CHAPTER 36

231 13 8
                                    

Rin's POV

Napaawang ang labi ko. "If it wasn't an accident then tell me the reason! How? Why? Anong kailangan niyo dito?"

Salitan ang tingin ko sa magnobya. "Dahil kay Kyler. Siya ang may pakana ng lahat.." Nang hihina at napapailing na ani Gwayne.

"W-What is the meaning of this?" May bahid na pagkalitong sabat ni Ashley.

Maging si Ianah ay hindi magawang magtaray sa sandaling ito. Pati siya ay tila nalilito sa nangyayari.

"Honey, please.. calm down.." Usal ni Kyler pero hindi niyon nagawang pakalmahin ang nobya.

Hindi makapaniwalang umawang ang mga labi ni Gwayne. "C-Calm? Sa tingin mo ba madali lang para sa akin? Sa aming kumalma? Kyler nasa North Korea tayo! At ngayon walang kasiguraduhan kung makakalabas pa tayo rito!" Samu't saring emosyon ang pinakawalan niya.

"I'm sorry.. Hindi ko gustong madamay kayo.." Nagsusumamong pakiusap ni Kyler.

"Can anyone tell me what's going on here?" Bulalas ni Ianah habang hindi malaman kung kanino itutuon ang paningin.

Kita ko pa ang sunod-sunod na buntong hininga ni Alex.

"Anong kailangan ninyo sa bansa namin?" Walang emosyon kong tanong nang hindi nila alam unahin kung anong ilalabas ng kanilang mga bibig.

Mabigat na nagbaba ng paningin si Kyler. "I'm looking for my father. I want my father back.." Wala sa sarili niyang usal.

Napuno ako ng pagkalito. Wala akong ideya sa tinutukoy niya. Lalo pa sa katotohanang paano napunta dito ang kaniyang ama.

"It's been so many damn years simula ng nawala ang daddy ko! I'm yearning for him. Gusto ko siyang makita.." Napapailing niyang putol samantalang kaming lahat ay natitigilang napatitig sa kaniya maliban nalang kay Alex.

Nasapo ni Kyler ang kaniyang ulo saka padaus-os na napaupo. "Alam kong narito siya. Narito si dad sa North Korea.. umaasa pa rin akong makikita ko ulit siya."

Walang mailabas na salita o kilos man ang kaniyang mga kasama maging ang kaniyang nobya. Batid kong nagulat sila sa narinig.

"Pero paano ka nakasisiguro?" Bigla ay kunot ang mga noong tanong ko.

"Dahil ako mismo ang nag-imbistiga sa pagkawala niya." Paliwanag niya bago natulala sa kawalan. "Kasama siya sa mga doctor na kinidnap ng mga North Korean spy. Mga espiyang militar na illegal na pumapasok sa mga bansa para dumukot ng mga propesyonal na tao na pakikinabangan ng kanilang bansa." Dire-diretso niyang usal. Iyong sa napakatabang na tono.

Hindi mapangalanan ang emosyong nababasa sa malamlam na mata ni Kyler. Bigla tuloy ay naisip ko kung may ideya ba si Kai tungkol sa sinasabi ng kaniyang kapatid. Masyado akong naguguluhan subalit may parte pa rin sa aking batid na nagsasabi siya ng totoo.

Kilala ang North Korea na isang delikadong bansa kaya hindi sila papasok dito ng biro lang.

Walang buhay na napailing si Kyler. "Dad was staying in States back then for a project proposal nang nadakip siya at dinala sa Pyongyang. Dito na sila pinaghiwa-hiwalay ng mga kasama niya at ipinatapon sa iba't-ibang lugar para sapilitang ibahagi ang kanilang nalalaman. Nalaman ko rin na hindi lang Doctor ang nadakip ng mga espiyang militar kundi pati na rin mga guro, scientist, at businessmen."

"Oh my god!" Bulalas ni Ianah.

Walang kasundo ang North Korea kaya ito ang paraan ng aming bansa para hindi mapag-iwanan ng panahon at kaalaman. Para kumuha ng mga may pinag-aralang tao at sapilitang ibahagi sa amin ang kanilang nalalaman.

Love In Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon