CHAPTER 25

168 16 138
                                    

Rin's POV

Maayos kaming nakarating sa bahay. Buti nalang at dalawa ang silid dito. Pansamantala ko muna silang pinatuloy sa bakanteng kwarto. Sila nalang ang bahala kung paano nila mapagkakasya ang sarili.

Hindi ko na rin binigyan ng pagkakataong magkausap kami ni Kai. Kapag lalapit siya sa akin ay lalayo ako at aarteng may gagawin. Inaabala ko ang sarili sa pagbubukas ng ilaw at sa pag-aasikaso sa iba niyang kasama. Patuloy ko silang pinaaalalahanan.

May pagkakataon ding pasimpleng lalapit sa akin si Kai saka tangkang hahawakan ang kamay ko ngunit agad kong pinagkukrus ang sarili kong mga braso. Kaya naman napapabuntong-hininga nalang siya ng todo.

"Come closer, Kaizer, payapos lang, e!" Rinig kong usal ni Ianah sa kabilang kwarto. Patuloy lang ako sa pagpupunas ng buhok. Bigla ay gusto kong hilingin na sana'y hindi nalang magkalapit ang kwarto rito sa bahay. Nang sa gayon wala akong ingay na naririnig.

Wala akong narinig na tugon mula kay Kai. Tumahimik nang tuluyan ang paligid. Kahit mala basa pa ang buhok ko ay nahiga na ako basta. Ipinikit ko ang aking mga mata. Gusto ko ng magpahinga.

Subalit isang oras na yata ang nakakalipas hindi pa rin ako makatulog. Hindi ako makahanap ng komportableng posisyon. Ginawa ko nang tumagilid, dumapa at tumihaya pero hindi pa rin ako nagawang hatakin ng antok.

Padabog kong inalis ang pagkakatalukbong ng kumot. Inis akong naupo habang nayayamot na kinamot ang batok.

Dinampot ko pa muna ang sinturon na nasa tabi ng unan ko bago ako tumayo. Itinali ko ito sa itim na hanbok kong suot. Itong damit na ito ay hindi tulad sa tipikal na hanbok. Malambot ito at maginhawa, tama lang na pantulog. Hindi na rin ako nag-abalang itali ang buhok ko tutal gabi naman.

Hihikab-hikab kong binuksan ang pinto ng aking silid. Balak kong iinom nalang ito. Baka sakaling makatulog ako.

Paglabas ko sa kwarto ay malamang na sala agad ang bumungad sa akin. Dito nakapatong ang pitsel ng tubig. Tamad na tamad kong hinakbang ang mga paa. Mabilis na napakunot ang noo ko nang makitang nakahiga si Kai sa lapag. Sa tabi mismo ng maliit na lamesa. Ginawa niyang unan ang sariling braso. Parang fetus siyang nakabaluktot.

Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya ngunit agad ko ring binalik. Mahimbing siyang natutulog. Abnormal ba siya? Ang lamig ng sahig. Bakit siya d'yan natutulog!

Napairap akong uminom ng tubig. Bago pa ako hilain ng sarili sa kaniya ay mabilis ko na siyang tinalikuran. Mabilis ngunit marahan. Sinisigurong hindi niya mararamdaman ang presensya ko.

Pagpasok ko sa kwarto ay napasandal ako sa pinto. Napapikit akong nagbuntong hininga. Kasunod niyon ay nakita ko nalang ang sarili na kumukuha ng kumot sa kabinet. Hindi ko maipaliwanag ang nangyayari sa akin. Tila ba dalawang Rin ang nasa loob ng kawatan ko. Isang may presensiya ng lalaki. At isang..

May pusong babae..

How could you do this to me! How could you make me this soft. How could you break the walls I made for how many years.

Napatingala kong sinuklay ang buhok gamit ang daliri. Wala sa sarili akong tumawa. Ano ka ba, Rin? Kukumutan mo lang. Kumot lang 'yon. Pagiging makatao 'yon. Wala ng iba!

Patuloy kong kinakausap ang sariling isipan. Sige ikaw kaya matulog ka sa malamig na lugar. Di 'ba ang sakit at ang hirap kapag walang nagmalasakit para tulungan ka. Para ano.. para kumutan ka. Maninigas ka sa lamig. Maaari kang magkasakit at syempre mamamatay ka.

Mahigpit kong niyapos ang hawak kong kumot nang tuluyan na akong tumigil sa harapan ni Kai. Gaya kanina, mahimbing pa rin ang tulog niya. Marahan akong umupo. Pigil ang hininga kong ipinatong ang kumot sa katawan niya. Hinayaan kong makumutan ang paa hanggang balikat ni Kai.

Love In Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon