy ko nalang ang normal na buhay dito sa Norte. Mas pagbubutihin ko pa ang tungkulin ko bilang isang ranggo. At higit sa lahat mas pagbubutihin ko pa ang pagtatago ng tunay kong kasarian. Minsan din ay naisip ko na mabuhay bilang isang normal na babae. Iyong walang pinoproblema ngunit sa oras na tumiwalag ako sa posisyon bilang ranggo mas lalo akong mahihirapan dahil sa aking simbolo.

Isa sa mga dahilan kung bakit ako naging ranggo ay para maitago ang simbolong mayroon ako. Dahil kapag pumasok ka bilang ranggo, ang buhay mo ay nakalaan para sa bayan. Bilang utang na loob, ang simbolong mayroon ka ay hindi mo pwedeng ipakita sa kahit na sino. Mananatili iyong sikreto. Pagpapakita ng paggalang sa mga ranggo.

Itong simbolo na ito nalang kasi ang naiwan sa akin ng aking pamilya at gaya ng natatandaan kong sinabi sa akin ni Ina. Kailangan ko itong ingatan at wag hahayaang makita ng iba. Kung bakit niya sinabi ito ay wala akong ideya. Ni ang tingnan ang simbolong ito ay hindi ko ginagawa. Pakiramdam ko kasi mas masasaktan ako kapag nakita ko ito. Kahit pa ito nalang ang alaalang pinanghahawakan ko, wala pa rin akong interes na tingnan kung ano ang itsura nito.

Hindi ko alam kung anong maling nagawa ko noong past life ko at hinayaan akong mabuhay sa ganitong klase ng bansa. Bansa na may hindi pangkaraniwang batas at paniniwala.

"Rin," natinag ako sa pag-iisip sa madrama kong buhay nang marinig ko ang tinig na tumawag sa aking pangalan.

Agad ko itong nilingon. Ngayon ko lang din napansin na malapit na ako sa bahay. "Hey!" Naaasiwang bati ko.

Nginitian ako ni Min Jun ngunit taliwas sa emosyon niya ang pinapakita ng kaniyang mga mata. "Buti naabutan kita," kamot ulong aniya.

"May problema ba?" Marahan kong tanong na isa-isang binanggit ang bawat salita.

Love In Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon