CHAPTER 20

197 20 124
                                    

Rin's POV

KINABUKASAN habang kumakain hindi ko mapigilan ang sariling 'wag tapunan ng tingin si Kai at ang katapat kong si Ianah. Nakaupo kami sa isang mahabang lamesa. Sa hilera namin ay nakaupo sa dulo si Hong Eun, Eun Young, Alex, si Min Jun at ako.

Sa haraparan naman namin ay mula sa dulo rin ay si Kyler, Gwayne, Ashley, Kai at Ianah. Walang ginawa si Ianah kundi lampungin si Kai. Ipulupot ang kaniyang mga braso saka pilitin siyang subuan kahit kaya naman niya itong gawin. Sinasabi niya na masakit pa raw ang buo niyang katawan kaya hindi niya kayang humawak ng kutsara't chopsticks.

"You're giving me a hard time, Ianah. You look completely fine. Kaya mo ng kumain mag-isa," napabuntong hiningang asik ni Kai.

Agad namang ngumuso si Ianah. "Ano ba Kaizer! Kanina ka pa ah! Naglalambing lang ako sa 'yo. Kailan ka pa naging manhid? What's wrong with you?" Mahinang ani Ianah.

"Because we're eating so please behave. Eat properly," seryosong sabi ni Kai.

Mataray na umirap si Ianah saka dumampot ng kutsara. "But we used to do this in Philippines!" Pagmamaktol niya.

"We're in Korea, Ianah," nagpapasensiyang giit ni Kai. "North Korea," pagtatama niya pa.

Padabog lang na sumubo si Ianah ng pagkain. "Tapos 'yong sweetness mo naiwan din sa Pilipinas," pairap niyang ani.

Maya-maya'y tumikhim si Gwayne. "What do you called it," kamot niya ang ulo. Hindi malaman kung ano ang sasabihin. "Gusto ko lang itanong kung kamusta na ang lagay ni Kyler pati ni Alex?" Salitan ang tingin niya sa amin ni Min Jun. Tila nahihiya.

Nilingon ko si Kyler at Alex na ngayon ay mukhang ayos na naman. Disente siyang hinarap ni Min Jun, "Mabuti na ang lagay nila, wala ng problema. 'Yong pana na tumama sa kanila ay maliit na karayom lang ang talim. Kaya walang nakitang sugat sa kanilang dibdib. Nawalan sila ng malay kasi may pampatulog ito. Wala kayong dapat ipag-alala." Paliwanag ni Min Jun.

Nakahinga naman ng maluwag si Gwayne saka sunod-sunod na tumango. "Gano'n ba, salamat naman. Hindi kasi ako nagkaroon ng pagkakataong makausap 'yong Doctor,"

Matunog ang naging pagbuntong hininga ni Min Jun. Walang emosyon siyang nag-iwas ng tingin kay Gwayne. Tinutok ni Min Jun ang sarili sa kinakain. "Dahil hindi talaga kayo dapat makita ng kahit na sino dito sa Norte. Hindi pa rin kayo ligtas sa lugar na ito. Lalo pa ngayon," putol niya saka isa-isang tiningnan ang mga taga labas. "Kasalukuyan kayong pinapahanap ng mga ministro namin. Nabalitaan nila ang tungkol sa bumagsak ninyong eroplano,"

Ang sinabing ito ni Min Jun ay nagdulot ng takot at kaba sa tatlong mga babae. Maliban nalang sa mga lalaki na ngayon ay seryoso lang na nakikinig. Nang sandaling palihim kong sulyapan si Kai ay lagpas sa akin ang tingin niya. Bagay na malayo sa nakasanayan kong ginagawa niya. Dati ay laging nasa akin ang kaniyang paningin ngunit ngayon ay tutok ito sa nagsasalitang si Min Jun.

"What will happen next if they found us?" Buong lakas ng loob na tanong ni Alex.

"Wala silang ibang gagawin kundi patayin kayo," pang-dederetso ni Min Jun.

Napasinghap ang ilan sa kanila. "I'm so scared like hell!" Bulalas ni Ianah. "Is there any other way to keep us alive?" Hindi mawala-wala ang katarayan sa itsura niya. "And safe? Please tell me what to do. I'm willing to pay any amount of money kahit milyon pa 'yan. Gusto ko nang makauwi sa Pilipinas! Hindi naman namin intensyon na pumunta rito. It was an accident!" Pairap niyang sinapo ang noo na may nandidiring daliri. Na para bang ang dumi ng noo niya.

Love In Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon