CHAPTER 5

367 41 71
                                    

Chapter 5: Baby

Rin's POV

"Rin… Why… Why are you doing this?"

Sarkastika akong naglabas ng hangin sa bibig. Walang kwenta ang tanong niya. Malamang na ginagawa ko ito sapagkat kailangan. Kailangan dahil napaka-tanga niya. Isusuot nalang ng tama ang damit, hindi pa magawa.

Lalo lang kaming tumatagal. Naaasiwa ako sa kakaibang paraan niya ng pagtingin sa akin. Iyong tingin na para ba'ng binubuklat niya ang buong pagkatao ko.

Kung wala lang talaga akong kailangan sa lalaking ito. 

Pabuntong hininga akong lumayo sa kaniya, "Malamang dahil hindi mo kayang isuot ng maayos iyang damit." Sambit ko. 

Ang mga titig niya ay hindi pinalampas ng aking pakiramdam. Sadyang naiilang ako. Sa lahat ng lalaking nakasalamuha ko, itong lalaking kaharap ko lang ang may kakaibang awra at epekto sa aking sistema

Tama ba namang ipakita niya ang mahiwagang bagay na nagtatago sa pang-babang kasuotan niya.

Aaminin kong aksidente iyon pero… omo jinja! Hindi mawala sa aking utak, na tila ba sa tuwing titingin ako sa kaniya ay iyong bagay na iyon ang aking nakikita. Aaminin kong nakakagitla talaga ang itsura niyon. Ang birhen kong mga mata ay nakita ang isang malaking kasalanan. 

A veiny sin. 

At sa sobrang laki niyon ay tila hindi kakasya sa lugar kung saan ito pumapasok.

Pinilig ko ang sariling ulo. Ang inosente kong pag-iisip ay nagsisimula ng dumumi, kahit sabihin ko pang kinalimutan ko ng isa akong babae simula nang pasukin ko ang mundong ito. Ang mundo bilang isang Ranggo. Hindi pa rin maikakaila ang katotohanang babae pa rin ako. May epekto sa akin ang nakita ko. Pakiramdam ko nagpapaulit-ulit ito sa mata at utak ko. Nakakabaliw.

Nag-angat ako nang tingin sa kaniya nang nagsalita siya. Hindi ko rin itatangging may itsura si Kai. Itsura niya lang siguro ang walang epekto sa akin. Kahit gwapo siya, para sa akin ay hindi siya kaakit-akit.

"Fuck, there's really something wrong with you. Why are you making me feel this way?" Asik niya.

Bigla ay bumilis ang kalabog ng aking dibdib. Hindi dahil may kakaiba akong nararamdaman para sa kaniya. Kundi iyon ay ang katotohanang baka malaman niya ang tunay kong pagkatao. Wala pang kahit sino ang nakaalam noon. Tanging si Kai lang ang sa simula't sapul ay pinagkamalan akong babae. Samantalang normal lang naman ang kinikilos ko. Maliban nalang kahapon nang nakita ko siyang naliligo.

Wag niyang sabihin na hindi tumalab ang aking palusot!

"Ano ba'ng sinasabi mo?" Pinilit kong tingnan ang matipuno niyang mukha. Hindi pa rin niya inaalis ang titig sa akin.

Nakagat niya ang pang-ibabang labi, saka bumuntong hininga. "Nothing, just don't mind me," sa itsura niya ay para bang ang dami niyang problemang iniisip. "Can we go now? I need to see my brother and friends. I'm really worried for them.." He changed emotion, and became serious.

Tumango ako, "Got it. Pero mas mabuti kung kumain muna tayo bago natin simulang hanapin ang mga kaibigan mo." Usal ko bago nagsimulang maglakad. Ramdam ko ang pagsunod niya subalit hindi na ako nag-abalang lingunin si Kai. 

Hangga't maaari gusto kong tumulong. Gusto kong makatulong kahit sa iba man lang. Bagay na hindi ko nagawa sa pamilya ko dati. Hindi ko sila nagawang tulungan. Kaya ito ako ngayon. Patuloy na naghahanap ng hustisya. Isa sa mga dahilan kung bakit ako naglalakbay ngayon ay para matunton ang kuta at pinuno ng mga rebelde. Mga rebelde na sumunog sa bayan na kinabibilangan ng pamilya ko.

Hindi porke't isa ako sa limang matataas na ranggo ay mauupo nalang ako. Uutusan ang mga ibang mas mababa sa akin  at aasa sa kanila.

Iba ang usapan dito sa North Korea. Sapagkat sa oras na mapabilang sa isang mataas na posisyon ay malaking responsibilidad ang gagampanan. Kailangang ako mismo ang gagawa upang tularan ako ng mas nakakababa sa akin. Marahil paano magiging responsable ang mga may mababang pwesto kung ang mismong nakakataas ay iresponsable.

Love In Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon