CHAPTER 6

346 33 88
                                    

Chapter 6: Here

Rin's POV

Tinangkang hulihin ni Kai ang aking paningin. Hindi ko siya hinayaang magtagumpay. Umiwas ang mata ko, pinapanalanging sana hindi niya nahahalata kung gaano ako inaapoy ng kaba.

Pakiramdam ko tumiklop ang aking labi. Sa hindi inaasahang pagkakataon, naubusan ako ng sasabihin. Bagay na bago sa akin. I used to have a lot of words to say. Lot of reasons or excuses. But this time, everything seems like a bubbles that he pricked one by one. 

Nanginig ang daliri ko. Baby? Tinawag niya akong baby? Ibig sabihin lang noon ay…

Hindi ko na tinuloy ang bagay na iniisip.

"Anong baby? I don't know what you're talking about, man," ginawa ko ang lahat ng makakaya para siguruhing buo ang boses ko at hindi nauutal. 

Paulit-ulit kong hinihiling na sana ay matapos na ang usapan namin. 

"You can't hide it anymore," mayabang siyang ngumisi. Confident sa sarili. "Sa gwapo ko ba namang ito, kahit sino ay lalabas ang tunay na anyo," nanlisik ang mata niya bago nag-ngising aso. 

Namutla ako bago tumaas ang kilay ni Kai. "I know you're a gay, Rin,"

Sumabog ang bara sa aking dibdib. Nakahinga ako ng maluwag. Swerte pa rin ako. Nakakapanghina dahil akala ko kung ano na iyon. Naramdaman ko ang tindi ng pagpapawis sa aking mga palad. 

Pakiwari ko dapat kong pang ipagpasalamat na engot si Kai.  

"Alam niyo kayong mga bakla. Naiirita kayo sa ganoong usapan dahil nai-insecure kayo. Wala kasi kayong tahong!" Sinabayan ko si Kai sa pagtawa. Siniguradong hindi magtutunog na peke.

"Bakla?" Ginaya ko ang mga ngisi ni Kai. Kagat niya ang labi. 

Para makatakas sa kalokohan niya ay tumalikod ako. Yumuko, para pulutin ang aking espada bago ako tuluyang naglakad palayo.

Nakakabaliw si Kai. Hindi biro ang kabang naramdaman ko kanina. Akala ko katapusan na ng sikreto ko. Sikretong buong buhay kong iniingatan. Walang maaring makaalam noon lalo pa't isang hamak lang na taga isang bansa. 

Nang napansin kong malayo ang pagitan namin ay nagpakawala ako ng malalim na hininga. Hindi pa nakakaget-over ng lubos ang tibok ng puso ko. 

Kalaunan ay napaisip ako. Nakakapagtaka dahil sa lahat ng mga lalaking nakasama ko, kay Kaizer lang ako naiilang. Sa kaniya lang ako kinakabahan. Pano ba naman, ang open niya sa lahat ng bagay. He's too close. Maging sa mga kabastusan ang aktibo niya. Hindi nalang niya sarilihin lahat ng kalokohan. Sa totoo pa nga, sa kaniya naging madumi ang isip ko. 

Ganoon ba talaga sa bansa nila?

Bigla ay nawala ako sa pag-iisip nang basagin ni Kai ang katahimikan. Nasa likuran ko siya. 

"Pero, Rin. Wag kang mahihiya sa akin. Sanay lang talaga akong tinatawag na baby ang mga bakla," nang nag-angat ako ng tingin sa kaniya ay kamot niya na ang sariling batok. "Nasanay lang ako sa kaibigan naming bakla, si Jeryl." Paliwanag ni Kai. 

May parte sa akin na gustong sabihin sa kaniyang mali ang iniisip niya. Hindi ako bakla. Subalit mas pinili kong manahimik nalang. Mabuti na rin iyon. Baka lalo niya lang akong paghinalaan kapag nakipagtalo pa ako. Sa ngayon ayaw ko na munang pag-usapan ang mga bagay tungkol sa kasarian.

Kung tutuusin, ayaw ko muna siyang makausap dahil walang maganda sa mga pinagsasasabi niya. Puro siya kalokohan. 

Naturingang lalaki, napakadaldal.

"Hindi naman ako nahihiya," sambit ko pagkadaka. Naasiwa ako sa titig niyang kahit hindi ako nakatingin ay nararamdaman ko. 

He clears hisi throat, "Pero bakit tumahimik ka bigla?" 

Love In Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon