CHAPTER 30

230 16 47
                                    

Rin's POV

Halos lahat ng lugar na pwedeng niyang paroonan ay napuntahan ko na. Ngunit ni isa sa mga iyon ay hindi ako binigyan ng pagkakataong makita si Kai.

Bagsak ang mga balikat akong naglakad patungo sa lugar din na kadalasan kong pinupuntahan. Bangin iyon na kita ang buong bayan dito sa bukhan. Maginhawa doon kaya naman paborito ko itong puntahan. Ang isang malaki at malapad na bato ang nagsisilbing upuan. Magadang pwesto iyon habang pinagmamasdan ang masarap sa matang tanawin.

Mabilis akong napaayos ng tayo nang makita ko si Kai na nakaupo sa bato habang tulala sa kawalan. Pagkakataon nga naman. Hindi ko inaasahang narito siya.

Gusto kong pagalitan ang puso ko dahil nagsisimula na itong tumibok ng mabilis. Lumunok pa muna ako bago marahang naglakad palapit sa kaniya. Bawat hakbang na ginagawa ko ay may kalakip na mumunting kaba.

Nang nasa may bandang tagiliran na niya ako ay batid kong napansin niya ako dahil nakita ko ang paggalaw ng kaniyang mata sa gawi ko. Hindi man lang nag-abala si Kai na pansinin ako. Nanatili siyang nakatingin diretso sa kawalan.

"Why are you here?" Walang emosyon niyang tanong nang makaupo ako sa may tabi niya. Hindi ko man lang magawang magtaray sa kaniya. Masyado akong ginugulo ng kaniyang reaksyon. Para bang ayaw niya sa presensya ko.

Mariin kong nakagat ang labi bago nagbaba ng tingin sa aking mga paa. "Sige, aalis na ako," kaswal kong sambit.

Parang hinaplos ng mga anghel ang puso ko nang hinawakan ni Kai ang kamay ko. "Stay," pigil niya sa tangka kong pag-alis.

Ganoon nalang ako napanguso nang lumuwag ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Nagkaroon ako bigla ng nakakabitin na pakiramdam.

Napabuntong hininga si Kai. Diretso lang ang kaniyang tingin sa kalangitan. Mabilis akong nag-iwas ng tingin sa kaniya. Pinapakiramdaman kung ano ang sunod niyang gagawin.

Para tuloy nagsisi ako bigla na nagpunta ako rito. Hindi man lang nagsasalita si Kai gaya ng nakasanayan niyang gawin. Wala naman akong maisip na pwede naming pag-usapan. Kung meron man, wala pa rin akong lakas ng loob magsalita.

Hindi naman ako ganito dati. Ni wala akong pakielam kung hindi ako pansinin ng ibang tao. Pero ngayon lahat ng iyon parang bulang naglaho. Ngayon ay hindi ako mapakali dahil sa pinapakita ni Kai.

"Do you know how much I missed you?" Tanong niya. Bigla ay awtomatiko kong naramdaman ang tila mga dagang nagrarambulan sa aking tiyan papunta sa aking dibdib.

Nang sandaling lingunin niya ako ay kagat labi akong umiling. Wala pa ring emosyon na mababasa sa mukha ni Kai. "Are you mad?" Halos pabulong kong tanong habang nakatingin kami sa isa't-isa.

Batid kong hindi niya inaasahan ang sinabi ko. Tumungo si Kai at nang sandaling mag-angat siya ng tingin ay kagat na niya ang kaniyang labi. "Of course not," pag-iwas niya ng tingin. Matunog ang naging pagbuntong hininga niya bago binalik ang paningin sa akin.

"I'm really jealous right now. Alam kong wala akong karapatan pero hindi ko mapigilan.." usal niya habang may nangungusap na mga mata.

"That guy likes you too right? Alam ko ring magkaibigan kayo pero, Rin. Pagdating sa 'yo I'm totally selfish. I want you mine baby, all mine, only mine.." nakatungo niyang bulong. Lalo akong napatitig sa kaniya. Para akong nakalutang dahil sa sinabi ni Kai.

"You don't have to jealous him.." nauutal na sambit ko.

"Then why I don't have to get jealous?" Nagpapaliwanag ang tono ni Kai habang may malamlam na mga mata. "He's in love with you baby, I can see it through his eyes!" Dagdag niya pa.

Love In Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon