CHAPTER 3

386 44 42
                                    

So, iyong mga naka italic ang translation ng Korean words na mababasa niyo. Thanks.

________________

Chapter 3: Omo

Kaizer's POV

Hindi ko nagawang makapagsalita. Tanging pag-aalala ang nasa aking buong sistema. Pag-aalala para sa aking kapatid at sa iba pa naming mga kasama. Lalo pa't sinabi ng lalaking ito na hawak sila ng mga rebelde ngayon. Shit. Sa pagkakaalam ko pa naman ay walang mabuting rebelde. Masasama silang tao na may baluktot na adhikain.

Pakiramdam ko sasabog ang aking utak sa dami ng mga kakaibang bagay na tumatakbo rito.

North Korea? Sa dami ng lugar ay sa North Korea pa talaga kami napadpad? That’s just fuck!

"Paano ba iyan," binasag ng kasama kong lalaki ang katahimikan. "Kailangan ko ng umalis." Bahagya pa siyang yumuko upang magpaalam.

Tatalikod na sana siya nang muli ko siyang pigilan.

"Sandali," agad ko rin naman siyang binitawan nang dumilim ang mata niya at sinulyapan ang aking kamay.

Napakamot ko sa batok, "I mean.. don't leave me here alone. Ikaw lang ang kilala ko dito. Can I come with you for now? Pwede mo ba akong samahan para mahanap sila?" Sinserokong utas. Nakikiusap.

"Hindi maaari." Agad ay sagot niya.

"Pero—"

"Hindi maaari. May mga bagay ako na kailangang gawin. Hindi ko naman kasalanan na mapunta kayo sa lugar na ito. Labas na ako sa problema niyo. Siguro ay sapat na, na sinabi ko sa iyo na hawak ng mga rebelde ang mga kasama mo." Pakiramdam ko ay sa lahat ng tao sa mundo. Itong taong ito ang walang konsensya. Pinanood ko nalang ang pagtalikod niya.

"Baka may masamang mangyari sa kapatid ko, ikaw lang ang kilala ko kaya naman ikaw lang ang makakatulong sa'kin." Seryoso kong habol sa kaniya at dahil na rin sa sinabi ko ay napatigil siya. Kunot noo siyang tumingin sa akin.

"Ilan ang kapatid na kasama mo?" Para ay nabuhayan ako ng loob.

"Isa—" bumagsak ang balikat ko nang muli ay tinalikuran niya ako. Humakbang siya palayo sa akin. 

Sana ay bangungot nalang ito. 

Napahilamos ako sa mukha.

"Wag mo ng hintaying magbago pa ang isip ko." Nang sulyapan ko ay may kalayuan na siya. 

Daglian akong tumakbo palapit sa kaniya. "Pumayag ka na?" Nabuhay ang ngiti ko sa labi. 

Sa halip ay sininghalan niya ako. Sinabayan ko siyang maglakad. Panay ang lingon ko sa mga punong nadadaanan at nasasalubong namin. Nasa gubat kami. Nakahinga ako ng maluwag gayong kahit paano ay may kasama ako. 

Bumaba ang paningin ko sa kaniya, seryoso siyang naglalakad.

Halos naningkit ang mata ko nang pakatitigan ko ang kaniyang mukha. Hindi ko maiwasang pagkumparahin ang mga mukha namin. Masyadong maliit ang mukha niya. Nagdako ang paningin ko sa mata niya. Halos mapamura ako dahil ang ganda noon. 

Malamlam ang mga ito kung tititigan ng maayos.

Wala sa sarili akong umiling. Siguro ngayon lang ako nakakita ng North Korean na lalaki yet there's still strange feelings. May kakaiba sa kaniya. Napapraning na yata ako.

Kasunod noon, napukaw ang mata ko sa ilong niya. Kahit madilim ay alam kong maputi siya. Matangos at perpekto ang hugis ng kaniyang ilong. Napalunok ako habang tumititig sa labi niya. Napalunok dahil baka mahuli niya ako. Baka isipin niyang pinagpapantasyahan ko siya.

Love In Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon