CHAPTER 18

213 19 141
                                    

Rin's POV

Sa kabila ng pinagsamang kaba at hapdi na nararamdaman ko. Nanatili pa rin akong nakatunghay ngayon kay Kai habang pinipilit tumayo. Mariin ang naging pag-ingit ko nang pagtayo ko'y agad din akong bumagsak. Para bang naparalisa ang kanan kong hita. Ang hiwa dito ay talaga namang nagdulot ng matinding panghihina sa buong katawan ko.

Pabatong binitawan ni Kai ang palaso habang seryosong inalis ang paningin sa mga rebelde. Nagbaba siya ng tingin sa akin. Nang sandaling harapin niya ako ay biglang nawala ang pagkakunot ng kaniyang mga noo.

"Don't move," pigil niya sa tangka kong pagtayo. Ngunit ganoon nalang ulit ang pagbagsak ko nang hindi ako nakinig sa sinabi niya. Tumayo pa rin ako. Mabuti nalang at nakapaningkayad siyang naupo sa harapan ko. Agad kong hinawak ang sariling kamay sa bisig niya. "Stubborn wo-," hindi na niya naituloy ang sasabihin ng sandaling magtama ang mga mata namin. Literal akong napatitig sa kaniya. Dahil sa bagay na sinabi niya. Wo? Ako na rin ang pumigil sa sariling naisip.

Tuloy ay ito na naman ang kaba sa dibdib ko. Hindi na mawala-wala. Nagsisimula na rin akong pagpawisan ng malamig.

Si Kai ang unang nag-iwas ng tingin. "Bakit ba napakatigas ng ulo mo?" Inis niyang asik saka marahas na pinunit ang dulong bahagi ng hanbok niyang suot.

Hindi ko na nagawang pigilan ang paghawak niya sa hita ko. Tinalian niya ito para pansamantalang tumigil ang dugo. "There's something on their weapons. Something like a poison. Pinangitim agad nito ang sugat mo," bulong niya matapos sa ginagawa.

"I noticed it too," mahinang aniko. Marahil ay napakalapit ng mukha namin sa isa't-isa.

"How does it feel? Can you stand?" Nag-aalala niya pang dagdag. Pilit lang akong tumango.

"Kailangan ka ng mga kaibigan mo," namamaos kong usal na kinaalerto niya.

"What the hell, baby! What's with that voice? I'll kill them all!" Natutuliro niyang asik habang kinakapa ang pisgi ko. Buong lakas kong tinabig ang kamay niya.

"Don't mind me," nilingon ko ang mga rebelde na ngayon ay pinagmamasdan kaming dalawa ni Kai. Ang paraan nila ng pagtingin ay tila ba nagsasabing pinagbibigyan lang nila kami dahil ito na ang aming huling araw. "Ang mga kaibigan mo, they need you. Intindihin mo sila!" Usal ko nang lingunin ko sila Alex at Kyler.

Tingin ko pa lang kay Kai ay alam kong nakakontra na siya agad. "No, matagal mamamatay ang mga 'yan. For now, you needed me the most. Tingnan mo nga 'yang itsura mo! You looked beautifully awful!" Matapos ay tinulungan niya akong tumayo. Pasimple niya pang hinawak ang kamay sa bewang ko. Marahan niya akong inangat. Dahil sa sitwasyon ko ngayon ay hindi ko magawang makaangal.

"Baby, I need answers," bulong niya nang tuluyan na kaming makatayo. Ang bulong niyang iyon ay nagdulot ng tila ba mga dagang nagrarambulan sa dibdib ko pababa sa tiyan ko. Bago pa man ako makapag-react ay nakarinig na ako ng isang sigaw.

"Shoot them!" Utos ng isang lalaki sa may hawak ng pana. Agad naman nitong ipinuwesto ang pana patutok sa gawi namin ni Kai. Bahagya niyang hinatak ang nocking point nito. Handa na sa pag-atake.

Walang takot na tinitigan ni Kai ang lalaking may pana. Ganoon nalang ang gulat ko kay Kai nang mabilis niyang sinipa ang bato na nasa harapan ng kaniyang kanang paa. Pataas niya itong sinipa saka sinalo gamit ang sarili niyang kamay. Marahas niyang binato sa noo ang lalaki. Matapos nito, ang tanging alam ko nalang ay nakahandusay na ang lalaki kasama ang kaniyang pana.

Nakamaang akong napatitig kay Kai. Hindi ko inaasahang marunong din siya sa pakikipaglaban. Isang pasimpleng kindat lamang ang natanggap ko mula sa kaniya. Kindat na puno ng pagmamalaki. Matapos niyon ay nginisihan niya naman ako. Iyong ngising magpapakita kung gaano siya ka gwapo.

Love In Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon