CHAPTER 19

176 16 160
                                    

Rin's POV

Mahigit kalahating oras na ang nakalipas ngunit ito pa rin kami. Nakatali habang pinapanood ang mga rebeldeng ngayon ay abala sa mga sugatan nilang kasamahan. Ang ilan na kaya pang gamutin ay hinihiwalay nila sa mga kasamahang wala ng buhay.

"Jaek Do-hyung-nim eodirago?" I said where is my brother Jaek Do? Patanong na sigaw ng rebeldeng ngayon ay namumuno dito.

"Ipagpaumanhin mo, Haek Do, Natagpuan siya sa kaniyang silid na walang malay," dere-deretsong sagot ng isa. Mabilis na napamura si Haek Do.

"Paano nangyari 'yon?" Galit na asik niya saka tinapunan ng tingin sila Gwayne na nakatayo pa rin sa may gawing likuran ko. Kasunod niyon ay dumapo ang tingin niya sa akin.

Nang sandaling lingunin ko si Kai na nasa gawing harapan ko'y masama ang tingin niya kay Haek Do. "Sabihin niyo nga," naiiling na asik ni Haek Do. "Sino ang naglakas loob sa inyong pasimulan ang bagay na ito? Hindi niyo kilala kung sinong kinakalaban niyo," Tiningnan niya kami ng masama. "At talagang nasa teritoryo pa namin kayo!" Ani niya sa napakayabang na paraan. "Kung ayaw niyong mamatay agad. Sabihin niyo kung sino ang nagpasimula nito para sa kaniya ko tatapusin ang lahat."

Wala ni isang sumagot sa aming lima. Ang pagiging tahimik namin ang nagdulot kay Haek Do para mainis. "Unahing patayin 'yang tatlo," seryosong utos niya. Nanlalaki ang mga matang nilingon ko sila Gwayne. Makikita mo ang pangangatog nila sa takot. Paulit-ulit ang pagtawag nila kay Kai para humingi ng tulong.

Mariin akong nagbuntong hininga. "Ako," buong tapang kong asik bago pa may masamang mangyari sa tatlo. Hindi nakalagpas sa pandinig ko ang pagtawag sa akin ni Kai.

Tinapunan ako ni Haek Do ng hindi makapaniwalang tingin. "Ikaw?" Sarkastiko niyang tanong.

Sa halip na sagutin ay pairap kong inalis ang tingin sa kaniya habang pigil ang hininga. Makirot pa rin ang sikmura kong kanina lang ay hinampas niya. Mabilis at mariin siyang humakbang papalapit sa akin. Ramdam ko ang bigat ko nang hilahin niya ang aking kuwelyo saka marahas akong itinayo.

Bago pa niya ako mahawakan muli ay malakas kong inumpog ang sarili kong ulo sa mukha niya. Sunod-sunod ang pagmura niya sa akin habang nakahawak sa dumudugo niyang ilong.

Puno ng galit ang mga mata niyang tumingin sa akin. "Ang lakas talaga ng loob mo!" Galit niyang asik bago ako malakas na sinuntok. Pakiramdam ko namanhid ang buong mukha ko. Ang pamilyar na lasa ng dugo ay nagsimulang kumalat sa tagilirang labi ko.

"Enough this now!" Naluluhang ani ni Kai habang patuloy na nagkukumawala sa dalawang lalaking nakahawak sa kaniya.

Ngunit parang walang narinig si Haek Do. Hindi man lang siya nag-abalang tingnan si Kai. Tutok lang ang nagliliyab niyang mga mata sa akin. Marahas pinisil ng malapad niyang kamay ang panga ko. Pilit niya akong iniharap sa kaniya. "Matapang ka pala ah! P'wes matitikman mo ang galit ko!"

Buong lakas niyang sinipa ang sugat ko sa hita dahilan ng paulit-ulit kong pagdaing. Halos maiyak ako sa pinagsamang hapdi at kirot. Ang sakit nito ay mabilis na umabot sa buong katawan ko. Pinanglambot muli nito ang katawan kong kanina pa nabugbog. Hindi pa nakuntento si Haek Do, sinikmuraan niya muli ako dahilan para mapaluhod ako sa sakit. Pabagsak akong napahawak sa sarili kong sikmura. Pakiramdam ko'y kinakapos na ako ng hininga.

Muli niyang hinablot ang kuwelyo ko para itayo. "Tingnan ko nga kung anong simbolo ang meron ka bago kita patayin," nang-aasar at nagyayabang ang tinig niya. Ang salitang iyon ay halos nagpaguho sa mundo ko.

Hindi maari!

Mariin at pilit ang naging paghinga ko. Sunod-sunod ang naging pagtaas-baba ng dibdib ko. Inipon ko lahat ng natitirang lakas sa katawan ko para lamang ilayo ang sarili sa kaniya ngunit hindi ko nagawang pagtagumpayan dahil sa sobrang panghihina.

Love In Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon