CHAPTER 2

498 51 26
                                    

Chapter 2: Rebelde

Kaizer's POV

Nag-ugat ang paa ko sa kinatatayuan nang tuluyan na siyang lumapit sa akin. Masasabi kong hindi siya katangkaran ngunit mabilis at malaki siyang humakbang. 

Tinapat niya ang dulo ng espada diretso sa aking leeg. Naramdaman ko ang pagtusok niyon sa akin. I cursed, bago mariing lumunok at salitan tumingin sa mukha niya at sa hawak niyang espada.

"H-Hey!" Usal ko, nauutal na. Hindi malabong gilitan niya ako ng leeg. I don't deserve to die headless. Mahalaga ang ulo ko. 

For heaven sake! I can't bear to imagine my head being separated from my body. Hell no, this is the root of my fetish, ang matipuno kong mukha. 

Tinaas ko ang dalawa kong kamay para sumuko. I gulped, "Our jet crashed here and I'm looking for my brother and friends but I can't find them. I just left here alone. I'm not a bad person or whatever spy you're talking about. So, please get off the sword now. Damm, it might scratch my neck!" Mahaba at malumanay kong pakiusap.

Subalit tinitigan lang ako ng taong kaharap ko, pinag-aaralan ang kabuuan ko at sinisiguro kung nagsasabi ba ako ng totoo.

"Being a spy doesn't fit my looks," Nginiwian niya ako. Halos nakahinga ako ng maluwag nang sa wakas ay binaba niya ang espada.

My eyes widened nang nahagip nito ng tingin ang paparating na palaso, tatama ito sa likuran niya. Hindi ko alam ngunit mabilis kong hinatak ang braso ng kaharap ko. Bagay na alam kong ikinagulat niya. Nang tumama siya sa katawan ko ay pareho kaming nawalan ng balanse kaya naman gumulong kami at bumagsak. 

I gulped the moment I stared at this unknown yet angelic face. Kita ko ang pagkagulat sa kaniyang itsura lalo pa nang namilog ang pares ng kanyang mata. 

I won't be wrong! I really felt something on her.. oh, shit. Ianah had that thing as well. 

Natataranta siyang umalis sa ibabaw ko. "Oh, miss!" Napasigaw ako nang pagtayo niya ay bigla siyang nawalan ng balanse.

Hinigit ko ang kamay niya kaya pati ako ay sumama sa kaniyang pagguho. Gumulong kami pababa sa madilim na bangin. Laking pasasalamat ko nalang at nagawa naming iwasan ang lumilipad na mga palaso.

What the hell is this place? Mahigpit kong hinawakan ang ulo at likod niya para masigurong hindi siya masasaktan. 

Napaingit ako nang tumama ang likod ko sa bato. My jaw even tightened. Damn it.  Masyado ng bugbog ang katawan ko.

"You okay, miss?" Tanong ko sa kaniya nang mabilis siyang tumayo para umalis sa ibabaw ng katawan ko. Marahan akong bumangon habang inuunat pa ang aking likod dahil pakiramdam ko may na dislocate akong buto.

"Stop calling me that word. It's for female only and not for a male like me," Tumaas bahagya ang kilay ko. 

I am wrong, then. Shit. I thought she was a woman. I can't help not to question myself at this moment.

I really felt something on her chest. Baka naman nagkamali lang ako. Baka gawa lang iyon nang damit niyang suot.

I'm always with a girl kaya sigurado ako sa naramdaman ko. Ngayon lang ba ako nagkamali?

"Pero ang liit niya rin para sa isang lalaki," Bulong ko. Hindi siguro uso ang tuli dito kaya naudlot ang pagtangkad niya. Alam kong wala ako sa Pilipinas ngayon, sadya nga lang katanungan kung nasaang bansa ako. 

"Hindi sa tangkad nababase ang kasarian ng isang tao," nagbaba ako ng tingin sa kaniya ng bagsak ang panga. Kinukwestiyon kung nasaan ba ako. Kaya nga ako nagtagalog para hindi niya maintindihan ang sasabihin ko pero what the hell. Bakit alam niya ang wikang mayroon ako.

Love In Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon