CHAPTER 17

211 19 156
                                    

Rin's POV

Pino at sigurado ang mga galaw na nagtungo ako sa kulungan. Ang kulungan ng mga rebelde ay nakahiwalay sa kuta nila. May kalayuan ito. Kulungan na kinalalagyan ngayon ng mga kasamahan ni Kai. Sigurado ako dito dahil wala namang ibang paglalagyan sa kanila kundi dito lamang. Bago ako tuluyang magtungo dito ay nagbihis na muna ako. Iyong tipikal kong damit, hanbok na itim. Sinadya kong magbaon ng damit. Nakasabit ito sa sinturong suot ko sa loob ng chima o palda. Ang tradisyonal na suotin dito sa Norte. Marahil ay hindi ako sanay gumalaw kapag nakadamit pangbabae. Pakiramdam ko ang bigat ng dinadala ko. Iyon bang pakiramdam na napakahina ko.

Ganoon nalang napakunot ng matindi ang noo ko nang madatnang walang bantay sa kulungan. Tahimik ang labas nito. Mas lalo tuloy akong naalerto dahil mas tahimik, mas delikado.

Nagpalibot-libot ng tingin ang mata ko ngunit ni isa ay wala akong namataang kakaiba maski presensya ng kahina-hinalang tao. Hindi na ako nagdalawang isip. Agad kong pinasok ang loob ng kulungan. Bumungad sa akin ang tatlong magkaharap na selda. Bali anim na selda lahat ang meron sa loob. Maalikabok na sahig at maiitim na bakal ang nagsisilbing harang dito. Madilim din sa loob dahil kulong ito, sapat lamang para makakita. Tanging maliliit na bintana lang ang pinagmumulan ng mumunting liwanag. Marahan akong gumawa ng hakbang sa mahaba at deretsong pasilyo habang isa-isang tinatapunan ng tingin ang loob ng selda. Ang unang magkaharap na selda ay walang laman. Ganon din sa sumunod. Siguro ay nasa dulo sila.

Hindi nga ako nagkamali dahil nang marating ko ang huling selda, bumungad sa akin ang limang bulto ng tao. Tatlong babae at dalawang lalaki. Sa itsura palang nila ay batid ko ng taga labas sila.

Isa-isa kong sinalubong ang mga paningin nila matapos ay nagbaba ako ng tingin sa bagay na inuupuan nila. Sa mga bagay na naroroon kasama nila. Kunot noo ko silang tiningnan muli matapos ay nagbuntong hininga. Kahit sarili ko ay hindi maipaliwanag ng tama kung bakit kompleto sila sa gamit gayong taga labas sila. Bakit may banig silang ginagamit para higaan? Bakit may pangsalo sila ng ulo? Bakit nagkaroon ng lamesa sa loob ng selda na puno ng pagkain? Maging ang hanbok na suot nila ay malinis.

Hindi ito ang inaasahan kong dadatnan kong kalagayan nila. Inaasahan kong karumaldumal na ang itsura nila. Bagay na normal lang sa mga taong pumapasok sa bansang ito. Aksidente man o hindi. Dahil malamang na parusa agad ang sasalubong sa kanila. Pero sa kalagayan ngayon, para lang silang normal na taga Norte. Iyon nga lamang, sa kulungan sila tumutuloy. Nakapagtataka. Anong pinakain nila sa mga rebelde at tila ba masyado silang inalagaan.

"What again? Can you please get lost of our sight if you're not gonna let us out in this disgusting cell!" Mataray na bulyaw sa akin ng babae dahilan para mapunta sa kaniya ang paningin ko.

"Shut up and just be quiet, Ianah!" Pasigaw ngunit may kahinaang asik sa kaniya ng lalaki.

Maarteng umasta na parang maiiyak si Ianah. Iyon bang parang ang sakit ng sinabi sa kaniya ng lalaki. "Ate Gwayne.." pagsusumbong niya sa isa pang babae.

Nilingon naman ni Gwayne 'yong lalaking sumaway kay Ianah. "Kyler, don't shout her," mahinahon ngunit may diing anito.

Nang sandaling tapunan ako ng tingin ni Kyler bago tumingin kay Gwayne ay napansin kong may hawig siya kay Kai. Nasisiguro kong magkapatid sila. "I'm not, come on, hon! I just want a peace of mind," katwiran ni Kyler.

Muli akong bumuntong hininga. Hindi ko alam pero kusang tumigil ang mga mata ko kay Ianah. Tinaasan niya ako ng kilay bago inirapan. Napangiwi nalang ako. Pinipigil ang sariling huwag dukutin ang kaniyang makasalanang mata. Hindi ko inalis ang tingin sa kaniya. Pairap akong tiningnan muli ni Ianah. "What now? What are you doing here? Are you going to kill us?" Pagtataray niya. Hindi ko nagustuhan ang inasal niya. Para sa isang taong taga labas at nanganganib ang buhay. Hindi nararapat ang ganiyang asta.

Love In Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon