CHAPTER 13

275 19 215
                                    

Chapter 13: Sumpa

Rin's POV

Wala na ulit namuntawing usapan sa aming dalawa nang nag-goodnight na siya. Nakatalikod siya at pakiwari ko tulog na.  

Sa ilang araw kong kasama si Kai napansin ko ang kaartehan niyang taglay. Pabuntong hininga kong inalis ang paningin sa kaniya bago tuluyang humiga. Siniguro ko ang pagitan sa aming dalawa. Nakatagilid din at nakatalikod sa kaniya.

Pinagdikit ko ang palad saka nilapit sa pisngi. Bigla ay napaisip ako. Hindi kaya may ideya na siyang babae ako? Pero ni minsan naman ay hindi niya ito sinabi sa akin.

Prangka at walang preno ang bunganga ni Kai kaya kung may nalalaman siya tungkol sa akin, hindi kataka-takang sasabihin niya iyon.

Di-diretsuhin niya ako. Subalit sa kalagayan ngayon wala siyang ibang ginagawa kundi ang magsabi ng mga bagay na nagpapatibok ng mabilis sa puso ko. Masyado niya akong nililito. Hindi ko siya mahuli. 

Bumibilis ang tibok ng puso ko dahil kinakabahan ako. Iyon lang. Walang dapat na maka-alam sa pinakatinatago-tago kong sekreto. Marahil sa oras na may makaalam nito, hindi lang ako mapapahamak kundi may tiyansa ring mabulilyaso ang plano kong paghihiganti. 

Kung may kahinaan man ako ay iyon ang katotohanang babae ako. 

Kahit malamig ay hindi pa rin nakaligtas ang pawis sa aking palad. Dumagundong ang kaba sa buong sistema ko.

Isa akong ranggo, a grand rank at bilang isang babae lubhang mapanganib ang bagay na pinasok ko.

Walang kapatawarang kaparusahan ang maaaring ihatol sa akin. Ang pagpapanggap ay kataksilan at labag sa batas ng bansa namin.

Sa oras na may makalaman na babae ako. Nasisiguro kong bago pa man ako hatulan ng kamatayan ay titingnan muna nila kung anong simbolo ang meron ako. Iyon ang pinaka-ayaw kong mangyari.

Ayaw kong humantong sa puntong magiging kasaysayan sa buong North Korea ang kasuklam-suklam naming simbolo. Ang simbolong iningatan at minahal ng aking ama't ina. Bilang nag-iisa nilang babaeng anak ay handa ko rin itong ingatan. Iyon nalang ang natitira nilang alaalang hanggang ngayo'y hawak ko. 

Tuloy, biglang pumasok sa isipan ko ang huling sinabi sa akin ni Ina bago siya paslangin. 

"Kahit anong mangyari, mabuhay ka, Hye Rin... pakaingatan mo ang simbolong meron ka... huwag na huwag mong—"

Mariin akong napapikit habang iniinda ang mumunting kirot na gumuhit sa aking dibdib. Sa sobrang mura ng aking edad, hindi ko magawang alalahaning mabuti ang kaniyang huling sinabi.

Ang tanging alam ko lang ay kailangan kong mabigyan ng hustisya ang pagkamatay nila. 

Wala sa sarili kong nilingon si Kai nang hindi gumagalaw ang katawan, tanging ang mata ko lang. Hindi nagtagal ang paningin ko. Inalis ko iyon at tinutok sa aking harapan. 

A sudden thought runs around my head.

Ano kaya ang ambag niya sa buhay ko?

May paniniwala ang mga taga Norte na bawat taong dumarating sa buhay ng isang tao ay mag-iiwan ng isang ganapin. Maaring aral at reyalisasyon. Winaksi ko ang sariling pagninilay-nilay. 

Iniling ko ang ulo. Bakit ko nga ba siya iniisip? Mabuti pa kung itulog ko nalang ito at ipahinga.

Ipinikit ko ang mga aking mga mata. Pinilit kong mag-concentrate para makatulog. Hindi naman ako nahirapan dahil ilang minuto lang ay tinangay na ako ng sariling antok.

Kalaunan ay naalimpungatan ako. Kahit anong klase ng higa ang gawin ko, hindi ko mabalik ang tulog. Halos wala pang isang oras pumikit ang aking mata. I feel uncomfortable.

Love In Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon