CHAPTER 38

124 9 1
                                    

Rin's POV

ABALA ang buong palasyo sa paghahanda para sa pagdiriwang na magaganap. Ang pagdiriwang na ito ay selebrasyon para sa kaarawan ng hari at para na rin salubungin ang mga bisita mula sa lungsod.

Ang North Korea ay nahahati sa dalawang klase ng pamamahala. Mayroon itong hari at presidente. Ang nakasanayang ito ay hindi karaniwan gaya sa ibang bansa.

Maraming mga bansa ang hindi pamilyar sa aming hari dahil ang alam lang nilang namumuno ay ang presidente. Dito sa North Korea, hari ang tunay na namumuno o ang may pinakamataas na katungkulan dahil na rin natural itong may dugong maharlika mula pa sa aming mga ninuno.

Ang presidente lamang ang representative ng hari dahil hindi ito pwedeng personal na makipagtugunan sa iba't ibang tao o politika. Marahil ay kompidensyal o pribadong persona ang hari. Sa siyudad din nalalagi ang Presidente, Pyongyang kung tawagin. Dito makikita ang naglalakihang gusali at magagarang sasakyan.

Ang mga taga-palasyo naman ay hindi maaaring pumunta sa syudad at maging ang taga syudad ay hindi maaring pumunta sa palasyo, depende na lamang kung may pahintulot ng hari.

Sa katotohanan pa, pinapanatili ang pag-iingat sa hari dahil sa ganitong paraan din maiingatan ang aming mga ninuno. Ang hari na lamang ang huling dugong maharlikang nabubuhay sa kasalukuyang panahon kaya lubos na lamang ang pag-iingat dito.

Sa katotohanan pa nga ay kailangan na rin niyang magkaroon ng bayolohikong anak para maging tagapagmana at mamuno sa Norte balang araw.

Ngunit may problema ang hari, hindi niya mabigyan ng anak ang kasalukuyang reyna. Ang bagay ding ito ang lubusang pinag-aaralan at iniimbestigahan ng mga Ministro.

Ngayong araw naman, inaasahan ang pagdating ng Presidente, may mahalaga silang pag-uusapan ng hari. Tanging ang Presidente lamang sa lungsod ang inimbitahan ng hari sa pagdiriwang.

"Naka handa na ba ang lahat?" Tanong ko sa isang ranggong napadaan sa harapan ko. Agad din naman ay tumango ako.

Matapos niyon ay naghiwalay kami ng lakad. Nang nasiguro ko ng ayos at kumpleto ang mga ranggong nakadistino sa mga gawain nila ay tumayo ako sa gilid ng lamesa tsaka tinanaw ang mga kababaihang nagtatanghal ng tradisyonal na sayaw para sa hari at mga nanonood.

Nakasuot sila ng kulay rosas at lilang hanbok. May suot din silang singsing sa hintuturo at bulaklak sa kanilang buhok.

Napalingon ako sa lalaking bahagyang tumabig sa braso ko. Nakita ko si Min Jun.

Nakangiti na siya sa akin ngayon, hindi tulad noong mga nakaraang araw na halos hindi niya ako kinikibo.

"Magandang gabi sa 'yo, mahal kong ranggo." Utas niya na nagpakunot sa noo ko.

"Are you drunk?"  Tanong ko, tumawa naman siya.

"Of course, I'm not." Katwiran niya pa.

Napailing ako. "Hindi ka dapat nag-iinom sa gitna ng pagdiriwang." Ani ko bago muling lumingon sa nagtatanghal.

"Bakit naman? Nararapat lang na magsaya tayo kahit minsan lang." Nakanguso niyang katwiran.

Alam kong nakainom si Min Jun, sa mata pa lamang niyang namumungay ay hatala ko na.

Patuloy lang kaming nagkukwentuhan habang pinagmamasdan ang pagdiriwang nang may bumati sa akin.

Nang tapunan ko siya ng tingin ay halos mahigpit na nagdikit ang mga bagang ko. Kasabay noon ang saglitang pitik sa aking puso.

"Hiramin ko lang saglit ang kaibigan niyo." Usal ni Yoona habang nag-angat ng tingin sa kasama niya.

Love In Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon