CHAPTER 39

88 10 0
                                    

Rin's POV

"OH MY GOD!" Bulalas ni Ianah nang pagbuksan niya kami ng pinto. Maging si Gwayne at Ashley ay natutop ang sariling bibig.

"What happened?" Sabay na usal ni Alex at Kayler.

Sa halip na sagutin ay pumasok si Kai diretso sa aking silid at dito niya ako inihiga.

Kasunod niya si Min Jun na basta nalang binagsak ang mga gamit para sa ang aking sugat.

"What the hell is that? Come on, that's underrated! We can't use that thing!" Asik ni Kai habang salitan ang tingin sa mga dahon at ilang tela.

"We have no other choice! Iyan lang ang kagamitan dito! All modern medicine is in Pyongyang at kung meron man dito ngayon, hari lang ang maaring gumamit no'n!" Paliwanag ni Min Jun.

Nang alisin ni Kai ang tali sa aking hita ay nangingitim na ang sugat dito. Napaingit na naman ako dahil sa kirot na dulot nito.

Agad may inilapat na dahon sa sugat ko si Min Jun. "Buti nalang!" Bulong nito.

"Why?" Tanong ni Kai, nagtataka.

"Walang lason ang patalim na ginamit kay Rin." Paliwanag nito.

Wala sa sariling tumango si Kai bago tinitigan ang aking sugat. "Your cut is quiet deep.."

"Get off Kaizer! You can't just stare at her! She'll be needing three to four stitches!" Tinabig ni Ianah si Kai saka umupo malapit sa akin.

"Don't worry, Rin! I'm Victoria Ianah Yevas and honestly kahit hindi halata, I'm a doctor!" Mahinanong bulong ni Ianah.

Tuloy ay napalingon sa kaniya si Min Jun.

"What?" Tinaasan ni Ianah ng kilay si Min Jun.

Nag-alis ng tingin si Min Jun. "Nothing." Masungit pa nitong wika.

"Suplado!" Bulong ni Ianah bago muling tinutok ang tingin sa akin.

"Si Rin muna bago 'yan!" Kunot noong sambit ni Kaizer.

Sa himig ni Kai ay nagkatinginan sila. "Excuse me?" Sabay pang wika ng dalawa bago inirapan ang isa't isa.

Isa-isang sinuri ni Ianah ang gamit.

"Wala kayong anesthesia? Seriously?" Sambit ni Ianah. "Then, Rin it will totally be painful—" Natigilan siya ng iabot ni Min Jun ang curve needle at ang kakaibang sinulid nito.

"What the hell? Is this a piraso ng wood? Seriously? Ito ang gagamitin natin sa kaniya? Are you an alien or what?" Hindi makapaniwala si Ianah na ang tinutukoy ay ang haba ng manipis na kahoy bilang sinulid.

"Stop talking will you? E, sa iyan lang ang meron na gamit dito! Doctor ka 'di ba? Dapat alam mo ang properties ng gamot na 'yan!" Asik ni Min Jun. "'Yang wood na iyan ay analgesic and anti-inflammatory pati malulusaw at matutuyo 'yan kasabay ng sugat niya!" Mahabang paliwanag ni Min Jun.

Mukhang nauubusan na siya ng pasensya.

"Fine. Alright. Okay?" Utas ni Ianah. "Hinga ng malalim, Rin." Dagdag niya pa matapos linisin ang gilid ng aking sugat. May pinatak pa si Min Jun na langis bago ito tinahi ni Ianah.

Parang maghihiwalay ang katawan at kaluluwa ko sa sakit. Ramdam ko ang bawat pagtusok ng karayom sa aking balat.

"Ianah careful!" Usal ni Kaizer. Bago hinaplos ang namamawis kong noo pababa sa mga takas kong buhok.

"Manh-i appa.." It hurts so much. Bulong ko.

Naguluhan si Kaizer. "What? What are you saying? Do you need something?" Nag-aalala niyang tanong.

Love In Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon