CHAPTER 24

156 18 138
                                    

Rin's POV

Madilim na nang makarating kami ni Kai kina Hong Eun para kaunin ang iba pa niyang kasamahan. Hindi rin kami agad pinaaalis ni Hong Eun dahil nagprisinta itong pakainin muna kaming lahat bago kami umalis.

"Ingat kayo lagi," paalam ko kay Hong Eun matapos kumain. Nginitian ko pa muna ang anak niyang si Eun Young. "Galke," We'll go ahead. Ani ko pa habang nakatayo sa harapan ng pinto.

Napamaang ako nang pinaningkitan ako ng mata ni Eun Young. "Kunde, Agasshinun namjarago mitji anhayo!" But, I didn't believe that you are a guy. Mahinang bulong niya sa akin.

"Kuraeyo?" Is that so? Natatawa ang tono ko.

Nakangusong tumango si Eun Young, "Puso mo pa lang pambabaeng-pambabae na. Biruin mo tutulugan mo sila," inosenteng aniya habang ang paningin ay nasa labas kung saan naghihintay ang ilan sa mga kasamahan ni Kai.

Sa tingin ko wala nang dahilan para itago ko pa gayong halata na niya. Nginitian ko si Eun Young matapos ay nilagay ko ang sariling daliri sa aking labi. Nakuha naman agad niya ito. Umarte siya na animo'y sini-zipper ang mga labi. Nakangiti siyang tumango kaya ngumiti rin ako.

Subalit ganoon nalang ako napatitig kay Kai nang dumaan siya sa harapan ko. "That's why she caught my heart," mahinang aniya saka dire-diretsong naglakad palabas ng bahay.

Hindi na ako nag-abalang sundan siya ng tingin. Nanatiling na kay Eun Young ang paningin ko na ngayon ay may nang-aasar na itsura.

"Omo!" Panunukso niya. Binigyan niya ako ng nang-aasar na tingin. "Johahaeyo?" You like him? Kinikilig niyang bulong.

Nanlaki ang mga mata ko. "Aniya!" Of course not. Pagtanggi ko habang kinaway-kaway ang dalawang kamay.

"Wae?" Mahabang salitang bulong niya. Nanghihinayang. "Ang gwapo kaya niya, maputi, tapos matanggad din," usal niya na tila ini-imagine ang itsura ni Kai. "Wala ka ng hahanapin pa!" Dagdag niya pa.

Nginiwian ko siya. "Sa 'yo na!" Nasusuyang asik ko na ikinatawa ni Eun Young. "Galke," paalam ko ulit.

"Ne," masiglang ani Eun Young. "Anyeong hi-gaseyo!" Good bye! Magiliw niyang saad.

Tumango pa muna ako bago tumalikod. Agad nagtama ang paningin namin ni Kai. Isang metro at kalahati lang ang aming pagitan.

"Hey!" Nakanguso niyang usal nang magkatapat kami.

"What?" Taka kong tanong.

"I heard what you said. Ipapamigay mo ako?" Kunot-noo niyang asik dahilan para mapangiwi ako.

Napataas ang gilid ng labi niya nang magtuloy-tuloy ako sa paglakad.

"Don't worry, baby, it won't make any difference. Ikaw pa rin ang gusto ko, kahit na pinapamigay mo 'ko," habol niya sa akin. Sinisigurong walang ibang makaririnig kundi ako lang.

Wala sa sariling napailing ako. "Let's go," isa-isa kong tiningnan sila Gwayne. "Malayo pa ang lalakarin natin." Dagdag ko pa saka nagpatiunang maglakad.

"What?" Hindi makapaniwalang asik ni Ianah. Lahat kami ay napalingon sa kaniya. "Wala bang car dito?" Nayayamot niyang tanong.

"Wala!" Si Kai ang sumagot sa kaniya. "Kaya 'wag kang maarte!" Kunot-noo ngunit mahinahon niyang saad.

Love In Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon