CHAPTER 40

90 11 0
                                    

Thanks for voting and reading! I'm hoping for your comments! I appreciate you all mwa!

____________________________

Rin's POV

Lahat sila ay halos bumagsak ang panga ng ikuwento ni Min Jun ang lahat tungkol sa akin. Sinabi niyang babae ako kaya naman halos lumuwa ang mata nila. Naisip kong mas mabuti kung alam nila ang tungkol sa akin lalo na sa sitwasyon ngayon. Mamabilisin ko ang pagtulong sa kanilang makauwi.

They can't stay here in more than two days .

Ganon pa man ay hindi ko pa rin maiwasang huwag hangaan ang kakayahan ni Kai para kilatisin ang tunay kong pagkatao dahil bukod kay Ianah, wala ng nakahalata noon.

Nakagat ko ang labi nang maalalang unang tagpo palang namin ay may kutob na siya sa akin. Nagawa niya pa nga akong tawaging miss.

"Sa sobrang pagka-babaero ba naman ng kapatid ko ay kaya niyang idistinguish ang babae kahit nakapikit." Utas ni Kayler habang natatawa.

Kumunot ang noo ng kapatid niya at lumingon sa akin. "You're wrong, hindi naman ako gano'n!" Pagdi-deny pa niya.

Tumaas ang isang kilay ni Ianah bago umiling.

"Come on, Sinead! Kahit nga nandito na tayo sa ibang bansa ay may babae ka pa rin!" Naiiling pang singit ni Alex. "Speaking of babae, asan 'yong pinopormahan mo? Bakit absent ata ngayon?"

Ramdam kong nilingon ako ni Kai pero hindi ko siya tiningnan. Kay Alex pa rin ako nakatuon.

Suminghal si Ianah. "At sino namang pinopormahan ng malandi at nakakadiring 'to? Si Yoona ba?" Sarkastiko si Ianah.

"Kuha mo!" Ani Alex.

Tumawa si Ashley. "Hanep Yanah ah, parang di mo pinangarap si Kaizer noon ah!" Anito.

Umasim ang mukha ni Ianah bago umirap. "I was immature that time, ano ba. Just realized now na nakakaumay pala siya." Matapos umikot ng mata niya ay aksidente at kusa itong tumigil kay Min Jun.

"Pampatanggal umay." Bulong ni Ianah sa akin bago inalis ang tingin kay Min Jun. Tumawa pa siya sa tainga ko kaya naman napailing nalang ako.

Nasa silid ko pa rin kaming lahat at nag-uusap usap. Si Min Jun ay nakatayo sa bandang paanan ko kalapit si Kai na pinagkrus ang mga braso. Si Ianah naman ay nakaupo sa higaan katabi ko at ang apat ay nasa gilid ko.

Panay ang kantyawan nila sa pagiging babaero ni Kai maging ang naging mga babae niya ay binuksan nila at talagang pinangunahan pa ng kapatid niya.

Kahit alam na nilang babae ako ay wala silang ideya sa kung anong namamagitan sa amin ni Kai.

"Kuya will you stop?" Iritable niyang usal.

Humalakhak si Kayler. "Pikon ka na agad Mister? Totoo naman ang sinabi ko ah. You're relationship status is always complicated dahil hindi maalaman kung sino talaga ang gusto mo!"

Bumukas ang labi ni Kai saka niya pinaglaro sa gilid nito ang kaniyang dila ng dahan-dahan.

"That was before, kuya. I'm in love now and I'm sure of that." Paliwanag niya nang diretso ang titig sa akin. Inalis niya ito saglit para lingunin ang kapatid niya at si Alex. "Siguro kaya komplikado ang status ko noon kasi nga wala sa Pilipinas ang para sa akin. Nandito lang pala.."Nang binalik ni Kai ang titig sa akin ay isa-isa na nila itong sinundan.

Isa isa nila akong tiningnan.

Lumipad ang kamay ni Ashley sa bibig. "Oh my god? Nangangamoy something!" Anito.

Love In Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon