CHAPTER 21

193 18 156
                                    

Rin's POV

Nanatili akong nakasunod kay Kai habang siya ang nangunguna sa lugar kung saan kami maglalaban. Kakatwa na lugar namin ito, pero ito ngayon si Kai at pinangungunahan ako. Nililibang ko nalang ang sarili sa pagtingin tingin sa mga nalalagpasan kong puno. Dito sa Norte ay talaga namang pulos puno ang makikita mo kahit saang parte ka pa tumingin at dumaan. Maliban na lamang kung nasa syudad ka na.

Pansin ko ring malayo kami sa bahay nila Hong Eun. Kung ano ang tumatakbo ngayon sa isip ni Kai ay wala akong ideya. Katakataka ang biglaan niyang paghahamon ng laban. Kanina lang ay hindi niya ako pinapansin ni kinakausap tapos ito siya ngayon makikipagpustahan.

"Here? Seriously?" Tanong ko ng pagkuwa'y tumigil si Kai saka ako seryosong hinarap. Napapadalas na ang pag-iiba iba niya ng emosyon.

"Yes," kibit balikat niya. Muli kong sinuri ang kapaligiran. Gaya ng nakasanayan, napapaligiran kami ng mga berdeng halaman na ibat-iba ang hugis. Maganda rin sa paningin ang mapula-pulang dahon ng ilang nagtatayugang puno. Pinapaligiran kami ng mga ito. Ang mas nakapukaw sa atensyon ko ay ang malaki at mataas na punong nasa bandang dulo. Sa gawing likuran mismo ni Kai.

Nagpaangat-angat ang ulo ko. "I see, pero bakit kailangang ganito ka tago," bigla ay hindi ko inaasahang sasabihin ko.

Sumilay ang ngisi sa mga labi ni Kai. "I hate being disturb lalo pa ngayong ikaw ang kalaban ko," tumaas ang dalawa niyang kilay habang sinisimulang tupiin ang dulo ng manggas ng hanbok niyang suot. Tiniklop niya ito hanggang siko. Lumantad bigla ang maputi niyang braso. Tuloy ay hindi maiwasang tingnan ng mata ko ang matipuno niyang ugat niya dito.

Matapos niyon ay hinugot ni Kai ang espadang nakasabit sa kaniyang bewang. Mabilis niya itong inangat at itinutok ang dulong tilos nito sa akin. Muli niya akong tinaasan ng kilay kasabay ng pagtaas ng kaniyang balikat. Ginalaw niya pa ang hawak na espada bilang paghahamon.

"Let's start," puno ng kayabangan ang tinig niya. Pinaka-ngitian niya pa ako ng todo.

Hindi ako nagpatalo kay Kai, nakakaloko ko rin siyang nginisihan kahit pa nakakaramdam ako ng kaba. Kaba sa hindi maipaliwanag na dahilan. "Are you sure of what you're requesting for? You might regret," mayabang kong banta.

Ang bawat ngiting sumisilay sa mga labi ni Kai ay naghahayag kung gaano siya kaguwapo. Walang mukha dito na Norte na maihahalintulad sa kaniya. Maging ang mga titig niyang tinutunaw ako. "I will never regret this very special day in my life," usal niya sa napakalambing na tono.

Awtomatikong kumunot ang noo ko. Hindi ko mahulaan ang bawat ikinikilos niya. Matunog ang naging paghalakhak ni Kai. "You're nervous, aren't you?" Nanliliit na mga matang aniya.

"Why would I?" Nagsukatan kami ng tingin.

"Let's start, then," May parte sa aking gustong kwestyunin kung bakit siya nagmamadali.

Ako na rin ang tuminag sa sarili. Muntik ko ng makalimutang babalik pa nga pala ako ngayon sa bayan namin kaya kailangan ko na talagang magmadali.

Sa halip na sagutin siya ay binunot ko ang aking espada. Agad ko itong itinutok sa kaniya. Seryoso akong nakipagtitigan kay Kay habang nagsisimula na kaming mag-ikutan. Wala ni isa sa aming gumagawa ng hakbang para sa unang pag-atake.

Salit-salitan ang tingin ko sa mukha ni Kai at sa espada niya. Sa ikalawang pagkakataon ay pinanglisikan niya ako ng mga mata. "Rin, you're really driving me crazy," putol niya. "I knew I was wrong but my heart is screaming the right answer. If I can't trust myself, I'll trust my heart, then," naguguluhan niya akong pinasadahan ng tingin.

Love In Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon